THERA POV.
Pagkatapos ko maligo at mag-ayos ng aking sarili, pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin.
"Mukha akong dalaga." Sabi ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.
"Swerte ko, namana ko ang height ng sa father side ko dahil sa labing dalawa kong edad nasa 5'5 na height ko."
"May itatangkad pa ako nito." Tuwang ani ko habang nasa harap ng salamin.
Tok! Tok!
Rinig kong katok sa pinto ng silid ko, "Sino yan?" Tanong ko.
"Si Ate Alyana mo 'to, tapos ka na ba?" Tanong niya sa akin mula sa labas ng pinto.
Kaagad akong lumapit sa pinto at binuksan ito, "Tapos na po ako." Sabi ko kay Ate Alyana at lumabas na.
"Buti naman, naiinip na si Prinsesa Aksha kakahintay sayo." Sabi niya sa akin, ramdam ko naman sa boses niya ang pagka-stress niya kay Aksha.
Sa kanilang tatlo, hindi ko talaga alam kung saan nagmana si Aksha. Hindi naman ganun ang ugali ng Emperor at Empress eh.
"Tara na po, baka magwala si Aksha kapag natagalan pa ako lalo." Sabi ko kay Ate Alyana na may halong pabirong tono.
"Kilala mo naman ang ugali ng Prinsesa na yun, napaka ikli ng pasensya." Sabi niya sa akin habang naglalakad kami pababa.
"Oo nga po."
Pagkababa namin naabutan namin ang tatlong kambal na naghihintay sa akin, maliban sa isa na...
"Ang tagal naman ni Ate Thera, nalunod na ba siya?" Rinig kong reklamo niya.
"Hindi ba't ganun ka rin naman, Ate Shasha? Napaka tagal mag-ayos sa sarili." Sabi ni Lukianos sa kaniya.
"Mabilis akong maligo Luki! Buhos, sabon tapos bihis kaagad." Naiinis na usal ni Aksha kay Lukianos.
"Hindi ka nagbabanlaw? Kaya pala mabilis kang mangamoy." Nakangising wika ni Lukianos kay Aksha na mas lalong kinainis niya.
"Eh ano naman ngayon ha? Hindi ako kagaya niyo na kulang nalang kinakain na kayo ng paliguan!" Sigaw ni Aksha kaya naman lumapit na ako sa kanila.
"Ate Thera." Tawag sa akin ni Evangeline at agad na lumapit sa akin.
"Pasensya na kung ngayon lang ako." Sabi ko sa kanila.
Umiwas naman ng tingin sa akin si Aksha at lumapit na din sa akin si Lukianos.
"Aalis na ba tayo, Ate?" Tanong sa akin ni Lukianos.
"Oo, tara na." Nakangiting sagot ko sa kaniya at tinignan sila, sunod-sunod naman silang tumango sa akin kaya lumabas na kami ng mansyon.
Nakita naman namin ang napaka gandang karwahe pagkalabas namin.
"Yan ang gagamitin niyo." Sabi ni Ate Alyana sa amin.
"Bakit 'to? Wala bang simple lang? Pagtitinginan kami kapag yan ang gamitin namin." Sabi ko kay Ate Alyana.
Umiling naman si Ate Alyana sa akin, "Ang Dada mo mismo naghanda niya, wala akong magagawa kapag siya na mismo ang gumawa." Sagot ni Ate Alyana sa akin at ngumiti.
May isang kawal naman ang pumunta sa pinto ng karwahe at binuksan ito.
"Hindi na mahalaga kung ano ang gagamitin nating karwahe dahil ang mas mahalaga at, pagkain!" Sigaw ni Aksha at nauna ng pumasok sa loob.
Napailing nalang ako na nakangiti dahil sa ginawa niya, "basta pagkain, wala siyang pakielam." Sabi ko sa aking isipan habang nakatingin kay Princess Aksha na nasa loob na ng karwahe.
BINABASA MO ANG
T H E R A II
RandomTo make her second life different from what she knows in the future, Thera made a decision to change her tragic life destiny into the life she wanted. From being the abandoned daughter of Duke Alaric Howard to the beloved and precious daughter of Ge...