CHAPTER 15

604 30 4
                                    


THERA POV.

Pagkauwi namin ng mansyon kaagad naman kaming sinalubong ng  ilang maids. Kaagad silang yumuko sa amin bilang pagpapakita ng paggaling sa amin, at kahit hindi ko na sila utusan na pa umayos ay ginagawa na nila dahil nakasanayan na nila ito sa akin noon pa man.

Napatingin naman kay Ate Alyana nang lumapit siya sa amin, "Napaaga yata ang uwi niyo." Sabi niya sa amin.

"Mabilis lang din kasi kami natapos, Ate." Tugon ko naman sa kaniya.

Tumingin siya sa may likuran ko at mukhang ang pinamili namin ang tinignan niya. Sinenyasan niya ang ilang katulong na nandito para kunti ang binili namin, at napatingin nalang kami sa kanila na kinuha yung binili namin sabay alis.

"Sila ng bahala maglagay ng damit niyo sa inyong silid." Magalang na pagkakasabi sa amin lalo na kay Jairto. Kahit na matagal ng tumitira dito sila Jairto ay hindi parin nagbabago pakikitungo niya sa kanila, sobrang magalang parin siya sa kanila.

"Salamat, Ate." Pasalamat ni Jairto kay Ate Alyana.

"Gusto niyo bang magpahinga na muna sa inyong silid? Kakarating niyo lang, alam kong pagod kayo." 

Napangiti naman ako sa tuwa ng banggitin ni Ate Alyana ang pahinga dahil pagod pa talaga ang katawan ko at gusto kong matulog na muna ngayon.

"Mabuting pa ngang magpahinga na muna tayo." Ani ni Azelo, napatingin ako sa kaniya na hindi ko naman akalain na sa akin pala siya nakatingin.

"Mauna ka na sa amin, alam kong pagod ka." Sabi niya at ngumiti sa akin na bahagyang nagpagulat sa akin ng kaunti sa hindi ko malamang dahilan.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin kay Ate Alyana. "Magpapahinga po muna ako, tawagin niyo nalang po ako kapag kakain na at kapag nandiyan na si Dada." Bilin ko kay Ate Alyana.

Tumingin ako kila Azelo at Jairto, "Magpahinga narin kayong dalawa." Sabi ko sa kanila at umalis na, hindi ko na hinintay kong may sasabihin pa silang dalawa sa akin.

Hindi ko alam pero, ba't parang pakiramdam ko nahihiya ako?

Habang papalapit ako sa aking silid ay may naramdaman naman akong isang enerhiya na siyang nagpabilis sa akin para pumasok sa loob ng aking silid.

Pagkapasok ko sa kwarto naabutan ko ang librong binili namin ni dada sa pamilihan noon na lumulutang at lumiliwanag, hindi naman masakit sa mata ang liwanag kaya nakukha ko pang tignan ng mabuti ang libro.

Sa hindi ko mapaliwanag na pakiramdam na tila tinatawag ako ng libro. Unti-unti akong lumapit at nagulat nalang ako ng bigla akong lumutang ka pantay ng libro na nasa harapan ko na ngayon.

Ramdam kong may nagbago sa akin habang nakatingin ako sa libro, at ang mas hindi ko inaasahan ay ang unti-unting pagbabago ng hitsura ng libro, hindi na ito luma kung titignan dahil sa anyo nito.

Manghang-mangha akong nakatingin sa libro hanggang sa tuloyan itong lumapit sa akin at kinuha ko naman, kasabay ng pagkuha ko sa libro ay siya namang pagwala ng liwanag.

Mas naging bagong libro tignan ang librong hawak ko ngayon pero higit pa dun, mas nakakaantig siyang tigna dahil sa kumikinang na disenyo nito na para bang ang sagrado ng librong ito.

"Sagrado?" Wala sa sarili kong banggit ko na hindi ko namalayan na nilapat ko ang kanang kamay ko sa itaas ng libro.

Nabigla ako sa lakas ng liwanag kaya napapikit ako ng mata, at nung hindi ko na maramdam ang liwanag at minulat ko na ang aking mga mata.

T H E R A  II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon