CHAPTER 13

454 23 1
                                    


Habang hila-hila ng tatlong kambal si Thera napatingin naman sa kanila sina General Dale, Empress, at Emperor pati na ang mga prinsipeng kasama nila lalo na ang Dada ni Thera na si General Leon.

Pagkadating nila sa kanilang pwesto sinalubong naman sila kaagad ng isang tanong ng Empress, " Ang seryoso ng mga mukha niyo, may nangyari ba? bakit hila-hila niyo naman ang Ate Thera niyo?" Tanong ng Empress sa tatlong kambal niyang anak.

Bago nila sagutin ang kanilang Ina pinaupo na muna nila si Thera, "Maupo ka na, Ate." Sabi ni Aksha at bakas talaga sa boses ang paseryusohan niya.

Humarap si Aksha sa kanila at, "Ayaw namin kay Kuya." Masungit na sagot ni Aksha bago ito umupo na ginaya rin ng dalawa.

Nagtaka naman ang lahat sa sinagot ni Aksha samantalang naiilang na hindi alam ni Thera kung ano ang gagawin o kung paano magsalita at magpaliwanag sa Empress.

"Sinong kuya?" Tanong ni Prisipe Jihan sa kanilang kapatid.

"Syempre si Kuya Jovan, Kuya Jihan. Siya lang naman wala dito at malabong tayo kasi nandito tayo kanina pa kasama nila mama." Si Prinsipe Jairto na ang sumagot sa tinanong ni Prinsipe Jihan sa bunso nilang kapatid.

Tahimik naman lahat matapos sagutin ni Prinsipe Jiarto ang tanong ni Prinsipe Jihan.

"Anong bang nangyari, Princess?" Tanong ni General Dale sa kaniyang kinakapatid na si Thera dahil mukhang alam niyang walang balak sumagot ang tatlo.

"Hindi lang po kami nagkakaunawaang lima, kuya."

"Ikwento mo sa amin ang nangyari kung bakit nagkaka-ganiyan ang mga batang maliliit na yan." Sabi naman ni General Leon kay Thera para malaman nila ang nangyari kung bakit ganun nalang ang ekspresyon ng tatlo.

Napanguso naman si Aksha sa sinabi ng General habang nakaiwas ng tingin sa kanilang lahat.

"We are not small, Tito Leon." Mahinhing angal ni Princess Evangeline pero tinignan lang siya ng General na wala man sinasabi para bawiin ang sinabi nito kaya sa huli ay sumimangot siya at umiwas na rin ng tingin sa kanila.

"Naabutan kasi nila kami ni Prisipe Jovan na nag-uusap sa balkonahe kanina at pati na rin ako ay hindi ko maunawan kung bakit ganun na lamang ang inasta nila nung makita nila kami doon, na sa tingin ko ay binibigyan nila ng ibang kahulugan ang pag-uusap namin ng prinspe sa balkonahe." Maikling saad ni Thera sa kanilang lahat.

Muli na naman natahimik ang lahat matapos nilang marinig ang sinabi ni Thera habang si General Dale hindi natuwa ngunit hindi niya kayang ipakita iyon lalo pa't kasama nila ang Empress at Emperor, samatalanag si General Leon naman ay ganun din ang nararamdaman.

"Ehemm!" Tikhim ng Emperor dahil alam at nararamdaman niya ang hindi pagkatuwa ng dalawang General.

"Mga anak. Nag-uusap lang naman sila, at wala namang malisya yun 'di ba?" Sabi naman ng Emperor sa kaniyang tatlong anak.

Napatingin naman si Princess Aksha sa kanilang ama, "Sila lang dalawa?" Nakataas pang kilay na tanong ni Aksha sa kaniya.

"Walang malisya yun, Shasha. Nagkataon lang na naabutan ako doon ng kuya niyo at nagkausap kami." Pagdadahilan naman ni Thera kay Aksha.

"Si Ate Thera niyo na mismo ang nagsabi, hindi niyo dapat binibigyan ng ibang kahulugan ang nakikita niyo hanggat hindi pa nila naipapaliwanag ang kanilang mga sarili." Pangangaral ng Emperor sa tatlo.

"K-" Magsasalita palang sana si Luki ngunit hindi natuloy dahil sa biglaang pagsingit ng Empress.

"Gabi na, mabuti pang magpahinga na kayo baka sa pagod lang yan." Sabi ng Empress sa kanila.

Tumayo naman si General Dale at tumingin sa tatlong kambal pati na kay Thera, "Mabuti pa ngang maphinga na kayo, oras na at dapat natutulog na kayo ng ganitong oras. Ako na maghahatid sa inyo pabalik ng mansyo ni Leon." 

"Salamat, General Dale. Sumama na rin kayo sa kanila Jihan at Jairto, kila General Leon muna kayo mananatili ngayong gabi kasama ang inyong mga kapatid." Pasalamat ng Empress kay General Dale at pinapasama niya sa kanila ang dalawang prinsipe.

Lumapit si General Dale kay Thera at binuhat ito, "Tara na." Aya niya sa mga prinsipe at prinsesa.

"Kuya! Kaya kong maglakad, hindi na po ako bata para buhatin pa ng ganito." Pabulong na wika ni Thera kay General Dale.

"Para sa akin bata ka pa, at wala kang magagawa dun." Hindi na umangal pa si Thera dahil batid niyang hindi niya mapipigilan ang Kuya Dale niya sa gustong gawin nito.




Pagkaalis nila napahinga naman ng maluwag ang Empress at Emperor.

"Paumahin Leon, sa inasta ng mga batang iyon." Pagpapaumahin ng Empress sa General.

"Ayos lang. kilala ko na ang mga anak niyong yun, lalo na si Aksha." Ani ni General Leon na makikitaan ng maikli ngiti sa kaniyang mukha.

"Hindi na nakakapagtaka na ganun sila kay Thera, mahalaga sa kanila ang ate nila." Dugtong ni General Leon na siyang kinatuwa naman ng dalawa.

"Balik tayo sa na umpisahang usapan natin kanina. Leon, sino ang isasama mong magbabantay kay Thera sa akademya?" Tanong ng Emperor sa General.

"Si Azelo." Maikling sagot ni Gneral Leon sa Emperor.

"Si Azelo? Yung batang kinopkop mo rin?"

"Oo, nakikitaan ko ng potential ang batang yun kaya binibigay ko sa kaniya ang pagkakataong ito na mag-aral kasama ni Thera. At para ko navring anak ko yun dahil sa akin na rin siya lumaki gaya ng anak kong si Thera." Sagot ni General Leon sa sunod na katanungan ng emperor sa kaniya.

"Hindi dapat yan ang pino-problema natin dahil sa anumang oras ay makakahanap tayo ng magbabantay sa mga bata habang nasa akademya sila, ang iniisip dapat natin ngayon ay kung paano natin mababantay sila Thera sa araw ng baptism nila." Seryosong pagkakasabi ng Empress sa kanila, kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala para kay Thera at sa anak niyang si Prinsipe Jairto.

"Hindi pa naman maganda ang relasyon natin sa templo dahil sa bagong batas na pinatupad natin."

Napaisip naman ng mabuti ang General sa sinabi ng Empress at Emperor.

"Pinagbabawal ba na may bantay ang mga bata?" Tanong ng General.

Malungkot namang tumango ang Empress sa kaniya, "Pinapanatili nila ang kanilang tradisyon na ang mga bata lang ang pwedeng makakapasok sa loob ng templo. Nababahala ako dahil sa tuwing may sinasagawang baptism ang templo ay mag ilang bata na hindi nakakabalik pa sa kanilang mga magulang." 

Panandalian silang tumahimik kakaisip ng paraan kung paano nila masisiguro ang kaligtasan nila sa templo sa araw ng baptism ng mga bata.

May bigla namang pumasok na ideya sa isip ng General Leon.

"Naalala niyo pa ba ang dalawang healers galing sa templo noong nangaganak ka, Alexa?" 

Napatingin na muna sa isa't isa ang Empress at Emperor bago nakangiting tumingin sa General.

"Si Healer Hayu at Healer Akari. Pwede tayo makiusap sa kanila na bantayan sila Thera habang nas templo sila." Sabi ng Empress at saglit pang napangiti sa tuwa na may paraan na sila para masiguro ang kaligtasan ng mga bata sa templo.

"Ipapatawag ko sila at kausapin." Sabi naman ng Emperor na panatag na ang kalooban.

"Salamat, kayo ng bahalang kumausap sa kanila."

Nakangiti namang tumango ang Emperor at Empress sa kanila. "Huwag kang mag-alala dahil gaya mo rin ay gagawin namin ang lahat para ma protektahan si Thera."

T H E R A  II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon