Kabanata 28

607 33 0
                                    

______________________________________

Silas Orzon Zamora
______________________________________


"SINO ka?!"- sigaw ko at nilabas ang espada ko at tinutok sa kaniyang leeg.

"Shhhh!"- suway nito habang palinga-linga.

"Sumagot ka kung ayaw mong hiwain ko ang iyong leeg!"- banta ko habang seryosong nakatitig dito.

"Sabi ng huwag maingay eh."- asik niya atsaka unti-unting tinanggal ang suot na maskara.

"Yael?!"- gulat kong wika.

"Ang ingay mo."- hinampas niya ang braso ko sa inis.

"Anong ginagawa mo? Atsaka sino yan?"- hindi mapakaling tanong ko.

"Tsaka na ako magpapaliwanag. Tulungan mo muna ako."- atsaka niya pinulot ang dalawang paa ng lalake.

"Huwag mong sabihing..."

"Buhay pa yan. Tsk. Ano bang ginagawa mo dito? Gabing-gabi na lumalabas ka pa ng silid mo."- reklamo niya atsaka nagpatuloy sa paghila.

"Hindi ba't ikaw dapat ang tanungin ko niyan? Anong nangyayari?"- sunod ko sa kaniya.

"Tulungan mo muna ako sabe."- pasigaw niyang bulong.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at napabuntong hininga.

"Saan mo dadalhin to?"- tanong ko atsaka tinulak siya dahilan para mabitawan niya ang paa nito.

Hinawakan ko ito sa kamay para itayo atsaka binuhat sa balikat.

"Lakas ah."- komento pa niya kaya umirap ako.

"Sundan mo ako."- tumalikod na ito at naglakad ng deretso.

"Bakit tayo lalabas?"- bulong ko ng lumabas kami ng tarangkahan ng paaralan. Mabuti't wala ng bantay.

"Dahil hindi ligtas kapag nasa loob ang taguan nila."- sagot niya na lalong pinagtaka ko.

"Anong—"

"Shh! Dito tayo!"- hinila niya ako papasok sa kagubatan malapit lang ng paaralan.

"Hindi ko maintindihan. Anong nangyayari?"- naguguluhan kong tanong.

"Huwag mong sabihing ikaw din ang dumukot kay zyair nolan?"- dagdag ko pang katanungan.

"Tama ka. Ako nga."- sagot niya habang seryosong naglalakad.

Napalingon pa ako sa bulsa ng kaniyang roba nang sumilip si zuku na nasa loob.

"Anong dahilan?"- nanatili ang paningin ko sa kaniya.

"Napaginipan ko ang hinaharap."

Umasim ang mukha ko sa narinig dahilan para mangunot ang nuo niya.

"Hindi ka naniniwala?"- puna niya.

"Wala akong tiwala sayo."- mapait kong tugon kaya napasinghal ito.

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon