Kabanata 41

629 23 0
                                    

______________________________________

Maki Carson
______________________________________


"ITIGIL mo na yan..."- unti-unting nawala ang sigaw ni vaughn ng mapagtanto namin kung sino yun.

"Yael?!"- sabay-sabay naming bulalas ng makita siyang nakatayo at hawak sa leeg si zamir na nasa ere.

Ang maputla nitong katawan nuong namatay siya ay nagbalik sa dating kulay.

Nakalabas ang malaki nitong apoy na pakpak at ang mata ay namumula na parang may apoy din.

"Yael!"- tawag ni caden dito sa galak.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ang dami-daming tanong sa isipan ko.

Anong nangyari? Bakit siya nabuhay? Dahil ba sa orasyong ginawa ni zamir? Kailan siya nabuhay? Sa paanong paraan? Kilala pa din ba niya kami?

"Sino kayo?"- tanong nito sa seryosong paraan at tuluyan ng humarap samin.

Nang makita naming tuluyan si zamir ay napasinghap kami ng wala na itong buhay.

Ang mga pitong estudyante na naka-alay ay hindi na din kumikilos.

"H-hindi mo ba kami nakikilala?"- tanong ni silas at binaba ang hawak na espada.

Mabibigat ang paghinga nito habang ang mga mata ay titig na titig kay yael. Hindi makapaniwala sa nangyayari.

Tumawa si yael at tinapon na parang basura si zamir sa sahig.

Napalunok kami ng makita itong nakamulat at nakanganga na wala ng buhay.

"Hindi ko alam ang iyong pinagsasasabi. Hmm...sa pagkakaalam ko ay may tumawag sakin dito gamit ang ritwal. Ah! Haha! Siya nga pala ang tumawag sakin."- sipa niya sa katawan ni zamir.

"Bilang gantimpala sa pagtawag niya sakin dito sa mundong ibabaw, aking tutuparin ang kaniyang kahilingan."- ngisi nito habang nakataas ang hintuturo.

"Yael! Alam kong ikaw yan!"- biglang sigaw ni silas na nagbalik samin sa realidad.

Hindi kami makapaniwala sa gulat.

"Huwag mo kaming lokohin!"- nanggitgit ang ngipin ni silas sa inis.

"Kayo ba'y kaibigan ng may-ari ng katawan na ito? Pasensya na ngunit ang taong tinutukoy niyo ay patay na."- kibit-balikat niyang wika at ngumiti.

"Tch."- asik ni silas sa narinig.

"Kung wala na kayong sasabihin pa, sisimulan ko na ang aking trabaho."- tinalikuran niya kami.

"Yael!"- puno ng galit na pigil ni silas sa kaniya.

Nilingon niya kami ngunit dahil madilim ang kaniyang pwesto ay hindi ko napansin napansin ang kaniyang normal na pagngiti.

"Bakit hindi niyo gawin ang nararapat? Hindi ba't yun ang pangako niyo?"- bulong niya at lumipad pataas dahilan para masira ang mga pader.

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon