Kabanata 6

1.1K 42 1
                                    

______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


ISANG BUWAN na ang nakakalipas ng matapos naming gawan ng daan ang ilog patungo sa lupaing malapit lamang sa sentral.

Ang kalahati ng malawak na lupain na ginawang semento ay naging agusan ng tubig na nagmumula sa ilog kung saan dito maaring kumuha ng tubig ang mga mamamayan na medyo malayo sa sentral.

"Natapos na din natin!"- sigawan ng mga manggagawa ng makita ang pag agos ng tubig patungo sa ginawa naming agusan.

Napangisi ako habang pinagmamasdan ang malinis na tubig pababa.

"May tubig na tayo!"- sigawan nila sa saya.

"Maraming salamat señior! Kung hindi dahil sa iyo ay wala kaming pagkukunan ng tubig."- mangiyak-ngiyak nilang sabi.

"Huwag muna kayong magpasalamat dahil marami pa tayong gagawin. Kailangan nating lagyan ng tubig ang mga balon sa sentral."- nakangiti kong imporma na mabilis nilang kinatango.

"Ngunit señior kung isa-isahin natin ang pag igib ng tubig para ilagay sa mga balon, hindi ba't matatagalan tayo? Mas lalong mapapagod ang mga tao."- bulong ni hernan sa akin.

Napangisi naman ako. "Huwag kang mag-alala hernan, mayron tayong gagawa nun."- tugon ko at tinuro sa likuran ko si silas na nakatayo at pinapanuod ang mga manggagawa kong mag saya.

"Silas. Halika rito."- tawag ko sa kaniya at humarap sa direksyon niya.

Nang makalapit ito ay nagsalita ako.

"Maaari mo bang gamitin ang iyong kapangyarihan upang lagyan ng tubig ang mga balon?"- tanong ko.

Napasimangot ito sa karagdagang utos ko.

"Dadagdagan ko ang sweldo mo ngayong linggo."- mabilis kong agap.

"Ngayon na?"- tanong niya at nagstretch pa.

Tsk. Mukhang pera pala ang lalaking to.

"Oo maari ka ng magsimula."

Naglakad ito papalapit sa tubig at may binigkas na mga salita.

Tinaas niya ang kaniyang mga kamay dahilan kung bakit may sumunod sa ere na tubig galing sa baba.

Namangha ang mga kalalakihang nanonood.

Sa loob ng isang buwan namasdan ko kung paano siya gumamit ng mahika. Hindi ko maipagkakaila. Sa lagay niyang yan ay magaling na siya paano pa kaya kapag mas masanay siya at maging makapangyarihan?

Kapag iniimagine kong makapangyarihan na siya ay kinikilabutan ako.

Sa isang iglap ay nawala ang tubig na nasa ere.

Isa sa mga mahika niya ay teleportasyon. Tatlo pa lamang ang nakikita kong kapangyarihan niya. Una ay kaya niyang wasakin o pasabugin ang anumang bagay. Pangalawa kaya niyang kontrolin ang mga bagay-bagay ng walang hirap. At pangatlo ay kaya niyang ilipat ang mga bagay sa ibang lugar.

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon