CHAPTER 7

480 27 4
                                    


THERA POV.

Ngayon na ang araw ng pagbubukas ng shop ko, na pa hinga nalang talaga ako lalim sa kaba.

Sobrang sabik ako sa pagbubukas pero grabe naman yung kaba na nararamdaman ko ngayon, hindi ko kasi akalain na magkaka-negosyo ako dito sa ganitong edad pa talaga.

"Pang-apat mo na yan." Sabi ni Ate Alyana habang abala sa pag-aayos ng buhok ko.

"Kinakabahan ako, Ate."

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap at tinignan ako sa salamin, "Natural lang na makaramdam ka ng kaba, ngumiti ka dahil isa itong importanteng araw para sa'yo." Ani 'ya sa akin na nakangiti kaya huminga na muna ako ng malalim bago ngumiti ng pabalik kay Ate Alyana habang nakatingin sa kaniya sa salamin.

"Yan, tapos na kitang ayusan, at handa ka na."

Pagsabi nun ni Ate Alyana, tumayo ako kaagad at humarap sa kaniya.

"Maraming salamat po, Ate." Pasalamat ko sa kaniya.

Pagkatapos ay napatingin ako sa pintuan nung marinig ko ang pagbukas ng pinto, nakita ko naman ang pagpasok ni Dada sa silid ko.

Pagkakita niya sa akin ay ilang segundo niya rin ako tinitigan bago ko siya nakitang ngumiti.

"Parang kailan lang, maliit ka palang nung napunta ka sa akin pero ngayon kunti nalang at nasa wastong edad ka na. mabuti't nasubaybayan ko ang paglaki mo, my precious princess." Sambit niya na siyang kinangiti ko ng labis.

Mabilis ba?

Pero para sa akin, magsisimula palang.

"Alam kong handa ka na." Napatingin ako sa kamay niya na nakaabot sa akin, "Tara na, maraming naghihintay sayo." Dugtong niya, inabot ko naman ang kamay niya at ngumiti kay Dada.

Parang kailan lang din nung binubuhat niya pa ako sa tuwing aalis kami, ngayon kamay ko nalang ang hawak niya para alalayan ako.








THIRD PERSON POV.

Habang patungo sila Thera sa shop niya, tahimik naman sa tahanan ng mga howard dahil sa isang taong hinihintay nila para makaalis na.

"Tagal ni Alaric."

"Hindi ba sasabay si Dad sa atin, Kuya?" Tanong ni Helios sa kaniyang nakakatandang kapatid, bakas sa boses nito ang lungkot at ang pagkakadismaya sa kanilang ama.

"Hindi ko alam, hintayin nating magtungo ang butler niya dito para sabihan tayo." Sagot naman sa kaniya ni Hans.

"Bakit pa ba natin hinihintay yang si Alaric? Siya nalang wala dito at kung wala talaga siyang balak unahin ang totoong anak niya, bakit pa tayo nag-aaksaya ng oras para hintayin siya? Mas lalo niya lang pinapatunayan na wala talaga siyang kwentang ama kay Thera." Pagrereklamo ng isang kapatid ni Duke Alaric na Tito nila Thera, Helios at Hans.

Hindi naman kumibo sina Hans at Helios dahil tama naman ang sinasabi ng kanilang Tito kung pipiliin nga talagang pumunta ng kanilang ama kay Yeran, mas pinapatunayan lang nito na wala talaga siyang kwentang ama sa kanilang bunsong kapatid na si Thera.

"Manahimik ka, kung naiinip ka kakahintay sa kaniya mauna ka nalang pumunta doon." Suway ng Lolo nila sa nagrereklamong Tito nila, wala naman itong nagawa at nanahimik nalang.

"Lo, paano kung hindi sumama sa atin si Dad? Paano si lil sis?" Tanong ni Helios na may halong pag-aalala.

"Matagal ng inalis sa buhay ng bunso niyong kapatid ang ama niyo, sa tingin niyo ba isa itong malaking kawalan sa kaniya kung sakaling pipiliin maging mangmang ulit ang inyong ama?" Patanong na sagot ng Lolo nila kay Helios.

"Hindi, dahil kinikilala niyang si General Leon at pinaka mamahal na kapatid naman siya ni General Dale." Si Hans na ang sumagot sa halip na si Helios.

Hinawakan ni Hans ang balikat ni Helios at, "Maraming taong naka paligid at nagmamahal kay bunso, Helios." Ani 'ya na may ngiting nagpapahiwatig na hindi niya kailangan pang masyadong mag-alala sa bunso nilang kapatid lalo na't nandiyan naman sila para sa kaniya.

Habang sa kabilang banda naman ay nakatingin ang Lolo nila Thera sa pababa at papalapit sa kanila na butler ni Duke Alaric.

Sa ekspresyon palang nito halatang hindi magugustuhan ng Lolo nila Thera ang sasabihin ng butler ni Duke Alaric sa kanila kaya naman walang pag-aalinlangan na tumayo ang Lolo nila Thera kahit pa na halos kakarating lang ng butler ni Duke Alaric sa pwesto nila.

"Ma—" Hindi natuloy nito ang kaniyang sasabihin ng magtagpo ang tingin nila ni Adamion ang Lolo nila Thera.

Sa nakakatakot na tingin nito na ginawad sa kaniya, tila nawalan siya ng lakas upang iparating sa kanila ang inutos sa kaniya ang pinapasabi sa kanila ni Duke Alaric.

"Hindi mo na kailangan sabihin baka mawala pa ako sa katinuan ko at makalimutan ko talagang anak ko ang pinagsisilbihan mo, mauna na kami. Sinasayang niya lang ang oras namin kakahintay sa kaniya." Mga salitang iniwan ng Lolo nila Thera bago sila umalis para dumalo sa pagbubukas ng shop ni Thera.









Sa kabilang banda naman ay dumadami na ang mga taong dumadalo sa pagbubukas ng shop ni Thera, lahat ng mamayaman at negosyante ay makikita mo sa loob ng shop.

Hindi basta-basta ang shop na itinayo ng Empress at Emperor para kay Thera dahil ang shop na pinagawa nila ay kakasya lang naman ang higit na isang daang katao dahil sa laki nito.

Makikita mo sa pagkakaayos at magkakagawa ng shop ni Thera na talagang ginastusan ng Empress at Emperor ang pagpapagawa dahil sa magandang kinalabasan nito.

Kaya hindi na nakakapagtaka kung magiging isa rin sa pagpipilian ang shop ni Thera na gamitin para sa debut ng mga anak na babae ng mga nasa matataas na posisyon at ng mamayaman sa pagpapakilala nila sa publiko.

Habang abala ang mga dumalo sa paghanga sa shop ni Thera at sa pakikipag-usap nila sa iba, pumasok naman ang Empress at Emperor kasama ang mga anak nito, kasama na doon ang tatlong kambal nilang anak.

Lahat sila ay yumuko at nagbigay galang sa kanila.

May isa namang lumapit sa harap nila ang isa sa nagtatrabaho sa shop ni Thera, "Pagbati sa Empress at Emperor ng kaharian pati na sa Prinsipe't Prinsesa." Nakayukong bati nito sa kanila bago tumuwid ng tayo sa kanilang harapan, "Hayaan niyo po akong gabayan kayo sa inyong magiging pwesto habang nandidito po kayo." Sunod nitong wika sa kanila.

"Hi, Kuya Drad para ka pong estatwa sa ginagawa mo." Pagbibiro ni Aksha sa sumalubong sa kanila.

"Manahimik ka muna, Ate. Kita mong ginagawa na ni Kuya Drad ang trabaho niya." Suway naman ni Luki sa kaniya.

"Para kasi siyang ibang tao, Luki. Eh si mama at papa lang naman kaharap niya." Medyo natutuwa pang tugon ni Aksha kay Luki samantalang natutuwa naman ang Empress habang nakikinig sa dalawa.

"Pangunahan mo, susunod kami." Nakangiting utos ng Empress kay Chef Drad.

Ngumiti naman pabalik si Chef Drad at pormal na tinuro ang kanilang pupuntahan, "Sumunod po kayo sa akin." Ani nito sa kanila.

Nakangiti naman nagsitinginan ang tatlo na para bang masaya sila para kay Chef Drad dahil sa maayos na paggawa nito ng kaniyang trabaho.



T H E R A  II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon