CHAPTER 35

22 4 0
                                    

CHAPTER 35

AUTUMN

Pasimple kong kinuha ang kahon na nakalagay sa loob ng locker at lumabas ng silid na iyon habang nililigaw ni Tritus kung saan-saan ang ibang miyembro ng volleyball's club. Nagmadali akong pumasok sa loob ng restroom at binuksan ang kahon na may pulang laso. Luminga-linga muna ako sa paligid bago inilabas ang damit na inihanda ni Cradience para sa akin.

Napakunot naman ang noo ko dahil isang bunny sweater na kulay pula ang nandito sa loob. Sumunod naman niyon ang tawag ni Cradience sa akin kaya inis kong sinagot ang tawag nito.

Hulaan ko, laki ng ngisi ng impaktong 'to.

“Well?” he began with his playful tone of voice.

"Anong well? Gago ka ba? Sigurado ka bang ito ang ipapasuot mo sa akin? Parang pajama party yata ang dadaluhan ko. Ano ang tingin mo sa papa mo? Isang bata?" may halong inis at sarkastiko na sagot ko pabalik.

At mataba ang laman ng damit na ito. Parang may mga foam ng unan. Ano na naman kaya ang kalokohan na ginawa ng lalaking iyon? Akala ko ba, mahuhuli na kami sa lakad? Tila, baliktad yata.

Before you curse me to death, did you even check the thing inside? Hirap kasi sa iyo, puro reklamo. Why don't inspect first?”

Napaikot ang mga mata ko sa sinabi niya pabalik. Sa paraan ng pananalita niya ay parang kasalanan ko pa.

Napabuntong hininga naman ako at ibinaba ang tawag sa kaniya. Isinuksok ko ang aking kanang kamay sa loob ng damit at nahawakan ko ang malambot at madulas na tela na nasa loob nito. I pulled it from this red bunny pajama with combination of sweater and small red balloon blew up. Nahulog ang papel sa lobo na pumutok na akin namang kinuha sa malinis na lababo.

Congratulations, red flag woman.

Inis kong pinunit ang papel at tinignan ang damit. This is actually white dress that paired with white high heels. There are blue butterflies at the end of this dress. Does he like butterflies that much and my theme is definitely like butterfly?

Napatingin naman ako sa maliit na plastik na nakadikit sa kahon at may laman itong asul na pang-ipit sa buhok. Mayroon pang sulat na kasama.

I want to see your kid hairstyle, hm?

From: your green flag boyfriend,
Cade Iruen Varden

At may pirma pa ng loko sa ibabaw ng pangit niyang pangalan. Sa inis ko at naihagis ko sa labas ng bintana ang kahon. Sarap niyang sampalin mamaya ng sampung beses. Baliw ba talaga siya o talagang baliw siya? Siguro pagkalabas niya pa lang sa tiyan ng mama niya ay tumatakbo na siya habang tumatawa. Siyempre, puno pa ng dugo iyon, ha? Tinalo niya pa talaga ang baliw na kriminal.

Ito pa, green flag? Kailan pa siya naging green flag? Tinawag niya rin akong red flag kaya kulay pula lahat ng ibinigay niya maliban sa damit na susuotin ko at may kasamang mamahalin na alahas. Hindi ako sanay sa mga alahas kaya itatago ko na lamang ang mga iyon o ibabalik ko sa kaniya. Madali akong mangati lalo na kapag galing sa lalaking iyon.

Dapat pala noong ikinasal kami, nilagyan ko ng mga higad ang brief niya para mamaga kapag sinuot niya.

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now