CHAPTER 45

7 2 0
                                    

CHAPTER 45

AUTUMN

Pagkatapos umalis ng setter ng In-Yo Team ng Kodo University ay pumasok na kaming dalawa ni Tritus sa loob ng court at hindi pa rin maalis sa mukha nito ang kaniyang mapait na mukha. Nakasimangot pa rin ito dahil sa ginawa ko kanina na pagyuko ng kaniyang ulo para humingi ng tawad sa pang-iinsulto sa kaniya. Minsan talaga nahahawa si Tritus kay Cradience sa pagiging pilyo at mapang-asar.

Bata pa rin siya. Maari siyang maimpluwensiyahan.

"Before our final meeting, I would like to announce something. Please gather around," Coach Hermes announced as we walked towards him and we circled around while standing.

"We have a sports feast this month. Bago ang match natin against In-Yo, we have a sport feast camp and I want all of you to prepare for this event. Gaganapin ito sa labas ng eskuwelahan, malapit sa river of wishes. Mayroong grass field doon at ang kanilang baryo ay saktong mayroong festival. Lahat sila maghahanda roon. We will borrow the grass field and the entire house building."

Sport feast? Bakit mayroon pang ganiyan sa eskuwelahan na ito? At kailangan din ang presensiya namin. Kailangan ba maglaro kami sa gaganapin na event na iyan? Baka puwede naman siguro na hindi pumasok dahil ayaw kong pabayaan ang lolo ko sa bahay. Wala siyang makakasama sa bahay namin dahil hindi pa rin nagigising ang kakambal ko. Speaking of my twin brother, I haven't visited him yet and I'm going to visit him this week. This sport feast is definitely pain in the ass.

Tritus raised a hand while smiling widely in confidence. "Coach, kailan po ang eksaktong petsa ng event natin? Ibig sabihin ba niyan, magkakaroon ng volleyball match sa gaganapin na okasyon? Ano rin ang aming suot bilang grupo at ang mga dadalhin namin para sa paghahanda?" sunod-sunod na tanong nito at mukhang nagagalak ito sa magaganap na sports feast.

Coach Hermes smiled at him as he snapped his fingers as if he liked the questions. "Good questions, Tritus. I'm afraid that will happen this week that's why I want all of you to prepare. We have three days camp and the cheer squad members are invited as well to perform before the sports. I'll send the format of event in our group chat. Pagkatapos ng performance ng cheer squad, basketball will be having a match against the assigned team. Susunod na ang volleyball pagkatapos ng basketball. Pagkatapos ng dalawang laro ay magkakaroon ng fire camp."

"Second day of sports feast, we will be having an evening ball. It is kinda an evening party as well and our theme will be sports. Everyone can wear dress or whatever they want, as long as the theme is our sports feast. Don't worry, the town is open for random shops, it is known for small city. Aside from having the quality of food, they also have the best quality of clothes. They will extend the festival until the last day of our stay. By the last day of our sports feast, we will be having a dance performance," Coach Hermes explained calmly and he smiled at us.

Kivione raised a hand. "Coach, anong performance ang magaganap sa pangatlong araw ng event natin?" tanong nito kaya tumango si Coach Hermes at muling ngumiti.

"Well, the cheer squad will perform inside the house building that we will use for our three-days stay. May mga lalaki rin silang miyembro, hindi lang 'yong mga nagpakilala. Pagkatapos ng performance nila, magkakaroon din sila ng speech para sa pasasalamat nila sa mga estudyante na dumalo. They have morning preparation, so...that will happen exact one pm in the afternoon," he replied.

Napatango naman ang ilan sa mga impormasyon na ipinahayag ni Coach Hermes sa amin. Dahil sa okasyon na magaganap, ako ang mahihirapan nang husto. At sino naman ang may gusto sa papalit-palit na katauhan? Tatlong araw ko gagawin iyon dahil ako rin si Auvinumn Therental. Iniisip ko nga kung gagawin ko ang cross-dressing sa evening party para mapanatili ko ang pagiging Auvinumn Therental. Puwede ko naman iyon gawin, problema ko lang ang isang lalaki na ubod ng kaartehan at bukod pa roon, maraming reklamo. Iyon ay si Cradience Varden na paniguradong gusto ako makitang sumuot ng pambabae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now