CHAPTER 6

457 19 5
                                    

THIRD PERSON POV.

Nagdaan ang ilang minuto simula nung nakaalis na sila Thera, nagtungo naman si Duke Alaric sa kaniyang opisina habang nakasunod sa kaniya ang ika-limang prinsipe, na si Prinsipe Jovan.

Pagkapasok nila sa opisina ni Duke Alaric, kaagad namang hinarap ng Duke ang Prinsipe nung siya'y nakaupo na sa kaniyang upuan.

"Anong sadya mo sa akin, mahal na Prinsipe?" Tanong ng Duke sa Prinsipe.

Bahagyang nagulat si Duke Alaric na makita niya ang seryosong tingin na ginawad sa kaniya ng Prinsipe ngunit hindi niya ito pinahalata.

"Hindi ka maaaring matuloy sa Algera, Duke." Ma awtoridad nitong pagkakasabi sa Duke.

"Paanong alam mo ang pagpunta ko sa Algera? Ako at ang iyong amang Hari ang tanging nakakaalam tungkol dito."

"Hindi ako mangmang, Duke. Alam ko ang nangyayari sa aking pagilid, at isa pa usap-usapan parin hanggang ngayon ang pagkamatay ng mag-asawang Algera. Sa tingin mo ba hindi sasagi sa isip ko na ikaw ang tutulong sa nag-iisang anak nilang babae lalo na't sobrang malapit sa ama ni Yeran?"

"Ibigsabihin nito ay alam mo ang balak kong pag-ampon kay Yeran?" Tanong ng Duke sa Prinsipe.

Hindi lubos akalain ni Duke Alaric na ang batang Prinsipe na kaniyang kaharap ay may nalalaman sa kaniyang gustong gawin sa pagtulong kay Yeran.

Ngunit takang-taka ang Duke sa nararamdaman niyang presensya na nagmumula sa Prinsipe na tila may hindi ito nagustuhan sa sinabi ng Duke sa kaniya.

"Balak mo talagang mag-ampon samantalang may inambandona ka ng anak, Duke?" Nakangising tanong ng Prinsipe, na siyang kinagalit naman ng Duke sa kaniya.

"Magdahan-dahan ka sa inyong sinasabi, Prinsipe Jovan, walang kinalaman si Thera dito labas siya sa pag-ampon ko kay Yeran." Banta niya sa Prinsipe.

"Walang kinalaman? Labas? Ibigsabihin wala lang talaga sayo si Thera? Wala lang sayo ang sarili mong dugo't laman! tapos may lakas ka pa ng loob na magdagdag sa pamilya niyo ng hindi niyo naman kadugo samantalang yung sarili mong anak tinapon mo sa isang mansyon ng parang basu-"

"Tama na!" Malakas na sigaw ng Duke sa Prinsipe, kitang-kita rin sa mukha ng Duke ang hindi pagkagusto at galit sa mga sinabi ng Prinsipe sa kaniya.

Dahil sa ginawang pagsigaw ng Duke, nagulat ang mga nagbabantay na nakarinig at ang dalawang magkapatid na palagpas sana sa opisina ng kanilang ama.

Napahinto sila nung marinig nila ang malakas na sigaw ng kanilang ama at ramdam ng mga nito ang malakas na enerhiya ng kanilang ama. Alam nalang hindi maganda ang nangyayari sa loob ng opisina kaya hindi sila nagdalawang isip na pumasok silang dalawa sa loob.

Naabutan nilang galit na galit ng kanilang ama habang nakatingin sa Prinsipe na nakatingin lang sa Duke.

"Anong n-nangyayari?" Tanong ni Helios dahilan para mapatingin sa kanila ang Duke at ang Prinsipe.

Kumalma naman ng kunti ang Duke nung makita niya ang dalawa niyang anak na lalaki, "Anong ginagawa niyo dito? Hindi ko ka-"

"Alam niyo bang binabalak ampunin ng ama niyo si Yeran? Ang nag-iisang anak na babae ng dalawang mag-asawang Algera?" Pagputol ng Prinsipe sa sinasabi ng Duke sa dalawa.

Gulat naman ang dalawang magkapatid sa tanong ng Prinsipe sa kanila.

"H-Hndi ito totoo 'di ba, Dad?" Nautal pang tanong ni Helios sa kaniyang ama habang gulat parin siya.

Umiwas lang ng tingin sa kanila ang Duke at hindi sinagot ang tanong ni Helios.

Napayukom ng kamay si Helios habang ang gulat niyang ekspresyon ay napalitan ng galit.

T H E R A  II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon