8th Rhythm ♪ (A) : It's Payback Time

273 10 2
                                    

 Enjoy reading~ ^U^

Chapter 8 (A) : It’s Payback Time

[GAB’s POV]

Ala-ala mo sa akin ay gumugulo

Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso

Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo

Kung panaginip lang ito

Sana'y Gisingin ang aking puso…

“Bwiset! Nakakainis!” sigaw ko at napasuklay ako sa buhok ko.

“Uy anong nangyari sayo Paps?” tanong ni Josh

Tsk! Nakakainis talaga! Dalawang araw na rin nung narinig ko ang boses ng babaeng yon, pero hanggang ngayon…hanggang ngayon wala paring tigil na nagpplayback ang boses nya sa utak ko! Naiirita na talaga ako! Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Tsk!

Isa pa yung pinaggagagawa ko nung araw ding yon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at bigla ko na lang nagawa ang mga bagay na yon. Bwiset talaga!

= Flashback =

Lunchbreak non nung napag-isipan kong matulog sa favorite place ko. Masarap kasing matulog don, tahimik at sariwa ang hangin. Iniwan ko muna ang tatlong unggoy sa tambayan namin.

Siguro mga 15 minutes na akong nakaidlip doon sa malaking sanga ng puno ng mangga ng biglang may narinig akong nagsalita pero nakapikit pa rin ako. At alam kong galing sa isang babae ang boses na naririnig ko.

“Pasensya na ha? Nawala ko ang kwintas na ibinigay mo. Patawad.” sabi nung babae. Hindi ko alam kung may kausap sya sa cellphone o isa syang baliw na kinakausap nya ang sarili nya.

Pero anong sabi nya? Kwintas? Sino ba to? Hindi ba nya alam na may natutulog dito? Tss. Istorbo!

Iminulat ko na ang mata ko at akmang bababa na sa puno dahil hindi na rin naman ako makakatulog kasi hindi na tahimik ang lugar na to. Kaso natigilan ako ng biglang narinig ko syang kumanta.

Inayos ko na lang ang upo ko sa sanga at pinakinggan sya. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha nya kasi nasa itaas pa rin ako ng puno, kaya tanging uluhan nya lang ang nakikita ko.

“ Nadarama ko pa

Ang iyong mga Halik na hindi ko mabura

Sa isip at diwa, tila naririto ka pa

Naririnig mo ba... mga patak ng aking luha

Mananatili nang sugatan ang damdamin sinta

Sa bawat araw, bawat tibok ng puso

Ikaw ang nasa isip ko..”

Aaminin ko, maganda…..hindi, napakaganda ng boses nya. Parang narinig ko na nga yung boses nya. Hindi ko lang matandaan kung kailan at saan.

“Ala-ala mo sa akin ay gumugulo

Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso

Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo

Kung panaginip lang ito

Sana'y Gisingin ang aking puso..”

Bawat pagbitaw nya sa lyrics ng kanta, malalaman mong lungkot at sakit ang nararamdaman nya. Sino kaya ang babaeng ito?

“Sana'y Gisingin ang aking puso

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon