P R O L O G U E
Pagkalipas ng pitong taon.
Labing dalawa taong gulang na ako ngayon, ang bilis lumipas ng panahon 'di ba? Parang kailan ko lang binago ang unang magaganap sa buhay ko.
Ito ako ngayon payapang namuhay sa loob ng pitong taon kasama ang mga taong mahal ko sa buhay.
Sa tulong ng kapangyarihan bilang Emperor at Empress, lumaki rin ng payapa at masaya ang tatlong magkambal. Pinutol narin ng Emperor at Empress ang ugnayan ng kaharian sa templo kaya naman sa loob ng pitong taon pinatuyan ng Emperor at Empress na kaya ng kaharian kahit wala ang blessings ng templo sa pamamagitan ng magtagumpay na pagdepensa ng aking tunay na ama na si Duke Alaric sa labas ng kaharian laban sa mga bandido at mananakop.
At sa loob din ng pitong taon, walang sawa ako na nagsasanay upang palakasin ang aking kapangyarihan kasama ang tatlong Prinsipe at si Azelo dahil personal din silang tinuturuan ni Dada.
Si Lukianos naman pagtungtong niya ng limang taong gulang nagsisimula na rin siyang magsanay kasama ko at yung dalawa niyang kambal bale pansamantala silang nakatira dito sa mansyon namin ni Dada, at madalas naman silang binibisita ng Empress at Emperor.
At alam niyo ba kung ano ang mas magandang nangyari ngayong nasa labing dalawa taong gulang na ako?
Binigyan lang naman ako ng Emperor at Empress ng isang shop para masimulan ko na ang negosyong gusto ko at si Dada naman ang nagbigay sa budget na gagamitin ko.
"Ate Thera, kailan niyo po ba bubuksan ang shop mo?" Tanong sa akin ni Lukianos.
"Pagkatapos ng opening celebration na magaganap pa sa susunod na araw, pagkatapos ng bukas ha ha ha." Sagot ko sa kaniya, maiintindihan niya kaya ang sinabi ko.
"Huh?" Tanong nung dalawa sa akin na sina Evangeline at Aksha.
"Pagkatapos daw po ng opening celebration, yun nalang intindihin niyo mga ate. Nasa pagkain po kasi atensiyon niyo eh." Magalang na sagot ni Lukianos sa dalawa, nagmake face naman yung dalawa dahil sa sinabi ni Lukianos sa kanila.
"Kahit tignan niyo po ako ng ganiyan, totoo naman po ang sinasabi ko." Sabi ni Lukianos sa kanila kaya naman palihim akong tumatawa habang pinapanood sila.
"Ikaw Luki ah, ano naman huh? Hmpp." Pagtataray ni Aksha sa kaniya.
Inabutan siya ni Lukianos ng pagkain, "Ito Ate oh, pagkain pa." Sabi ni Lukianos, matagal na tinignan ni Aksha si Lukianos pero mabilis namang kinuha ang apple pie na binigay sa kaniya.
"Ako?" Mahinhing tanong ni Evangeline sa kaniya.
Tinuro ni Lukianos ang basket na nasa tabi ko, "Marami pang dala si Ate Thera, maayos kang maghingi at magpaalam sa kaniya." Sabi ni Lukianos kay Evangeline.
Napatingin naman si Evangeline sa akin kaya napatingin na rin ako sa kaniya.
"Ate? Pahingi po." Kyut niyang paalam sa akin habang magkadikit ang dalawa niyang palad sa harap ko na nanghihingi.
Sa kanilang tatlo si Evangeline ang mukhang pinaka inosente sa kanila eh, sobrang kyut ng mukha at ng boses.
Nilagay ko sa gitna ang basket at binuksan ito para parehas silang tatlo na makakuha.
Tinignan ni Evangeline ang laman ng basket pagkabukas ko, napatingin siya kaagad sa akin ng makita niya ang favourite niyang kainin.
"Banana cake." Masayang sabi niya sa akin, namumula pa ang pisnge habang kinukuha ang banana cake na gustong-gusto niya.
"Huh banana cake? Meron pa?!" Tanong ni Aksha, taas nang energy ng bata na 'to.
"Meron pa, dinamihan ko ang paggawa." Sagot ko sa kaniya.
Kukuha sana si Lukianos ng pagkain sa basket pero mabilis na kinuha ni Aksha ang buong basket.
"Ate Aksha, huwag kang madamot." Sabi ni Lukianos.
"Walang cupcakes dito, Luki." Sabi naman ni Aksha sa kaniya.
"Wala akong sinabing cupcakes."
"Walang apple pie." Sabi ni Aksha habang kumakain at hawak ang basket
"Banana cake, gusto ko." Sabi ni Lukianos sa kaniya.
"Wala na rin." Agad na tugon ni Aksha.
Hahahaha, sila lang pong dalawa ang hindi magkasundo pagdating sa pagkain. Samantala si Evangeline nagsasaya habang kumakain ng banana cake na gusto niya.
"Madamot." Parinig ni Lukianos kay Aksha pero hindi naman siya pinapansin.
"Ate Thera?" Tawag sa akin ni Evangeline.
"Ano yun, baby Eva?" Tanong ko sa kaniya.
"May lemon juice po?" Tanong niya sa akin.
"Oo naman, hintayin natin dumating si Ate Alyana." Sabi ko sa kaniya.
"Akwo rmin, lwemin juice." Singit ni Aksha na punong puno ang bibig niya ng pagkain.
"Ha? May sinasabi ka ba, Ate Aksha?" Kunwaring walang naririnig na tanong ni Lukianos sa kaniya.
"Gusto niya rin daw po ng lemon juice." Sabi ni Evangeline kay Lukianos.
"Shsss, makisama ka naman Eva." Pabulong na sabi ni Lukianos kay Evangeline.
"Naririnig kita, Luki!" Sigaw ni Aksha.
"Hahaha, tama na yan." Natatawang suway ko sa kanila.
"Thera, Ito na inumin niyo." Sabi ni Ate Alyana pagkarating niya sa pwesto namin dala-dala ang lemon juice.
"Lemon juice." Masayang bigkas ni Evangeline at lumapit kay Ate Alyana.
"Ito para sayo, little princess Evan." Nakangiting sabi ni Ate Alyana at inabot kay Evangeline ang isang baso ng lemon juice.
"Salamat po, Ate." Nakangiting pasalamat ni Evan kay Ate Alyana.
Sunod namang lumapit si Lukianos, "Ito naman sayo, Prinsipe Luki."
"Salamat din po." Pasalamat din ni Lukianos.
Lumapit si Ate Alyana kay Aksha ba abala pa rin sa pagkain, "Ito naman ang sayo, Princess Aksha." Sabi ni Ate Alyana sabay abot ng lemon juice niya.
Tumingin naman si Aksha sa kaniya at ngumiti, "Maraming salamat po."
"Walang anuman, mga Prinsesa at Prinsipe." Sabi ni Ate Alyana sa kanila.
"Ate Thera, pagkatapos po ba nito magbabasa na po ba ulit tayo ng libro?" Tanong ni Lukianos sa akin.
"Pahinga muna tayo sandali at magbabasa ulit tayo." Sagot ko sa kaniya.
"Hah?! Ayaw ko magbasa!" Reklamo ni Aksha.
At ito na nga kay Aksha talaga masusubok ang pasensya ko haha.
"Sabi mo gusto mo maging mahusay na knight, 'di ba?" Tanong ni Luki kay Aksha.
"Oo, gusto ko maging makalas!" Mapagmalaki na sabi ni Aksha at kunwaring pinapakita ang muscle niya.
"Isa sa madaling gawain ng isang knight ang mag-aral sa pagbabasa ngunit hindi mo magawa, paano ka magiging malakas?" Pang-aasar ni Luki kay Aksha.
Napatigil naman si Aksha sa pwesto niya, "H-Huh? Sinong nagsabing hindi ko magawa ha?" Pagdi-deny naman ni Aksha kay Lukianos.
Napatampal nalang ako ng noo dahil sa kanilang dalawa, "Tama na yan, ubusin niyo na ang kinakain niyo." Sabi ko sa kanila at bumuntong-hininga.
"Pagkain!" Sigaw ni Aksha sa tuwa kaya napailing nalang.
Kailan ba sila babalik sa palasyo?
Hindi naman sa hindi ko sila gusto pero kasi kaya ko pa bang asikasuhin sila?
Kay Aksha palang, hays.
BINABASA MO ANG
T H E R A II
RandomTo make her second life different from what she knows in the future, Thera made a decision to change her tragic life destiny into the life she wanted. From being the abandoned daughter of Duke Alaric Howard to the beloved and precious daughter of Ge...