Kabanata 4

1.3K 43 0
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


"N-NAKITA mo yun, hernan?"- hindi makapaniwalang turo ko sa nanggalingan namin kanina.

"A-ang alin po?"- naguguluhang tanong niya at nilingon ang tinuturo ko.

"Y-yung lalake kanina."- napapalunok kong bulong at hinawakan ang magkabilang braso niya.

"Hiiii!"- angil niya sa takot nang hawakan ko siya.

"Y-yung binatang niligtas mo ginoo?"- hinihingal niyang tanong.

Tumango-tango naman ako habang may nanlalaking mata.

"B-bakit señior? Mamamatay tao ba siya?"- nanginginig niya tanong.

Mamamatay tao? Oo, malapit na.

Paano kung balikan niya ako? Paano kung mamatay ako? Pero teka wala naman akong ginawang kinagagalit niya. At tsaka isa pa, hindi ko naman siya ipapakulam kaya safe siguro naman ako diba?

"Ligtas ako..."- wala sa sarili kong bulong at natawa.

"Haha....HAHAHAHAHA!"- tawa ko at binitawan si hernan.

Tinignan niya ako na para bang nawawala na ako sa katinuan.

"Hindi naman niya tayo sinundan diba? Sumilip ka nga sa likod ko."- utos ko na mabilis niyang ginawa.

"Hindi señior."- iling niya.

Napahinga ako ng maluwag at natawa habang hinahaplos ang dibdib kong sobrang nerbyos kanina.

"Mabuti kung ganun."- tatango-tango kong saad at ngumisi.

"Tayo'y bumalik na sa mansion at ako'y magpaplano na."- anunsyo ko at nagsimulang maglakad.

______________________________________


"Anong ginagawa po natin dito?"- takang tanong ng mayordomo ko ng magtungo kami sa isang malawak na lupain na sakop ng bayan namin.

"Ano pa ba edi gagawa tayo ng himala."- ngisi ko.

Isang linggo na ang nakakalipas ng mapunta ako sa nobelang ito. Ang ginawa ko sa isang linggong yun ay naghanap ng ilog na maari naming dalhin malapit sa sentral kung saan duon nakatira ang mga mamamayan.

Mabuti't may nahanap kaming ilog na malawak ngunit masyadong malayo kung kaya't kinakailangan namin ng maraming tao para kumuha ng tubig.

Ngunit bago yun kailangan muna naming gumawa ng balon sa sentral at maayos na lupang paglilipatan ng ilog dito sa lupain na kinatatayuan ko.

Ang problema, paano?!

Tumikhim ako.

"Hernan, kumuha ka ng mga kalalakihan na gustong magtrabaho. Kailangan nating gumawa ng balon sa sentral at dito sa mismong lupa."- utos ko na agad naman niyang sinunod.

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon