CHAPTER 22
AUTUMN
Napatigil kaming pareho at hindi agad ako nakareak dahil sa sinabi nito. Puno iyon ng sinseridad at seryosong-seryoso niya itong sinabi sa akin na walang halong laro. Napabitaw ako sa paghawak sa puting unan na nasa ibabaw ng aking mga hita at diretso lamang na nakatingin sa kaniya. Ilang taon na ang lumipas nang maging kami ni Cradience. At dahil pinagpaplanuhan ko na makapasok sa kompanya nila na walang kahit anong ilegal na pamamaraan, sa tingin ko, isa ito sa mga hakbang para mapalapit sa mga kasagutan.
Ngunit ang tagumpay ko sa planong ito na naisip ko ay hindi ko alam kung gagana. Dahil maaari akong mahuli o mapaghalataan sa loob lalo na kung hindi ko saklaw ang buong lugar. Sa laki ng kompanya, hindi ko alam kung saan doon ang tinatago nilang machine para sa pag-travel gamit ang inimbento nilang time machine na hindi pa rin kumpleto hanggang ngayon dahil hindi pa nila namamanipula ang utak ni Cradience. Kung ganoon kailangan ko rin siyang iligtas mula sa kanila?
Kailangan ko bang magsimula ulit sa lalaking ito habang ginagawa ko ang plano? Mayroon na akong plano pagkatapos kong gumaling at ang pakikipagrelasyon sa kaniya ang hindi ko nakikitang susi para roon. Kung hindi gumana ang plano ko sa mga susunod na araw, wala akong magagawa kundi ang pumayag na bumalik sa kaniya. Ngunit dahil isa lamang ito na laro, hindi ako puwedeng mahulog sa kaniya kahit ano ang mangyari. Magkakaroon iyon ng malaking pagkasira sa mga plano kong pag-aayos sa kasalukuyang panahon.
I can't fall for him while we are together, in that case. It's only simple if I don't have feelings for him anymore. I don't know if I already moved on but it doesn't matter now. I'm losing a time already. Kapag tumagal ito ng isang taon, mabagal din ang mangyayaring pagbabago. I should not fail this time. I have to inspect my real enemy and the cause why Cradience turned out like that in future time.
Alam kong may nangyari kay Cradience kaya bigla siyang naging ganoon. Ngunit kahit kailan hindi ko siya patatawarin sa pagpapalaglag sa anak naming dalawa. Dahil bata lang siya nang pinatay niya iyon sa sinapupunan ko. I can still feel pain within my chest and it still shatters me untill now whenever I'm remembering about what happened. He's a monster in future time and I don't know if it was his fault or choice or it was his father's fault.
"H-huwag kang magpatawa, hindi mo alam ang sinasabi mo," pagtatanggi ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Sa ngayon, kailangan ko muna tanggihan ang sinasabi niya at isasagawa ko ang unang plano. Dahil kailangan hindi kami magkaroon ng relasyon kahit ano ang mangyari. Lalong gugulo ang sitwasyon. Mahirap ayusin ang nasira, mahirap ibalik ang matagal nang nawala.
Kaya kahit durog na ito, kailangan ko pa rin ayusin para magpatuloy.
"Cradience, what you are feeling right now isn't what you really think. You don't feel any feelings for me. You don't have feelings for me, and it is not love either. Don't rush things, you are just confused," dagdag ko pa habang nakatingin sa bintana.
Napansin ko na tumayo ito at tumayo at napahawak siya sa pader. Malalim itong napabuntong hininga kaya naman napatingin ako sa kaniyang mga kamay na parang namumuti ang kaniyang mga palad.
Is he nervous?
But his ears turned red same as to his face. What is happening to him?
"Cradience, are you feel sick—"
"Yes, I am. I feel sick whenever you are in danger. Whenever you are with others. Maybe I'm confused right now because I don't know what to do anymore. There is always a hindrance but I will not force you to love me again, Autumn. But I just have one favor..." he paused as he walked towards me. He sat down on my bed while his head is stooping down.
YOU ARE READING
Time Back To First Autumn
RomanceAfter marrying the man named Cade Iruen Varden, the successor of Varden Pharmaceutical, she experienced a cruel, miserable life due to his strange personality. His demeanor resulted in abusive treatment and aggressive behavior, that left a great tra...