CHAPTER 42

16 5 0
                                    

CHAPTER 42

AUTUMN

Nagtungo ako sa banyo pagkatapos naming lumabas ng silid na iyon at napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko. Nakadikit kasi ito sa pader at nakahilera ang mga lababo sa baba nito. Malapit ang banyo na ito sa volleyball court kaya madali na lang din ako makasusunod. Pinauna ko na si Cradience dahil alam kong siya ang pakay ng mga miyembro na naroon. Muntikan pa itong hindi pumayag pero sinabihan ko siya na susunod na lamang ako.

Pagkatapos ng nangyari sa amin kanina ay hindi ko agad naiproseso sa aking isipan ang nangyari sa amin. Hindi ako makapaniwala na umabot kami sa ganoong bagay. Kitang-kita ko ngayon mula sa salamin ang pulang marka na nasa leeg ko ngayon. At talagang nag-iwan siya ng marka?

Napahawak ako sa aking leeg at sa mga braso ko habang gulat pa rin na nakatingin sa harapan ng salamin. Hinalikan niya ang leeg ko at ang labi ko kanina. Hinalikan niya ang katawan ko at ang paraan ng paghawak niya ay hindi magaslaw. He's trying to become gentle, in each move of his fingers on my body.

When an image about what happened between us came up in my mind again, I opened the water faucet on the sink, as I splashed the water on my face because of embarrassment. He is making me feel crazy, I have to calm down.

Itinaas ko ang ulo ko at tumingin ulit sa harapan ng salamin. Ngunit nang ako ay mapatingin sa harap ng salamin ay napansin ko ang alikabok na kakulay ng aking balat na lumipad sa hangin. Mabilis akong napatingin sa aking kamay dahil sa parang paglagas ng aking balat.

I blinked twice because of shock. The thin layer of my skin just turned into ashes and it was blown by the air passing through the window.

Ano ito? Bakit nalalagas ang balat ko?

Bumalik agad ang aking tingin sa salamin dahil sa aking nakita. Nakaramdam ako bigla ng pagkabahala dahil sa sandaling paglagas na iyon. Ano ang ibig sabihin ng bagay na iyon? Bakit ang balat ko kanina ay parang nasusunog na papel at nalalagas mismo sa aking katawan?

I gulped twice while looking at the mirror, still flabbergasted from what I've seen and discovered. I feel like my thoughts about something is off and something is not right were right and it's already starting.

That's right. I have to start continue my plan before something else happen again.

Lumabas na ako ng restroom at naglakad pabalik sa volleyball court dahil paniguradong naghihintay na sila roon. Habang naglalakad ako sa koridor ay aking nadadaanan ang sinag ng araw na dumadaan mula sa repleksiyon ng salamin ng mga bintana. Hindi na ganoon kaliwanag ang kulay ng araw dahil parating na rin ang hapon, ngunit malakas pa rin ang liwanag nito. Iba lang ang kulay ng kalangitan; ipinapakita na parating na ang hapon.

Habang ako ay naglalakad ay tuluyang pumasok sa aking isipan ang nangyari kanina sa banyo. Tuluyan akong binagabag ng nangyari kanina. Ang sinasabi ng nararamdaman ko ay hudyat na iyon na mayroong mangyayari, at ang oras na mismong nagdala sa akin dito ay parang nagbibigay na ng pahiwatig na ako ay kumilos sa lalong madaling panahon.

I don't know why I felt strange about it. When my skin peeled, burned and turned into ashes afterwards, I would admit that I didn't expect for it to happen. The way it burns and turn into ashes, I feel like the time is telling me that I'm already running out of time, and the time will not wait for sixth autumn to take me back in future.

It's like whispering my life that I'll go back in future, finished or not, failed or not. The time will take me whenever it wants, because time is time. The time has my future and the flow of my life.

After all, I still do not know how and why I traveled in the past. Why did I travel here in the first place? Past is meant to forget. Not in the way that you'll forget it completely; the pain you've got from it will be forgotten once you bloom into a better person. You'll just remember how you suffered, your sacrifices, how much pain and feelings you've felt from that experience. But it will come into your mind, in everyone's mind, that those pain you've experienced is another lesson in order for us to grow up.

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now