Habang abala ang lahat na kumakain sa hinanda ng mga chef ng shop ko hinihintay ko naman si Kuya Drad dahil hinahanda niya ang mga daldalhin kong pagkain, balak ko talaga kasi pumunta kila Kuya Hans at Kuya Helios para personal na ibigay sa kanila ang invitation card ko sa pagbubukas ng shop.
Habang hinihintay ko siya pinapanood ko naman ang tatlong kambal na kumakain kasama ang mga tauhan ng shop, at kasama rin ang mga knights.
"Ang sarap talaga lahat ng pagkain, wala akong mapili sa mga 'to na maging favorite ko." Sabi Aksha habang nag-eenjoy sa pagkaing kinakain niya.
"Tekman mo rin 'tong inumin nila, Ate Aksha." Alok ni Luki kay Aksha habang hawak ang isang baso ng inumin na inaalok niya sa kaniya.
"Ano yan? Bakit kulay berde ang kulay niyan, Luki?" Tanong ni Aksha at tinignan pa ang hawak ni Luki na inaalok sa kaniya.
"Hindi ko alam kung ano ang tawag dito pero masarap siya kahit na nalalasahan ko ang...lasa ng damo?" Sagot ni Luki na walang kasiguraduhan.
Palihim naman akong natawa dahil sa lasang damo na sinasabi niya, halos talaga ng bagong nakakatikim ng matcha ay yun ang sinasabi.
"Lasa ng damo?" Taas kilay na tanong ni Aksha kay Luki.
Okay, ito na naman po siya.
Nilapit niya ang mukha niya kay Luki na para bang sinusuri niya ang loob at buong pagkatao nito.
"Kabayo ka ba?" Tanong niya kay Luki na naging dahilan para maging tahimik sandali ang buong loob ng shop, nasa kanila rin ang atensiyon ng lahat.
"Hindi ko akalain na alam mo ang lasa ng damo, siguro palihim kang kumakain ng damo no?" Sambit ni Aksha na siyang kinatuwa ng nakikinig sa kanila.
"Hindi ah!" Namumulang tanggi ni Luki kay Aksha
"Talaga ba?"
"Young Lady, ito na po yung pinapahanda mo." Hindi ko namalayan na nabalik na pala si Kuya Drad dahil sa panonood ko sa dalawa.
Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti, "Salamat po, Kuya." Pasalamat ko sa kaniya at kinuha na ang isang box na inabot niya sa akin.
"Aalis na po ba kayo?" Tanong niya sa akin.
"Opo, para hindi ako gabihin sa pag-uwi." Sagot ko sa kaniya.
Napatingin ako sa pintuan ng shop nung marinig ko ang pagbukas ng pinto, nakilala ko naman kaagad kung sino ang pumasok, walang iba kundi si Azelo.
"Grabe ang tangkad niya." Ani ko sa aking isipan habang nakatingin kay Azelo na papalapit sa amin pwesto.
Binalik ko ang tingin ko kay Kuya Drad, "Alis na po ako." Paalam ko sa kaniya.
"Ingat ka, Lady Thera."
Tumango ako sa kaniya bilang tugon at tumingin sa tatlo, "Eva, Luki, at Aksha." Tawag ko sa kanila tatlo, at tumingin naman sila sa akin.
"Aalis ka na po?" Tanong sa akin ni Evangeline.
"Oo, pupunta na muna ako kila Lolo." Sagot ko sa kaniya.
"Ingat ka, Ate." Sabi ni Luki.
"Pagkatapos niyong kumain dito balik na kayo sa bahay, doon niyo nalang ako hintayin." Bilin ko sa kanila.
"Opo, Ate." Sagot nila sa akin.
"Okay, alis na ako." Paalam ko sa kanila at naglakad na paalis
"Ingat kayo, Ate Thera!" Rinig ko pang sigaw ni Aksha kaya napangiti ako.
BINABASA MO ANG
T H E R A II
RandomTo make her second life different from what she knows in the future, Thera made a decision to change her tragic life destiny into the life she wanted. From being the abandoned daughter of Duke Alaric Howard to the beloved and precious daughter of Ge...