CHAPTER 40

20 2 0
                                    

Warning: This chapter contains sensitive words and scenarios. Read t your own risk.

CHAPTER 40

AUTUMN

Halos hindi ako kumurap habang tinitignan ang palad ko na mismong ginamit ko sa pagtama kay Tritus. Biglaan lang din ang naging galaw ko kanina. Nang sabihin ni Tritus ang mga bagay na iyon lalo na ang ginawa nila ay doon na gumalaw ang sarili kong katawan dahil sa naramdaman kong bigat sa dibdib ko na parang nabangag ang aking pandinig habang inuusal ni Tritus ang mga salitang iyon.

Habang siya ay nagsasalita ay unti-unti kong naramdaman ang bigat ng dibdib ko at kasunod niyon ang hirap ko sa paglabas ng buntong hininga. Hindi ko na rin naramdaman ang sarili kong mga kamay. Ang sinasabi ng isip ko ay umalis. Umalis sa harapan niya. Mabilis ang mga pangyayari, naging mabilis pa nang suntukin ko ang mukha niya. Hindi dahil sa galit, dahil sa panghihina ng buong sistema ko pagkatapos marinig ang mga salitang iyon.

"Why the hell did you do that, Autumn? Hindi naman kayo ni Cradience. Umakto ka nang tama, maging normal ka lang sa harapan nila. Ngayon, ang dapat mong gawin ay tumayo at bumalik. Humingi ka ng tawad kay Tritus at makinig sa sasabihin ni Coach Hermes," sermon ko sa sarili ko. Napapikit naman ako sa pagkadismaya dahil ramdam ko pa rin ang konsensiya sa sarili ko. Mali ang ginawa ko dahil bata pa rin siya.

Napahawak ang mga kamay ko sa aking ulo habang ang baba ko ay nakapatong sa mga tuhod ko. Nakaupo pa rin ako at patuloy na pinoproseso ang sarili kong ginawa.

"Okay, again...pull yourself up. Bilhan na lang natin ng pagkain si Tritus after ng usapan nila roon. Tama," dagdag ko pa at bumuntong hininga ako bago ako tumayo.

Pagkatayo ko naman ay lumabas na ako mula sa madilim na koridor at sakto namang pag-alis at pagliko ko ng daan ay tumama ang aking mukha sa isang matigas na bagay. Hindi lamang iyon ang aking naramdaman dahil ramdam ko ang isang klase ng tela na mukhang madulas. Kasabay ng pag-atras ko ang paghawak sa ilong ko.

Isang tao ang aking nakabangga at kung hindi ako nagkakamali, anim silang lalaki na nasa harapan ko ngayon at pare-parehas ang suot nilang mga jacket. Mayroon itong mga letra na nakasulat sa hapon.

They're wearing black shorts and black jacket with two white lines at both sides of their shoulders, down to its black sleeves.

In-Yo Team from Kodo University?

Dahil sa realisasyon ay nanlaki ang mga mata ko at napaatras ng isang hakbang mula sa kanila. Ano ang ginagawa nila rito ngayon? Hindi ba at haharapin pa namin sila sa finals? Bakit nandito sila?

Lumapit naman ang lalaking nakabangga ko. Napakatangkad nito na parang isang basketbolista. Mas matangkad ito kay Cradience ng ilang sentimetro ngunit hindi pa rin nalalayo ang katangkaran ni Cradience. Mas matangkad pa rin sa amin si Kivione.

His hair is brown and his eyes were grey. He has fair white skin, pointed nose, accurate jawline, black thick brows, and pinkish lips. Singkit ang mga mata nito na parang isang hapon na may pagka-koreano.

"You are wearing volleyball jersey," he calmly spoke and he removed the black sunglasses, placed on his head. "Member?"

Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, habang sunod-sunod ang paglunok ko dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan ang pagbisita nila. Ano ang gagawin ko?

He leaned his face closer to me, which made me withdraw my face from his face going closer. He stopped leaning his face and he genuinely smiled at me.

Isinuot nito ang salamin niya. "You are no guy, am I right? You must be a great player and they let you in," he playfully muttered. Napansin ko ang pagkunot ng noo ng katabi niya dahil sa tingin ko ay hindi niya narinig ang sinabi ng lalaking ito.

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now