______________________________________
Yael Thiago Esquivel
______________________________________
"SILAS! Mayron akong gustong tanungin."- sabi ko atsaka lumapit sa kaniya.
Gabi na ng makita ko siya sa labas ng hardin na nililinis ang kaniyang espada.
Nagpamewang ako sa harapan niya na nanatili ang mata sa ginagawa.
"Kapag ginagamit mo ang iyong mahika, anong iniisip mo? O di kaya'y ano munang ginagawa mo para mailabas mo ang kapangyarihan mo?"- sunod-sunod kong tanong.
"Wala."- simpleng tugon niya.
Nangunot ang nuo ko.
"Anong wala? Basta-basta na lang ba lalabas kapag tinaas mo kamay mo? O may sinasambit ka sa isipan mo?"
Napabuntong hininga ito at nilagay ang espada sa tabi.
Tumayo siya atsaka hinarap ako.
"Nung bata ako tinuruan akong kontrolin ang kapangyarihan ko sa pamamagitan ng malalim na pag-iisi (concentration). Ang kapangyarihan ng isang tao ay nagmumula dito."- turo niya sa kaniyang dibdib kung saan nanduon ang kaniyang puso.
"Ang mahika na nasa puso ay dapat kinakalat yun sa buong katawan ng pantay-pantay. Magagawa mo lamang yun sa pamamagitan ng malalim na pag-iisi (concentration)."- paliwanag niya atsaka napapikit.
Natahimik ang buong paligid at tanging ihip lamang ng hangin at kaluskos ng mga dahon ang naririnig.
Wala pang isang minuto ng biglang lumiwanag ang parte ng kaniyang dibdib kung saan nandun ang kaniyang puso. Pagkatapos ay unti-unti kong nakita ang kulay abo niyang mahika na dahan-dahang kumakalat sa buong katawan niya.
Nang magmulat ito ay nakita ko ang abo nitong mata. At nang matapos ang proseso ng pag-iisi (concentration ) ay nagawa niyang maglabas ng mahika ng walang hirap sa pamamagitan nang pagkontrol ng kaniyang espada sa ere.
"At dahil matagal ko ng ginagawa ito ay nasanay na ako at parang normal na lang sa akin ang paggamit ko ng mahika "- dagdag niya at nawala ang aura ng kaniyang mahika.
"Gusto kong subukan. Maaari mo ba akong turuan?"
"Hindi mo kayang gamitin ang iyong mahika?"- taka niyang tanong.
"Hindi. Sinubukan ko kaninang umaga ngunit walang lumabas."- paliwanag ko atsaka nagtungo sa gitna.
Huminga ako ng malalim at pumikit.
"Anong susunod?"- tanong ko habang nakapikit pa din.
"Subukan mong pakiramdaman ang iyong kapangyarihan. Kapag may naramdaman kang kakaiba ay tsaka mo subukang ilabas ang iyong kapangyarihan sa iyong puso at ikalat ito sa buong katawan mo."- turo niya.
Huminga ako ng malalim at nag concentrate ng maigi.
Nang may maramdaman akong mainit na bagay sa dibdib ko ay atsaka ako nagpakawala ng hangin at sinubukang ilabas ang kapangyarihan ko.
BINABASA MO ANG
How To Be The Villain (Complete)
AdventureEsme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the book and falls asleep, she found out that she has been transported inside the novel. Another shocking part is that she was inside a man's body...