24th Rhythm ♪ (C) : Start of Something... New?

152 4 2
                                    

Enjoy reading guys~!  ^U^

Chapter 24 : Start of Something... New?

[AMIE’s POV]

Ok...? Honestly kanina pa ako naawkward dito sa set up namin. Haist. And at the same time, naiinis din ako... naiinis ako ‘coz I can’t understand myself and I hate that feeling.

Alam nyo ba yung feeling na naiinis ka sa ‘di mo malamang dahilan? Yung tipong ok ka lang tas mamaya maiinis ka then magiging ok na naman tas after a while maiinis ka ulit. Ang gulo diba? Ganyan... ganyan na ganyan ang nafifeel ko ngayong kasama at kaharap ko ulit si Stephen. Aish talaga!

Ewan ko nga bas a sarili ko. Simula nung nangyari yung sa mall, never ko na ulit syang nakausap. Well, never na rin naman nya akong inapproach so why bother talk to him, diba? Totoo naman kasi yung sinabi ko sa kanya, he used me for his own benefit... for his own necessity.

Sabihin na nating niloko sya nung girl na ‘yon, what is the name of that girl again? Tricia? Patricia? Basta ‘yun. Fine, niloko na sya nung girl na ‘yon, pero does it mean na manggagamit na sya ng iba para lang makaganti sa kanya? Is that even right? Reasonable ba talaga ‘yon? Para naman syang hindi lalake. Hindi ata nya alam yung kasabihan na, “there are many fish in the sea.”

Ah, and one more thing nga pala, diba may new boyfriend na ‘yung girl? So paano naman sya makakasigurong magagantihan nya ‘yung girl diba? Paano nya masasaktan ‘yung girl kung may iba na sya? Si Stephen lang yata ‘yung humahabol e. I think he’s the one who’s not able to move on.

Actually, n apag-isipan ko rin ito. I’m not angry with Stephen... I’m just ‘kinda’ pissed about what happened the other day. Not because he used me--- no scratch that. Not because he ‘wants’ to use me for his revenge, but because his so-called revenge doesn’t make any sense at all. You see, kahit naman ipamukha ni Stephen kay Patricia na may bago na sya, at ako ang ‘bago’ nyang iyon, wala ding mangyayari. Walang magiging epekto ‘yon kay Patricia ‘coz in the first place sya ang nang-iwan at nanloko. Bakit kaya hindi ‘yon maisip ni Stephen?

But I cannot blame him kasi nga mukhang hindi pa talaga sya nakakapagmove-on. I still remember how Josh introduced Stephen to us, BHD. Stephen is indeed a Broken-hearted Drummer. I know that and it’s pretty obvious.

“Nagtext si Dakila, hindi na daw sya makakapunta. May importante lang daw syang pupuntahan.” that’s... Stephen.

Nandito kami sa sala nina Leanne,  nakaupo sa sofa nila. Kaharap ko si Josh at sa right side nya ay si Stephen. Nasa isang sofa naman kami nina Leanne and Ericka. Tas nakapagitna si Ericka sa aming dalawa ni Leanne.

House blessing ngayon sa bahay nina Yan-yan. Kanina pang konti natapos ang pagbebless, hinihintay lang naming dsi Joyce dahil papunta palang daw sya from the hospital. May inutos daw kasi si Tita Christine sa kanya. And yeah, Leanne invited the CD Lads. ‘Yun na nga, Joem can’t come. Hindi ko lang alam kung makakarating si Gabriel. Ewan ko nga dito kay Leanne kung bakit nya naisipang yayain sila. Siguro dahil na rin sa kahit papaano, nakikilala na rin namin sila. Saka wala naman sigurong masama doon dahil classmates naman naming sila.

“Nakow~ baka pupuntahan lang nya yung labidabs nya. Ayaw pang sabihin ‘yung totoo e.” Sabi ni Josh. I think he’s pertaining to Joem’s gf. I heard he has.

Ang tagal naman ni Joyce, kahit papano nagugutom na rin ako. T^T

Baegapa. Neomu meokoshiposseo. Palliya Joyce. [I’m hungry. I really want to eat. Hurry-up Joyce.]

“Ayaw nyo pa ba talagang kumain?” Leanne asked us... again. Kanina pa niya inuulit ang question na ‘yan. At kanina ko pa din gustong sabihin na naguguton na ako... but I can’t. Nakakahiya naman kung mauuna na akong kumain sa kanila. I need to wait for the others. >.<

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon