CHAPTER 10

523 29 4
                                    


THERA POV.

Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ang duke ngayon, kita ko naman ang pagkabigla ng mga dumalo sa pagdating niya, at napatingin pa ako sa pwesto nila Kuya Hans pero sa nakikita kong reaksyon nila ay mukhang hindi rin nila inaasahan ang padating ng duke na nasa harapan ko ngayon habang may kasunod na dalawang knights sa kaniyang likuran na may dala-dala.

"Nakadalo pa ang Duke."

"Nakahabol pa siya ngayon at mukhang pinaghandaan niya ang pagpunta niya dito."

"Tama nga sinabi ko kanina na hindi malabong makakarating pa ang duke, nakahabol pa siya ngayon."

Ilan lang yan sa mga bulong-bulongan na naririnig ko mula sa iba, hindi ko alam kong bulong pa ba ang ginagawa nila eh naririnig ko parin naman ang mga sinasabi nila.

"Patawad kong ngayon lang ako nakarating, hindi ko kasi alam kong ano ang mga gusto mo kaya nahihirapan akong pumili ng ireregalo sayo." Panghihingi ng tawad sa akin ng duke at ramdam ko naman na totoo siya sa kaniyang mga sinabi.

Pero hindi ba't pupunta siya ngayon kay Yeran? Hindi ako pwede magkamali ngayon ang araw na dapat magkikita sila ni Yeran at ampunin siya. Anong nangyari bakit siya nandito ngayon? Wala akong ginawa para baguhin ang desisyon niya puntahan si Yeran 'di ba?

Ilang sandali akong natahimik dahil sa katanungang namuo sa aking isipan.

Hindi kaya, kaya siya dumalo ngayon ay dahil napipilitan siya lang talaga siya para dumalo sa opening party ng shop ko? Dumalo lang ba siya para hindi maging pangit ang isipin sa kaniya ng mga nandito kung sakali man na hindi talaga siya dumating?

Pero gayon pa man, dumating parin siya sa openig party ng shop ko, dapat bang maging thankful parin ako kasi dumating siya ngayon?

"Thera." Tawag sa akin kaya napatingin ako sa aking tabi.

Nakita ko naman si Azelo na may pag-aalalang nakatingin sa akin.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at yumuko,"Hindi dapat ako mag-isip ng kung ano-ano."

Humarap ako sa duke at ngumiti sa kaniya kahit na may halong pilit, "Maraming salamat sa pagdalo ng opening party ko, Duke Alaric. Hindi ka na dapat pang nag-abalang pumili ng ireregalo sa akin, sapat na sa akin ang pagdalo ng mga inimbitahan ko para sa araw na ito." Ani ko sa kaniya habang pinapanatili ang ngiti ko.

Hindi ko mapalinawag ang naging reaksyon niya sa sinabi ko pero tila nagingibabaw ang lungkot sa kaniyang mga mata. ''Hindi isang abala para sa akin ang pagpili ng ireregalo sayo An-Princess Thera." Sabi niya mukhang muntikan pa siya magkamali sa itatawag niya sa akin.

"Kinagagalak kong marinig yan mula sayo, Duke. Nawa'y masiyahan ka sa inyong pagdalo." Huling wika ko sa kaniya bago pa siya magtungo sa kanilang pwesto kung saan sila Kuya Hans at Kuya Helios.

Nakahinga naman ako ng maluwag pagkatapos ko makaupo sa upuan ko.

"Sa reaksyon mo kanina, hindi mo na talaga inaasahan na dadating ang iyong totoo ama, tama ba?" Tanong sa akin ni Azelo.

"Pagkauwi natin nung araw na binigay natin sa kanila ang imbitasyon at nalaman kong may mas mahalaga pa siyang dapat puntahan, hindi ko na talaga inaasahan na dumalo siya ngayon." Sagot ko sa kaniya at sumulyap pa saglit sa pwesto ng Duke, "Ganito yata ang epekto ng hindi inuuna at inambandona na talaga sa simula palang, pero bakit pa kasi may pag-asang natitira sa puso ko ang kagustuhan na maranasan ko maging parte parin ng buong pamilya sa kanila?" Mapaklang ngiti ko pagkatapos kong sabihin lahat yun kay Azelo.

T H E R A  II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon