CHAPTER 9

374 23 2
                                    



THIRD PERSON POV.

Habang naghihintay ang iba sa kaniya-kaniya nilang pwesto na nakalaan para sa kanila, at ang karamihan naman ay nakikipag-usap sa iba habang naghihintay ang tamang oras para sa opening party ng shop ni Thera.

"Nandito na ba ang mga taong nasa listahan na imbitado sa opening party?" Tanong ni Chef Calian sa taong inatasang magbantay sa mga taong nakadalo.

"Lahat ng nasa listahan ay nakarating na maliban nalang kay Duke Alaric." Sagot nito sa kaniya.

"Huwag mo ng intindihan yan, ang pagdating nalang ni Young Lady ang kulang para magsimula na ang opening party."

"Nakakalungkot naman kung hindi dadalo ang Duke dito sa opening party ng shop ni Young Lady Thera, pinaghandaan pa naman niya lahat ng ito at personal pa niya silang binigyan ng imbitasyon para dumalo sa araw na ito." Malungkot na pagkakasabi ng kausap ni Chef Calian.

"Hindi ako nalulungkot para kay Young Lady Thera kundi nalulungkot ako para sa Duke." Sabi ni Chef Calian kaya napatingin sa kaniya ang kaniyang kasama.

"Bakit naman po? Hindi ba't kay Young Lady tayo malulungkot dahil siya ang tunay na ama ng amo natin."

"Siya nga ang tunay na ama niya pero nasaan siya? Maski sa pagdalo ngayon dito ay hirap pa niyang ibigay, mas nalulungkot ako sa kaniya dahil hindi niya magawang kunin ang loob at tiwala ng amo natin. Pinagbuksan na nga siya ng amo natin pero parang siya pa nahihirapan pumasok sa halip na ang amo natin dapat mahirapan kung tatanggapin pa ba niya ang kaniyang tunay na ama sa kabila ng ginawa nito sa kaniya." Sagot ni Chef Calian na napagtanto naman ng kaniyang kasama na tama ang sagot ni Chef Calian sa kaniya.

Magsasalita pa sana siya pero hindi natuloy dahil sa paagdating ng isang magarbong karwahe sa kanilang harapan. Mabilis silang kumilos para pumila ng maayos para magbigay galang sa pagdating nila Thera.

"Pagbati para sa Head at sa nag-iisa Prinsesa ng House of Valor." Bati ng lahat na sumalubong sa pagdating nila Thera.

Nakangiti si Thera dahil sa saya na makita sila, "Maraming salamat sa inyong lahat." Pasalamat niya sa kanila umayos naman ng tayo ang mga ito at masayang ngumiti pabalik kay Thera.

Pinagbuksan ng dalawang Knight sila Thera para pumasok sa loob nakaalalay sa kaniya ang kaniyang Dada at nakasunod naman sa gilid ng General Leon si Azelo.

Wala mang pinapakita na emosyon si Azelo ngunit sa loob-loob niya ay masaya siya para kay Thera.

Habang papasok sila, lahat ng tingin ay na kay Thera lalo na't sa ganda nitong taglay na nakakapukaw ng mata sa lahat, mas hindi nila maalis ang tingin nila kay General Leon at Thera dahil sa hindi nila akalaing masasaksihan nila ang maaliwalas na ekspresyon ng General at ang magandang ngiti nito kay Thera.

"Napaka gandang pagmasdan ng General kapag kasama niya ang kaniyang anak."

"Totoo pala ang sabi-sabi na hindi biro ang taglay na mayroon ang anak ni General Leon, hindi na ako magtataka kung maraming mabibighani sa kaniya."

"Nakakapanibago talaga na makita ang General na isang masiyahing ama sa kaniyang anak, iba kasi pakikitungo niya sa lahat kaya naman binagsagang mabagsik na General."

"Ang ganda niya, siya na ba yung anak ni General Leon?"

"Napaka ganda nilang pagmasdan."

"Sino naman ang isa nilang kasama, anak din ba siya ng General?"

"Hindi, sa pagkakaalam ko malapit na kaibigan yan ng anak ni General aat makikita ko rin siya na kasama ang mga Prinsipe."

Mga bulong-bulongan na nabuo dahil sa pagpasok ng Ama kasama si Azelo.

Pgkarating nila Thera sa kanilang pwesto, kinakabahan man dahil sa daming tao na naimbitahan at dumalo ngunit lakas loob parin siyang humarap sa lahat para harapin ang kaniyang mga bisita.

May lumapit naman sa kaniya na isa ring Chef ng kaniyang shop at inabutan siya ng isang baso ng juice samantalang wine naman sa iba nilang bisita at juice naman sa iba lalo na't may mga bata ring bisita.

"Bago ang lahat nais kong ipakilala ang aking sarili, alam ko naman na ang nakakarami sa inyo ay kilala na ako pero nais ko parin magpakilala para sa mga taong hindi pa ako kilala. Ako si Thera Roxiae Valor, ang Prinsesa ng House of Valor at ang nag-iisang anak ni General Leon Valor." Pakilala niya sa kaniyang sarili sa lahat ng bisita at panandalian pa siyang tumingin sa kaniyang Dada at ngumiti.

Hindi naman mapaliwanag ng General ang sayang kaniyang nararamdaman habang pinanonood ang kaniyang anak at marinig ang mga sinasabi nito sa lahat.

"Sa lahat ng nandito na dumalo, thank you so much for attending the opening party of Sweet Haven. Hindi ko 'to magagawa, ang magbukas ng ganitong ka gandang shop kung wala ang mga taong tumulong sa akin, thank you very much po for helping and supporting me until now." Panimula ni Thera at habagyang yumuko't bumalik sa dating ayos.

"Bilang pasasalamat sa inyong lahat, kami ay naghanda ng iba't ibang uri ng pagkain para sa inyong lahat na tiniyak naming magugustuhan niyong lahat." Tinaas ni Thera ang basong hawak niya ba may lamang juce, "Tayo ay magsaya sa araw na ito na wala munang iniintindi ng kahit ano, cheers!" Nangiting ani 'ya sa lahat.

Napangiti at nasisiyahan sa kaniya ang mga dumalo, "Cheer!" Sigaw ng lahat at sa pag-inom ni Thera sa inuming binigay sa kaniya ay siya rin namang pag-inom ng mga bisita sa inuming hawak nila.

Pagkatapos nun ay nagsimula ng kumain ang lahat ng bisita at magsaya habang nag-uusap o kumakain kasama ang kanilang kakilala o pamilya kasama.

Masayang-masaya si Thera naa pinapanood ang lahaat na masayang nakikisalamuha sa iba habang may hawak na pagkain at makita na nagustuhan ng mga bisita ang kanilang mga hinandang pagkain pa sa kanila.

"Anong gusto mong kainin, Princess? Pangkukuha ka ni Dada." Tanong ng General kay Thera.

"Kahit ano nalang pong pagkain na nakahanda Dada, mahirap pong pumuli lalo na't nais kong tikman ang lahat ng naka handa." Sagot ni Thera, tumingin naman ang General kay Azelo.

"Azelo, may nais ka bang kainin?" Tanong naman ng General kay Azelo.

"Kahit ano nalang din po." Sagot ni Azelo sa kaniya.

"Oh sige, kuha lang ako ng pagkain natin." Palaam ng General sa kanila

Tumango naman si Thera sa kaniya at, "Punta po muna ako kila Tita Alex habang kumukuha ka po ng pagkain natiin." Pagpaalam ni Thera sa kaniyang Dada.

"Sige." Payag ng General sa kaniya at umalis na para kumuha ng pagkain nila.

Aalis na sana si Thera sa kanilang pwesto para puntahan ang pwesto ng Emperor at Empress ngunit may hindi siya inaasahang mangyari na nagpatigil sa kaniyang gagawin.

T H E R A  II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon