CHAPTER 37
AUTUMN
His bodyguards assisted us to go out of Mister Varden's dark mansion. After few minutes of the effect of injection, he ordered to throw Cradience's body out of his property that made me really react different, as if I heard something I really didn't expect. Did he really just order them to throw him away?
Dahil sa gulat ko ay nabitawan ko si Cradience at binuhat ako patayo ng mga guwardiya niya habang nakahawak sa mga braso ko. Binuhat nila ang wala sa sariling si Cradience at mabilis na dinala sa labas ng dining room. Lumapit sa akin ang ama ni Cradience at malumanay na hinawakan ang aking buhok at sinimulan itong haplusin habang nakahawak sa akin ang mga guwardiya nito.
Nakakunot ang noo ko habang tumitingin sa kaniya. Piling ko nga ang nasa harapan ko kanina ay ang demonyong si Cradience na nakilala ko sa kasalukuyang panahon. Ang huling mga salita na isinambit ng ama niya ay,
"Stay away from my son or I will ruin your life. You don't know what life you've entered. Cade isn't what you think he is."
It left me speechless after hearing those words. Hindi ko talaga alam ko ano ang mga pinupunto ng ama niya at kung ano man ang bagay na iyon, sa tingin ko ay balak niya talagang sirain ang buhay ni Cradience. I actually corrected Cradience's name. I said,
"He is Cradience and not Cade, Sir."
Because of my sarcastic tone, he raised his hand as if he was planning to hit my face but his bodyguard signaled him to stop. Syempre, wala siyang nagawa dahil sa tingin ko ay iniisip niya na kasintahan talaga ako ni Cradience. Ngunit sa tingin ko talaga ay ayaw niya sa pangalan na iyon ni Cradience. Hindi ko alam kung bakit, ang laki ng galit niya, lalo na sa akin.
He ruined my life once, and I'm not going to let him ruin it again twice. Kahit ano pa ang desisyon niya para sa anak niya, pasensiyahan na lang ngunit kailangan kong sirain iyon. Si Cradience lang ang magsasabi sa akin kung gusto niyang bumalik sa ama niya dahil titigil din ako.
Sa totoo lang, parang ako ang nanliligaw at hindi si Cradience. Muntikan na rin ako matawa sa harapan ng ama niya ngunit hindi ko na ginawa dahil baka ituloy niya 'yong sampal. Kaya ngayon, nasa labas na kami, sa malawak na parking area ng mga Varden. Mukhang dito dinala ang sasakyan ni Cradience pagkatapos naming pumasok kanina.
Ang isang guwardiya nila ay tumingin sa akin at tumango bago ito umalis. Sa tingin ko, mabait ang isang guwardiya nila dahil siya ang pumigil kay Mister Varden na saktan ako kanina.
Naupo si Cradience ngayon sa sahig at nakasandal ang likod sa gulong ng kaniyang sasakyan. Nakataas na ang mga tuhod nito ngayon habang itinatago niya ang kaniyang mukha sa ibabaw ng kaniyang mga hita at nakasilip ang mga mata sa nanginginig niyang mga kamay.
Bumalik na si Cradience sa wisyo pagkatapos kaming dalhin dito.
Napabuntong hininga ako at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang mga nanlalamig nitong mga kamay. Unti-unting itinaas ni Cradience ang kaniyang ulo upang tignan ako.
"I'm...sorry..." he muttered until I heard his voice cracked. "I shouldn't have brought you here, Autumn. I'm sorry, I'm sorry..."
He held my hands tightly as he lowered his head down. Napatingin agad ako sa itaas dahil sa pagkirot ng aking dibdib, at nagbabadya na naman ang mga luha na tumulo sa aking mga mata.
YOU ARE READING
Time Back To First Autumn
RomanceAfter marrying the man named Cade Iruen Varden, the successor of Varden Pharmaceutical, she experienced a cruel, miserable life due to his strange personality. His demeanor resulted in abusive treatment and aggressive behavior, that left a great tra...