CHAPTER 12

465 27 7
                                    


Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Lolo, nandito naman ako sa balkonahe nagpapalipas ng oras dahil sa mukha kong namumula kakaiyak kanina nahihiya akong bumalik sa pwesto ko halatang-halata kasi na umiyak ako baka kung ano pang isipin ni dada kapag nakita niya ako na namumula ang mata.

Habang nagpapalipas ako ng oras dito ngayon ko lang napansin na gabing-gabi na pala, " Ang bilis naman lumipas ng oras." Ani ko habang nakatingin sa kalangitang punong-puno ng bituan at ang nag-iisang buwan na kay liwanag na nagmistulang ilaw sa dilim.

"Tama ka, kay bilis nga lumipas ng oras. Kanina lang nakita pa kitang umiiyak kausap ang dating duke tapos ngayon naman nandito ka nagtatago sa balkonahe." Wika ng isang napaka pamilyar na boses kaya napatingin ako sa kaniya at nakita ko si Prinsipe Jovan sa aking tabi na may kalayuan ng kunti sa aking pwesto.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya dahil inaasahan kong abala siya sa pakikipag-usap sa mga imbitadong bisita namin ngayon lalo na't isa siyang prinsipe.

"Nakita kitang nagpunta rito kaya gumawa ako ng paraan para makatakas sa ilang bisita mo na gustong kausapin kami." Sagot niya sa akin, bahagya naman akong natawa dahil alam kong hirap siyang takasan sila.

"Kamusta naman? May maganda naman bang nangyari sa pakikipag-usap mo sa kanila?" Tanong ko

"Wala, hindi na nga matandaan ng isip ko ang mga pinagsasabi nila sa akin." Napatingin naman ako sa kanya, at hindi ko akalain na sabay kaming dalawa matatawa sa sinabi niya.

"Sa tagal ng pagkikipag-usap mo sa kanila, wala ka man lang natandaan? Kahit kunit?"

"Hindi ako interesad lalo pa't wala namang bago sa mga sinasabi nila sa amin."

"Nais lang naman mas maging malapit sa amin."

"Hindi na nakakapagtaka kung bakit nandito ka at iniwan sila."

"hmmm"


Mga ilang sandali na naging tahimik kaming dalawa kaya naman nakaramdam ako ng pagkailang at hindi ko alam kung ano ang susunod na sasabihin dahil hindi ako sanay sa ganito na tahimik lalo na't kami lang dalawa rito.

"Sigurado ka na ba sa pagpasok mo sa Mestialand Academy?" Tanong niya sa akin na kinatingin ko sa kaniya, pinagmasdan ko muna siya sandali nagbabasakaling makita ang dahilan kung bakit niya yun tinanong sa akin.

"Oo naman, ang mga magulang mo na gumawa ng paraan na doon ako mag-aral. Wala akong dahilan para tanggihan sila lalo pa't magandang paaralan ang Mestialand Academy." Sagot ko sa kaniyang katanungan na walang halong pagsisinungaling.

Wala akong dahilan para tanggihan ang pagpasok ko sa Mestialand Academy kung ang kapalit nun ay masasaksihan ko ang mga mangyayari at magagawan ng paraan para maiwasan ito para walang madamay.

"Paano kung may mga pangyayari na hindi mo magugustuhan habang nandoon ka? Mananatili ka parin ba sa Mestialand Academy?" Sunod niyang tanong na siyang pinagtataka ko.

Pero isa lang nasa isip na posibleng dahilan o sagot sa tanong niya, 'di kaya nagkita na sila ni Yeran? Nasa panig ba siya ni Yeran?

"Ano pong ginagawa niyong dalawa ito? Nagd-date po ba kayong dalawa?" Gulat naming tingin sa aming likuran nung marinig namin yun, at nakita pa namin na naka pamewang si Aksha habang nakataas ang kilay na nakatingin sa aming dalawa ni Prinsipe Jovan.

Napatampal nalang ako ng mukha nung makita ko ang dalawa niyang kakambal sa likuran niya seryosong nakatingin sa amin lalo na sa prinsipe.

