THERA POV.
Pagkapasok namin sumalubong kaagad sa amin ang pinuno ng mga chef na magtatrabaho para sa shop ko at nakalihera naman ang ibang magtatrabaho sa may gilid.
"Pagbati sa Prinsesa at Prinsipe ng kaharian."
"Isang pagbati rin sayo, Young Lady Thera." Magalang na pagbati niya sa amin.
"Kamusta po kayo dito sa shop?" Tanong ko sa kanila.
"Ayos naman po, nagawa na naming maperpekto ang mga binilin niyong gawin namin." Sagot niya sa tanong ko.
"Salamat, Kuya Drad." Pasalamat ko sa kaniya at ginala ang aking paningin sa mga pagkain na nakahanda sa mga mahabang lamesa na nakaayos pa.
Si Kuya Drad ay personal na pinili ng Emperor at Empress para maging chef ng shop ko, hindi ko na magawang tumanggi dahil mahirap humanap ng chef na magtatrabaho para sa akin at magawang masundan ang mga recipe ko.
"Wow! Ang dami!" Rinig na rinig kong pagkamangha ni Aksha nung makita niya ang mga nakahandang pagkain.
"Mukhang masasarap lahat." Sabi naman ni Luki na isa-isa pang pinagmamasdan ang mga pagkain na nakahanda sa lamesa.
"Ang dami ng mga ito Kuya Drad." Sabi ko kay Kuya Drad.
"Ginanahan kasi ako gumawa young lady, kaya naman naparami ang nagawa ko pati na ang iba."
"Huwag kang mag-alalala Chef Drad, kami ang uubos!" Sigaw ni Aksha kay Kuya Drad kaya naman napatampal na naman ako ng noo ng dahil sa kaniya.
"Pakiusap, Mahal na Empress at Emperor paki kuha ito anak niyo." Mangiyak-ngiyak kong hiling sa aking isipan.
"Ah hahaha, hindi naman pala masasayang ang gawa namin kung nandito sila." Pabulong na wika ni Kuya Drad
"Hindi nga po, may makulit pong uubos ng ginawa niyo, Kuya Drad."
napatingin ako kay Evangeline nung makaramdam ako ng kalabit mula sa kaniya dahil magkahawak ang kamay namin.
"Ate, tikman na rin po natin ang mga nakahandang pagkain." Mahinhing pagkakasabi niya sa akin.
Kahit si Eva nalang maiwan sa akin, magbakasyon na muna yung dalawa.
Ngumiti ako sa kaniya, "Sige." Sabi ko at naglakad na kami pareho palapit sa mga nakaayos na pagkain.
"Ah! Banana cake." Tuwang wika ni Evangeline nung makita niya ang banana cake.
Cute, favorite niya talaga ang banana cake.
"Luki! Tikman mo 'to." Pasigaw na tawag ni Aksha kay Luki kaya napatingin ako sa kanila.
Nakita ko si Kasha na may inabot kay Luki na pagkain, ang apple candy na tinatawag ding toffee apples sa modern world.
"Ano 'to?" Tanong ni Luki sa kaniya.
"Apple, pero may nakabalot na matamis sa labas. Ang sarap nito Luki, tikman mo." Sagot ni Aksha kay Luki kaya naman napangiti ako habang pinanood sila.
Binalik ko na muli ang atensiyon ko kay Evangeline na wala na pala sa aking tabi dahil nawili na siyang tikman isa-isa ang mga pagkain.
"Ate, cookies oh." Ani 'ya at inabutan ako ng isang cookies, kinuha ko naman ito at tinikman.
hmm, ang sarap.
Mas masarap pa 'to kesa sa mga ginawa ko, hindi ako nagkamali tanggapin ang chef na gustong magtatrabaho para sa akin ng Emperor at Empress.
BINABASA MO ANG
T H E R A II
RandomTo make her second life different from what she knows in the future, Thera made a decision to change her tragic life destiny into the life she wanted. From being the abandoned daughter of Duke Alaric Howard to the beloved and precious daughter of Ge...