THERA POV.
"Thera?" Rinig kong tawag sa akin ni Ate Alyana pero inaantok pa ako, gusto ko pang matulog.
Binalot ko ang sarili ko sa kumot at dumapa, "Thera, tumayo ka na." Paggising niya sa akin.
"Gusto ko pa pong matulog." Inaantok na sabi ko sa kaniya.
"Ano na naman ba ginawa mo kagabi?" Tanong niya sa akin.
"Maaga po akong natulog kagabi." Sagot ko sa kaniya.
"Hindi yan ang tinatanong ko, Thera. Hindi ka aantukin ng ganiyan ngayon kung maaga kang natulog kagabi." Sabi niya sa akin, nabobosesan ko ang pagiging strict sa pananalita niya.
Oo nga naman, bakit kasi yun sinagot mo Thera?
Kasalanan 'to ni Narence eh, kung hindi niya lang ako pinahirapan kagabi sa pag-eensayo sa ice magic. Edi sana maaga ako nakatulog.
Pero sulit naman pagsasanay kagabi dahil lumakas ang mana ko at mas nakokontrol ko na aura ko.
Ngunit 'di ko makalimutan yung pagsigaw-sigaw niya sa akin sa stress hahaha, naubos yata pasensya niya sa akin hindi ko kasi magawa ng tama yung pinapagawa niya eh. Lagi akong nagkakamali pero nakuha ko naman.
"Inaantok pa talaga ako, Ate." Reklamo ko na inaantok pa rin.
"Hays, 'di ba may lakad ka ngayon? Para sa pagbubukas ng shop mo." Pagkumbinsi niya sa akin para tumayo pero ayaw pa makisama ng katawan ko.
Inaantok pa talaga ako!
"Ate Thera!" Malakas na sigaw ng isang sobrang kilala kong boses.
Walang ikaw kundi si Aksha Prish Dicher lang naman.
"Ate!!" Sunod na sigaw niya kaya mas lalo kong binalot ang aking sarili sa lakas ng sigaw niya.
"Ate!! Ate!! Ate!!" Sunod sunod na tawag niya sa akin at naramdaman kong may umakyat sa kama ko, at mukha si Aksha yun.
"Ate! Tumayo ka na!!" Sigaw niya habang niyuyogyog ako.
"Tumayo ka na! Tumayo ka na!"
"Tumayo ka na, Ate Thera." Ani 'ya kaya walang buhay akong bumangon ng higaan.
"Magandang umaga, Ate." Bati niya sa akin habang ang laki ng ngiti niya na nakatingin sa akin.
Anong maganda sa umaga kung nakalunok ba naman ng microphone ang gigising sa akin.
"Good morning, Shasha." Matamlay kong bati sa kaniya pabalik.
"Ate, tayo ka na. Magbihis ka na." Sabi niya sa akin habang hinihila ang kamay ko.
"Inaantok pa ako, Shasha." Humihikab pang sabi ko sa kaniya.
"Hindi ka po pwedeng matulog ulit! 'di ba po ngayon tayo pupunta sa shop kasi bukas na ang opening celebration. Huwag mong sabihing nakalimutan mo Ate?! Malapit na po magbubukas ang shop mo tapos magiging pabaya ka na?!" Sermon niya sa akin.
Ito na naman tayo, daig pa ang nanay ko namermon.
"Bakit ka po magbubukas ng shop kung hindi mo naman aasikasuhin ha, Ate?!"
"Nagiging irresponsible owner ka na po kahit hindi pa nagsisimula ah." Tuloy na panenermon niya sa akin habang nahawak pa siya sa beywang niya.
Yung totoo, sino ba mas matanda sa amin, siya o ako?
"Ano na Ate Thera, hindi ka pa rin ba tatayo diyan? Hah?" Sa tanong na 'to parang tinatakot niya na ako.
Kung noon gustong-gusto ko silang alagaan at makalaro dahil ang kyoot kyoot nila, ngayon? Gusto ko nalang na bumalik sila sa palasyo pero nakakamiss naman kakulitan nila.
BINABASA MO ANG
T H E R A II
RandomTo make her second life different from what she knows in the future, Thera made a decision to change her tragic life destiny into the life she wanted. From being the abandoned daughter of Duke Alaric Howard to the beloved and precious daughter of Ge...