Pagkatapos makarating sa kanilang pwesto ang royal family, mga ilang saglit lang lumipas ay dumating naman ang Howard Family maliban kay Duke Alaric.
Sa kanilang pagpasok ay siya namang pagsakop ng katahimikan sa loob, lahat ng mga dumalo ay tahimik na nakatingin sa kanila na para bang wala sino man ang may nais magsalita ngunit hindi parin maiwasan na may iilan na nagbubulongan.
"Hindi ko nakita ang Duke, hindi ba siya dadalo?"
"Hindi ko alam, ngunit sa pagkakaalam ko inimbitahan silang lahat na dumalo ngayon."
"Wala si Duke Alaric? Nandito pa naman ang Emperor at Empress."
"Kung hindi siya kasama nila baka totoo nga ang kumakalat na sabi-sabi patungkol sa hindi magandang relasyon ni Duke Alaric sa kaniyang pamilya?"
"Hindi magandang relasyon ng Duke sa kaniyang pamilya? Hindi ko narinig ang ganiyang balita, pero napapansin ko ang kakaibang pakikitungo ng kaniyang mga anak sa kaniya tila iniiwasan o may galit sila sa Duke."
Mga bulong-bulongan na naririnig naman ang ilan ng dalawang magkapatid lalo na ang Lolo nila, kahit hindi pa niya ito marinig lahat alam niyang pinag-uusapan ang pamilya nila sa pagpasok palang nila.
Nagtataka naman ang lahat sa paglapit ng ika-limang prinsipe sa pamilya Howard, hindi inaasahan ng lahat ang pagsalubungin ni Prinsipe Jovan sa kanila.
"Wala ang Duke?" Isang katanungang bungad ni Prinsipe Jovan habang nakatingin kila Helios at Hans.
Umiwas na lamang ng tingin si Helios kay Prinsipe Jovan dahilan upang palihim na napayukom ng kamay si Prinsipe Jovan at umalis nalang.
Na iwan namang walang ka ideya ang lahat sa kanilang nasaksihan na panandaliang pag-uusap ng prinsipe sa pamilyang Howard.
"Inaasahan ba ni Prinsipe Jovan na dumalo si Duke Alaric kasama nila?"
"Kita ko ang pag-iba ng mukha ng Prinsipe, tila dismayado siya sa hindi pagdalo ng Duke?"
"Hindi pa naman sigurado na hindi dadalo ang Duke, hindi pa naman nagsimula baka makakarating pa siya ngayon."
Habang nagbubulongan ang iba may isa namang lumapit na nagtatrabaho rin sa shop ni Thera, tinuro at ginabayan niya ang pamilyang Howard sa kanilang magiging pwesto upang nakaupo na ang mga ito.
PRINSIPE JOVAN POV.
Bago makaupo sila Hans at Helios sa kanilang pwesto, nilapitan ko sila para kausapin.
"Hans, Helios." Tawag ko sa kanila pagkadaan nila sa pwesto namin kaya lahat sila nagbigay galang sa amin.
"May kailangan ka ba sa mga apo ko, Prinsipe Jovan?" Tanong sa akin ng dating duke, ang Lolo nila Thera.
"Gusto ko silang makausap ng pribado, kami lang tatlo." Sagot ko sa kaniyang katanungan at tinignan ko pa ang dalawang magkapatid.
"Lola, Tito, at Lolo. Mauna po muna kayo, mag-uusap po muna kami ng ika-limang prinsipe." Paalam ni Hans sa kanila.
Tumango naman sa kanila ang Lolo nila at bago sila magpatuloy sa kanilang paglalakad patungo sa kanilang pwesto tumingin na muna sa akin ang dating duke na para bang kinikilala ang buong pagkatao ko.
Palihim ko pang sinundan ng tingin ang pag-alis ng dating duke kasama ang dating duchess kasama ang isa pa nilang anak, naputol lang nung nagsalita si Helios.
"Saan tayo mag-uusap, Mahal na Prinsipe?" Tanong sa akin, bago ko sagutin ang tanong niya tumingin na muna ako kila mom and dad.
"Aalis na po muna ako, kausapin ko lang po sila." Paalam ko at tinuro sandali ang dalawang magkapatid.
"Sige, ngunit huwag kayong magtatagal at siguraduhin niyo makakabalik kayo bago magsimula." Pagpayag ni Dad at may ilan pang iniwang paalala.
Sakto ng pag-alis namin ang pagdating ni Chef Drad, "Bukas na po ang isang pribadong silid, maaari na po kayong pumunta roon." Sabi nito sa akin habang nasa likuran ko naman sina Hans at Helios.
"Gabayan mo kami, manguna ka." Utos ko sa kaniya na siya naman kaniyang sinunod.
Sinundan lang namin siya hanggang sa nakarating kami sa silid na sinasabi niya, pinagbuksan niya pa kami ng pinto kaya pumasok na kaming tatlo sa loob.
Pagkapasok naming tatlo, hinintay ko pang masarado ang pinto at masigurado na wala ng ibang tao. Nung masigurado ko na kami nalang tatlo, umupo na ako sa kaharap na upuan ng dalawa.
"Anong nangyari bakit hindi parin sumama ang duke sa inyo sa kabila ng pagbabanta niyo sa kaniya?" Tanong ko sa kanila habang pinapanatili ang walang emosyong kong mukha na kinakausap silang dalawa.
"Hindi namin hawak ang desisyon ni Ama." Sagot ni Hans sa akin.
"Kung ganun kaya niya nga talaga kayong abandunahin kapalit ng isang batang hindi niyo naman kadugo?"
Kita ko ang pagkabigla at pagbago ng ekspresyon ni Hans pati na si Helios, ekspresyon na magkahalong galit at lungkot.
Talaga bang papatunayan ng Duke na yun ang pagiging walang kwentang ama niya sa kanila pati na kay Thera?
Kung talagang desidido ang duke na yun sa pag-ampon kay yeran, isa nalang naiisip kong paraan kundi pigilan siyang makalapit kay thera.
"Bakit ba pinipigilan mo si ama na ampunin si Yeran? Wala ng mga magulang si Yeran, hindi naman siguro masama kung ampunin siya ni ama 'di ba?" Ani ni Helios na nagpainis sa akin ngunit hindi ko yun pinahalata, pumikit muna ako sandali bago tumingin sa kaniya.
"Walang masama? Nagpapatawa ka ba Helios? Hindi mo ba iniisip kung ano mararamdaman ni Thera kung sakaling malaman niyang may inampon ang ama niyo samantalang siya inambandona, pinabayaan, at pina ampon niyo pa sa iba." May kadiinang pagkakasabi ko sa kaniya.
Hindi naman magawang makatingin ng maayos si Helios sa akin pagkatapos kong sabihin yun sa kaniya.
"Wala na kaming magagawa kung sakali ngang ampunin ni ama, si Yeran." Sabi naman ni Hans kinasama ng tingin ko sa kaniya.
Walang magagawa?!
"HAHAHAHAHA! walang magagawa? Parang sinasabi mo na rin sa akin na wala kayong magagawa bilang kapatid ni Thera, ganun ba Hans Howard?"
Hindi ko na kayang ipagpatuloy pa ang pag-uusap naming tatlo kung ganito sila mag-isip baka mas lalo akong mainis sa kanila at baka hindi ko magawang pigilan ang aking sarili na magalit sa kanilang dalawa.
Tumayo na ako at aalis na sana sa silid pero bago ako umalis hinarap ko na muna silang dalawa, "Sa pag-uusap nating 'to, parang pinapakita niyo sa akin na wala kayong pinagkaiba kay Duke Alaric, hindi ko kayo kayang makita bilang nakakatandang kapatid ni Thera. Isa lang kayong Howard para sa akin hindi kapatid ni Thera Roxiae Valor."
Pagkatapos ko yun sabihin sa kanila umalis na ako at bumalik na sa pwesto namin.
Napatingin naman sa akin sina mom and dad pagkadating ko, "Kamusta ang pag-uusap niyong tatlo?" Tanong sa akin ni Mom.
"Maayos naman po." Pagsisinungaling ko sa kaniya.
"Sinungaling." Isang salitang narinig ko sa aking isipan na nagpagulat sa akin.
Napatingin naman ako sa bunso naming kapatid na seryosong nakatingin sa akin kaya wala akong ibang nagawa kundi umiwas sa kaniya ng tingin.
"Mabuti naman kung ganun, umupo ka na." Sabi ni Mom sa akin, ginawa ko naman ang sinabi niya habang iniiwasan ang tingin ni bunso kahit na batid kong nasa akin parin ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
T H E R A II
RandomTo make her second life different from what she knows in the future, Thera made a decision to change her tragic life destiny into the life she wanted. From being the abandoned daughter of Duke Alaric Howard to the beloved and precious daughter of Ge...