CHAPTER 14

402 24 1
                                    


Pagod na pagod akong umupo sa upuan habang sila Azelo at Prinsipe Jairto ay nagsusukat ng damit na susuotin nila sa araw baptism namin.

Pinauna ko na silang pinapili dahil gusto ko munang magpahinga kahit sandali lang. Kahit na alam kong kailangan kong kausapin ang tatlong kambal kagabi hindi ko naman akalain na tatagal kasi kailangan ko pa pala silang suyuin,  kaya sa huli wala akong nagawa kundi gawin ang gusto nila para lang hindi magtampo sa akin. Napaluto pa tuloy ako ng marami kagabi dahil sa dami nilang gusto.

"Xixi, hindi ka pa ba pipili ng susuotin mo?" Tanong sa akin ni Jairto pagkalapit niya sa pwesto ko.

Umayos na muna ako ng upo bago ko siya sagutin, "Pipili ako kapag natapos na kayo ni Azelo." Tugon ko sa kaniya.

"Tapos na ba kayo pumili ng masusuot niyo?" Tanong ko sa kaniya at sandaling tumingin sa pwesto ni Azelo na inaasikaso pa ng nagtatrabaho dito sa boutique shop na pinunatahan namin.

Ang sabi ito lang daw na boutique shop ang gumagawa ng damit na masusuot namin kaya naman maaga palang nagpareserve na ang empress para sa amin.

"Nakapili na ako, si Azelo nalang hindi pa pero mukhang makakapili na siya ng susuotin niya." Sagot ni Prinsipe Jairto sa akin habang nakatingin kila Azelo.

Maya-maya lang ay napansin kong tapos na si Azelo sa pagpili kaya tumayo na ako at lumapit sa kanila.

Napansin ako kaagad nung isang babae na nag-aasikaso kila Azelo, nilapitan niya ako na nakangiti, "Pipili na po ba kayo?" Tanong niya sa akin.

Ngumiti ako ng pabalik sa kaniya, "Opo." Sagot ko sa kaniya.

"Sandali lang, ipapalabas ko muna ang mga damit na pagpipilian mo." Sabi niya sa akin kaya tumango nalang ako sa kaniya at hinintay nalang siyang matapos na ilabas ang mga damit na sinasabi niya.

Sa akala ko kunti lang ang damit na pagpipilian ko pero nagulat nalang ako ng biglang sunod na sunod na pumasok ang ibang nagtatrabaho sa boutique na may pinapasok na damit.

Habang pinapanood ko silang pinapasok ang mga damit at inaayos, napansin ko namang iisa lang ang kulay lahat ng damit na nilabas nila para pagpilaan ko maliban sa mga naka detalyong disenyo sa bawat damit.

Lahat ng nilabas nila ay dress nagkaiba lang sa style at design. Merong plain lang ang pagkakagawa, meron naman na sa tingin ko ay talagang pinaglaanan ng oras o araw para gawin.

"Pumili na po kayo kung ano ang nagustuhan mo sa mga yan." Magalang na pagkaakasabi sa akin ng babae habang naakaturo pa ang kamay niya sa direksyon ng mga dress na nilabas nila.

Hindi na ako nagsalita pa at isa-isa kong tinitignan ang mga damit nila.

"Bagay sayo ang isang yun" Sabi ni Azelo habang nakaturo at nakatingin sa dress na sinabi niya sa akin. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya, at si Prinsipe Jairto.

Tinignan ko ang dress na tinuro niya at talaga namang maganda dahil ang eleganteng tignan lalo na ang mga detalyong disenyo na naka borda pa gamit ang dilaw o gintong sinulid.

"Mukhang simple pero ang eleganteng tignan. Babagay talaga sayo ang dress na yan, Xixi." Sabi naman si Prinsipe Jairto.

"Tama po sila, Lady Thera. Babagay po ang dress na yan sa iyo." Pagsang-ayon naman ng babae sa sinabi nila Azelo.

Nakangiti ako na nilalapitan ang dress na sinasabi nilang babagay sa akin. "Sige, ito na po ang pipiliin ko." Nakangiting wika ko sa babae at nakangiti rin ako na tignan si Azelo at Prinsipe Jairto.

T H E R A  II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon