CHAPTER 39

27 3 0
                                    

Warning: This chapter contains sensitive words. Read at your own risk.

CHAPTER 39

AUTUMN

Pinapunta kami ni Coach Hermes pagkatapos ng break namin sa cafeteria. Narinig namin ang anunsiyo mula sa speaker ng eskuwelahan na pinapatawag daw lahat ng miyembro ng volleyball club, kasama ang mga cheerleader squad.

Habang naglalakad kami ni Cradience sa koridor ng eskuwelahan ay pansin ko ang nakasimangot nitong mukha. Nang marinig niya kasi ang anunsiyo ng coach namin ay nagbago ang timpla nito at napilitan din akong magpalit ng damit. Inayos ko rin ang sarili ko at ginaya ang istilo ng buhok ni Auvinumn kahit ang tindig nito na talagang lalaking-lalaki.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng locker room ng aming club at tinignan ako ni Cradience mula ulo hanggang paa, saka sumilay sa kaniyang labi ang isang ngisi. Ang ngisi na iyon ay parang nang-aasar at parang hindi pa rin ito makapaniwala na kaya kong gayahin si Auvinumn.

Hindi niya ako pinansin pagkatapos at nakasunod na lamang ako sa kaniya ngayon na parang isang miyembro ng grupo namin at hindi bilang si Autumn. Kasama rin kasi namin ngayon sa paglalakad si Tritus na malawak ang ngiti sa aming dalawa.

"Parang kanina ang sweet ninyo, ha. Anong nangyari sa ating dalawa~" pagkakanta nito kaya mabilis ko itong siniko para tumahimik.

Ang ingay niya, kapag kami nasita ni Cradience!

Kapag ganito kasi na pumupunta kami sa isang pagsasanay ng volleyball, iniiwasan niya na magkaroon ng kontak sa akin dahil sa pagkatao ko. At dahil hawak ko ang pagkatao ni Auvinumn, kailangan ko rin umakto na parang isang propesyonal na outside hitter.

"Tumahimik kang bata ka, sumusunod sa atin si Gale," mariin na bulong ko kaya napalingon siya sa nakakunot ang noo na si Gale.

"At aking nasilayan ang kaguwapuhang taglay ni Captain," sagot naman nito at humarap sa kaniya na parang isang makatang manliligaw.

"Back off," he seriously uttered and he bumped his shoulder when he past by.

"Aba't bastos mong bata! Hindi mo ba alam na nasa akin ang iyong mga ninuno? Ako ang iyong dakilang Lolo sa tuhod ng ama mo!" At sinusubukan nitong palakihin ang boses niya kaya naman itinaas ni Gale ang daliri niya sa gitna ng kamay niya.

"Not now, kid. My father died long time ago," Gale answered back.

Nag-middle finger si Gale? Parang hindi naman siya ganito noon. O sadyang hindi ko lang talaga siya kilala?

Napakamot naman ako ng pisngi at takang tinignan si Tritus. "Saan muna 'yong Lolo sa tuhod ng ama mo, Tritus? Nasa tuhod 'yong Lolo?" At dahil sa sinabi ko ay napansin ko ang ngisi ni Cradience na parang pinipigilang matawa.

"Once we reach the door, I will hear no noise from two of you," Gale stated with a hit of menace, as if he was warning us from danger awaiting inside. I actually don't know and I have no idea why our coach called us. Sa tono ng pag-anunsiyo niya kanina mula sa speaker na umaalingawngaw sa buong koridor ay parang may pangyayari na hindi niya inaasahan.

Dahil sa sinabi ng captain namin ay napatahimik kaming dalawa. Kaya naman ay wala nang nagsalita sa amin pagkarating namin sa pintuan ng volleyball court. Natagpuan naman namin sina Kivione, Yanite, Yohan, Andraed (na isang substitute player na setter), Jay (substitute player sa middle blocker), Drithan (substitute player para sa outside hitter na si Yohan) at Laster (na isang substitute player sa opposite hitter). Si Yanite ngayon ang aming utility player, si Tritus ang libero, Cradience ang aming setter, si Kivione ang middle blocker, si Gale na malapit sa libero ang defensive specialist, si Yohan ang opposite hitter at ako ang nasa outside hitter na malapit sa aming setter.

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now