Naguguluhan naman ako sa kanilang tatlo na pagtakbong paglapit sa akin at nakayakap pa sa akin sina Luki at Evangeline, tapos nakaharang pa sa gitna si Aksha habang nakatingin sa kuya nila.

Ano naman kaya ang gagawin nito?

"Hindi kami papayag! You can't have her without our permission! You can't date her, Kuya Jovan!" Sigaw ni Aksha kay Prinsipe Jovan.

Pareho kaming gulat na gulat ni Prinsipe Jovan at saglit pa kaming nagkatinginan dahil dun, hindi namin inaasahan ang mga sinabi ni Aksha.

"Aksha, iba an-"

"No!" Sigaw niya ulit sa kuya niya, kakausapin ko sana siya pero napatingin naman ako sa dalawa na mahinang hinihila ng suot ko.

"Sasama ka po ba kay Kuya Jovan, Ate Thera?" Tanong sa akin ni Evangeline at yumuko.

Anong sasama? Saan? At saan naman kami pupunta ng kuya nila?

Hindi naman ako nakasagot sa kaniya dahil hindi ko pa napoproseso sa isip ako ang iniisip at ginagawa nila .

"Tara na!" Hila sa akin ni Luki na wala akong magawa dahil ang seryoso ng mukha niya.

"Luk-" Hindi natapos ang pagtawag ni Prinsipe Jovan sa kapatid niya dahil pinutol din ito ni Luki.

"Ayaw ko!" Gulat akong napatingin kay Luki na pasigaw din siyang nagsalita sa kuya nila.

Hindi na umagal pa si Prinsipe Jovan at hinayaan ko na rin na hilain ako ng tatlo pabalik sa pwesto namin.

Jusko ano bang nasa isip ng tatlong batang 'to? Akala ba nila may namamagitan sa amin ng prinsipeng yun?

Sa bata kong 'to, mas gugustuhin ko pang mag-aral ng mag-aral!






THIRD PERSON POV.

"Anong nangyari bakit hindi natuloy si Alaric na puntahan si Yeran?!" Bulyaw nito sa kaniyang tauhan dahil naging palpak ang mga plano niya.

"Patawad, Master Adam. Hindi ko naman inaakala na magbabago ang isip ni Duke Alaric."

"Hindi ba't nakumbinsi mo na ang kapatid kong yun na ampunin si Yeran? Madali nalang sana natin magagawa lahat ng plano natin kung hindi ka sana pumalpak!" Nanggagalaiting sigaw nito sa kaniyang tauhan na nanginginig na sa takot dahil sa nararamdaman niyang takot mula sa taong kaniyang pinagsisilbihan.

"Nakalimutan mo na bang sa oras na pumalpak ka ay asahan mong hindi ko ito mapapalagpas pa? At hawak ko ang buhay mo, hawak na hawak ko ang lahat ng sayo." Madiing pagkakasabi ni Adam sa kaniyang tauhan dahilan para lumuhod ito sa kaniyang harapan.

"Patawad, Master Adam! Pakiusap, bigyan niyo pa ako ng isang pagkakataon, hindi na kita muling bibiguin!" Pagmamaakawa ng kaniyang tauhan.

Lumapit naman si Adam sa kaniya at hinawakan ang mukha nito para tumingin sa kaniya, "Pagbibigyan kita sa ngayon pero kapag pumalpak ka ulit, buhay mo na ang kapalit. Hindi ako nag-iiwan ng tauhang walang kwenta." Marahas niyang binitawan ang mukha nito at bumalik na sa kaniyang pwesto.

"Bumalik ka na, siguraduhin mong i-uulat mo sa akin lahat ng nangyayari sa dukedom at ang mga galaw ng aking kapatid." Utos nito.

"Masusunod po, Master."

"At mag-utos ka ng magmamanman kay Thera, magagamit ko ang batang yun dahil isa na rin siya sa kahinaan ni Alaric ngayon."

"Ngunit master mahigpit po ang seguridad sa teritoryo ni General Leon."

"Wala akong pakialam! Gawan mo ng paraan!"

"Masusunod po ang iyong nais, Master."

T H E R A  II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon