______________________________________
Yael Thiago Esquivel
______________________________________
"HERNAN, tulungan mo akong magkaroon ng kapangyarihan."- kausap ko dito na abala sa pag-aayos ng aking kama.
Nakaupo ako ngayon sa harapan ng salamin at sinusuklay ang buhok ko.
"Anong biro yan señior?"- tawa niya.
Napasimangot ako dahil akala niya siguro nagbibiro ako kahit na seryoso naman ako.
Sh*t! Akala ko kapag tapos na ang proyektong yun ay mawawala na siya. Kung bakit naman kasi inanunsyo ko pa yun pagkatapos ng trabaho namin. Sana pinaalis ko muna siya tsaka ako mag aanusyo ulit ng bagong proyekto.
Napa face palm na lang ako sa kabobohan ko.
Bakit ba sobra akong takot sa lalaking yun?
Tsk. Kailangan kong makahanap ng mahika na magpoproktekta sa sarili ko.
Speaking of which, bigla kong naalala ang makasaysayang kagubatan ng bayang Laeves na katabi lang ng bayan namin. May tatlong bayan ang hilagang rehiyon.
Una ay ang bayan ng Narris. Ito ang pinakamalawak at centro ng komersyo dito sa hilagang rehiyon. Pangalawa ay ang Bayan ng Laeves. Maunlad din ang bayang ito at marami silang kabuhayan. Mayaman din sila sa lupain. Ngunit sa dulong lupain ng Laeves na malapit lamang sa Bayan naming Esquivel ; ang pangatlong bayan dito sa hilagang rehiyon, nakapwesto ang makasaysayang kagubtan na matagal ng hindi ginagalaw ng mga taga Laeves.
Ang kagubatang ito ay tinatawag nilang Lugar ng Kababalaghan. Maraming mga nilalang ang nakatira dito at kapag tuluyan ka ng nakapasok sa kagubatang ito ay maliligaw ka at hindi ka na makakalabas.
Ngunit hindi nila alam na sa loob ng kagubatang yun ay may mahiwagang puno na namumunga ng hindi pangkaraniwang prutas. At kung sino man ang makakatikim nun ay mabibigyan ng kapangyarihan.
Ayon sa nobela, sa paglalakbay ni silas napadpad siya sa kagubatang yun at sa hindi inaasahan nakita niya ang mahiwagang puno.
Dahil marami ang nilalang sa loob ng kagubatang yun, madami sa kanila ang pumipinsala sa puno'ng yun. At ng iligtas ni silas ang puno, bilang gantimpala inutos ng puno na kumuha siya ng prutas at kainin yun dahilan kung bakit nabigyan siya ng panibagong kapangyarihan. At yun ay nakatanggap siya ng makapangyarihang espada.
Tsk. Iba talaga kapag isa kang bida. Marami kang makukuhang pribiliheyo.
Kung ganon, ako ang pupunta dun at kukuha ng kapangyarihan na mag poprotekta sakin.
Mukha bang sarili ko lang ang iniisip ko? Oh eh ano ngayon. Kailangan ko ding mabuhay noh at enjoyin ang masaganang buhay.
Atsaka isa pa, useless din lang naman kay silas yung espada dahil sa susunod na mga kabanata ay mas lalo siyang lalakas at magiging makapangyarihan. Hindi na niya yun kailangan dahil sa mahika pa lang na taglay niya ay sapat na yun sa kaniya.
______________________________________
"Ama, maaari bang kayo muna ang bahala sa mga manggagawa na nagtatrabaho para sa taniman?"- tanong ko pagkapasok ko sa kaniyang opisina.
BINABASA MO ANG
How To Be The Villain (Complete)
AdventureEsme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the book and falls asleep, she found out that she has been transported inside the novel. Another shocking part is that she was inside a man's body...