Habang nagpapatuloy ang open party ni Thera, hindi naman maiwasan mapatingin ang ibang bisita sa pwesto ng mga Howard dahil matahimik lang ang mga ito at hindi pa nila nakikita lumapit sa iba para makipag-usap.
Sa kabilang banda naman ay natutuwa ang ibang bisita habang pinapanood ang masayang pakikipag-usap ni Thera sa mga Royal Family, hindi nila maiwasang mapangiti lalo na't napaka saya at masigla ng pwesto ng Empress at Emperor.
"Hindi ko akalaing makikita ko ang empress na masaya lalo na ang emperor na nakangiti habang pinapanood si young lady Thera at ang knilang mga anak na nakikipag-katuwaan sa anak ng general."
"Tama ka, patunay 'to na totoo ngang malapit si Young Lady Thera sa kanila. Hindi na nakakapagtaka kung makikita ng iba na parte siya sa Royal Family."
THERA POV.
"Ate, ang sasarap po ng mga pagkaing hinanda niyo. Yung iba ngayon ko lang po natikman kasi wala yung iba nung nagtitikim tayo ng pagkain, sinadya mo po yun ate no?" Puri ni Aksha sa naka handang pagkain pero talagang mausisa siya sa lahat ng bagay lalo na kung pagkain ang pinag-uusapan.
I tap her nose with my index finger, "Oo, yun ay para surpresahin kayo." Sagot ko sa kaniya.
Nagtaka naman ako sa kaniya nung tumingin siya kay Luki na may waging-wagi na ngiti sa kaniyang labi, "Tama ako, Luki!" Medyong pasigaw niyang wika kay Luki.
Palihim naman kong natawa nung makita kong bumutong-hininga si Luki bago tumingi kay Aksha.
"Oo na, tama ka na" Ani 'yang pagtanggap na tama si Aksha.
"Yeheyy!" Sigaw ni Aksha sa saya at yumakap sa akin na siyang kina tuwa ko.
"Gagawan mo 'ko ng babana cake, Ate." Sabi niya sa akin habang nakangiti.
"Aksha, anak ang dami mo ng kinain dito at pagkatapos nitong opening party ng Ate Thera mo ay kailangan niya magpahinga."Hindi pagsang-ayon ng Emperor sa gusto ni Aksha na may halong pagpapaliwanag para maintindihan niya.
Kita ko naman ang lungkot ni Aksha kaya hinawakan ko ang ulo niya bago tuimingin sa Emperor. " Ayos lang po, gusto ko rin po kasi kumain niyan ng babana cake." Sabi ko sa Emepror.
"Kakain tayo pagkauwi natin sa bahay." Sabi ko kay Aksha na siyang pagbalik ng sigla at saya sa mukha niya na kinagaan ng pakiramdam ko.
Kahit magulo siya minsan, sila naman ang dahilan para mas kumpleto ang araw ko sa tuwing nasa bahay sila at kasama sila.
"Salamat, Thera." Pasalamat sa akin ng Emepress.
Ngumiti muna ako sa kaniya bago magsalita, "Walang anuman po, Kamahalan."
"Hanggang ngayon, Kamahalan parin tawag mo sa amin. Huwag kang mahiyang tawagin kaming Tito't Tita dahil para ka na rin naming anak, Thera."
Gusto talaga nila na tawagin ko lang sila na Tito at Tita pero ayaw ko naman sila tawagin sa ganun kung maraming tao ang makakarinig at naka paligid sa amin baka sabihin pa nilang bastos ako dahil hindi ko sila nireresto bilang Empress at Emperor ng kaharian.
"Tatawagin ko lang po kayong ganun kapag tayo-tayo lang po ang magkakasama." Sabi ko sa Empress.
"Pabayaan mo na, Mahal. Gusto lang maging ma ingat ng bata sa iba." Sabi ng Emperor sa Empress na siyang sinang-ayunan ko.
"Pero dapat hindi ko marinig ang kamahalan kapag tayo-tayo lang ang magkakasama, gaya ng iyong sinabi, Princess." Sabi ng Emperor sa akin na may makabuluhang ngiti na tila nanakot.
BINABASA MO ANG
T H E R A II
RandomTo make her second life different from what she knows in the future, Thera made a decision to change her tragic life destiny into the life she wanted. From being the abandoned daughter of Duke Alaric Howard to the beloved and precious daughter of Ge...