CHAPTER 5

545 29 4
                                    

Pagkapasok namin sa loob napatulala naman ako sa ganda ng mansyon, gaya ng inaasahan sa mansyon ng mga may matataas na posisyon natural lang na magarbo ang kanilang tinitirhan.

Nakita ko ang mga tagapag silbi na naka linya at ilang knights, mukhang pinaghandaan nila ang pagsalubong sa akin.

"Maligayang pagdating sa Howard Mansion, Young Lady Thera." Sabay nilang bigkas na pagbibigay galang pagkakita nila sa akin.

Howard Mansion, hmm hindi ko akalaing makakapasok ako dito—kung kailan isa na akong ganap na Valor.

Nakakapanibago at nakakahiya pero sa loob loob ko ay may kunting lungkot ngunit masaya naman.

Kuntento na ako sa kung ano ang meron ako ngayon lalo na't may Dada naman ako, hindi ko akalaing mararamdaman ko na kailangan ko pala ng ganito..........mula sa totoo kong pamilya.

"Tara lil sis, sa dinning room tayo marami kaming hinanda dun para sayo." Sabik na wika sa akin ni Kuya Helios habang naka hawak sa aking kamay.

"Tara!" At hinila ako papunta sa dinning room na sinasabi niya.

"Dahan-dahan lang kayo, apo." Rinig kong paalala ni Lola sa amin pero parang walang naririnig si Kuya Helios ngunit pansin ko ang pagdahan-dahan niya ng kaunti.

Talagang sabik siya na ipakita sa akin ang hinanda nila.

Pagkarating namin sa harap ng pinto ng kanilang dining room may nakabantay na dalawang knights sa labas.

"Pagbuksan niyo kami." Utos ni Kuya Helios sa kanila na kaagad naman nilang sinunod.

Mahigpit ba sila dito? Tila may mga bantay kasi kahit dito sa dinning room nila may knights pa na nagbabantay.

"Pasok na tayo, lil sis." Nakangiting wika sa akin ni Kuya Helios, tumango nalang ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa.

Pagpasok namin bumungad sa akin ang maayos na pagkaayos ng kanilang pagkain sa lamesa, agaw pansin naman ang mga medyo naglalakihang regalo sa dulo dahil sa dami na nagpatong-patong pa.

Hindi ba delikado kapag nagsibagsakan ang mga iyan? Ang dami naman kasi, para saan naman kaya sila, pang dekorasyon ba?

"Nakikita mo ba ang mga iyon?" Tanong sa akin ni Kuya Helios habang nakaturo sa mga regalo na tinutukoy niya.

"Oo, bakit? Para saan ba ang mga 'yan?" Sagot at tanong ko sa kaniya.

"Yan ang mga hinanda naming regalo para sa 'yo, Thera." Rinig ko kaya napatingin ako sa taong nagsabi nun at nakita ko ang Duke na nasa gilid ko na.

"Regalo? Para sa akin?"

"Oo, yan ang pinagkaabalan naming lahat nung nalaman namin pupunta ka dito."

Hindi naman ako makapaniwala na napatingin ulit sa mga regalong hinanda nila para sa akin.

Regalo nila para sa akin? Totoo ba?

"Halika bunso, buksan mo na." Sabi sa akin ni Kuya Hans at gulat na gulat ako nung bigla niya akong buhatin papunta sa mga regalo.

Napayakap tuloy ako sa kaniya ng wala sa oras, "K-Kuya! Kaya ko naman maglakad eh!" Reklamo ko sa kaniya.

"Hahaha hayaan mo na si Kuya, ngayon ko lang 'to nagawa sayo eh, susulitin ko na bunso." Masayang ani 'ya sa akin habang buhat buhat ako patungo sa mga regalong hinanda nila para daw sa akin kaya hinayaan ko nalang talaga siya sa gusto niya.

Pagkalapit namin sa nakaayos na regalo nila, binaba niya na ako, "Ito na."

"Hoy! Kuya." Sigaw ni Kuya Helios kaya napatingin kami sa kaniya, natawa naman kami nung makita siyang inis na inis papalapit sa amin.

T H E R A  II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon