14th Rhythm ♪ (A) : A Glimpse of His Past

249 9 0
                                    

Enjoy reading~' :))

Chapter 14 (A) : A Glimpse of his past

[GAB’s POV]

*knock*knock*

“Gab, gising na. Nandito ang ate Maggie mo.”

*knock*knock*

“Oy Bubwit! Gumising ka na dali! ‘Wag ka ng magtulog mantika dyan. Gising na!”

Ang aga namang nanggugulo ng dalawang isip-bata na ‘to. Hindi ba nila alam na Sabado ngayon at walang pasok? -__-

“Bubwit ano ba!! Isa! Buksan mo na kasi ‘tong pinto. May pag-uusapan tayo.” sigaw ni Gurang sa labas ng kwarto ko at hinahampas nya pa yung pintuan. Tsk!

Ayan na naman sya sa Bubwit na ‘yan. -__-

Nabalitaan na nya siguro yung pagcucutting ko kahapon. -__- Ang lakas talaga ng radar ng Gurang na ‘to. Pssh.

Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Nakita ko naman silang parehong nakatayo habang si Gurang ay nakataas pa ang kilay. Manenermon na naman ‘to panigurado. -__-

“Buti naman at binuksan mo na. Akala ko kailangan ko pang gibain yang pintuan mo.” hinarapan naman nya si Mama. “Momsky sige na po, ako ng bahala dito. Pagsasabihan ko lang ‘tong Bubwit na ‘to.” sabay hila nya sa’kin papasok ulit sa kwarto ko.

“Ok. ^__^ Don’t be too harsh to my Gab ok baby? ^__^” sabi ni Mama.

 Mag-ina nga sila. -__-  Pareho nilang hindi alam ang salitang “Maturity”. Tss. Mature pa nga ata ako sa kanilang dalawa.

“Ok Momsky! ^_^ Sige na.” bumaba na si Mama. Pinaupo naman ako ni Gurang habang sya naman ay nakatayo sa harapan ko.

“Anong sabi ko sa’yo kapag nalaman kong nagcutting ka? Ha Bubwit? ^_~” ayan na naman sya. Dinaig pa nya si Mama. Palibhasa sya kasi ang may hawak ng allowance ko. Tsk!

“Hindi ako nagcutting Gurang. Nakatulog lang ako. ‘Di sinasadya ‘yon.” tamad kong sagot.

“Nakatulog~?! Saan? Doon na naman ba sa punong ‘yon? Gab, ilang beses ko bang sasabihin sayo na kalimu---”

“Ate!!!” potek! Sinabi nang ayoko nang pag-usapan ‘yon. Bakit ba hindi sila makaintindi?!

“Hay nako, Bubwit ka talaga! Hanggang ngayon ba naman Gab? Walang mangyayari sa’yo kung parati ka na lang ganyan. Fourth year ka na at hanggang ngayon hindi ka pa rin nagkakagirlfriend ng dahil sa kanya.” seryosong sabi nya nang makaupo sya sa kama katabi ko.

Alam na alam kong seryoso na sya kapag tinawag na nya ako sa totoo kong pangngalan. Tulad ngayon.

Maliban sa mga kabanda kong unggoy, sya, pati na rin sina Mama at Tanda alam nila ang nangyari. Pero itong Gurang na ‘to kung makapagsalita kala mo may boyfriend.  -_-

“Nagsalita ang meron. Palibhasa Gurang ka na kaya wala ng nagkakainteres sa’yo. -_-” sabi ko at sumandal ako sa headboard ng kama ko.

“Nyee~! ‘Di no!  Never na kukupas ‘tong ganda ko. Mana yata ako kay Momsky. Alam mo Bubwit, kaya lang naman ako hindi pumapasok sa isang relationship dahil ayoko munang masakal sa isang commitment na meron kami. Gusto ko munang ienjoy ang pagiging single ko. ^_^ Ano ka, hindi na lang basta-basta ang relationship na dapat kong pasukan no, lifetime partner na ang hanap ko. Isa pa, may kailangan pa akong asikasuhin bago ang sarili ko.’Di ako tulad ng isa dyan, nabasted lang ng first love nya hindi na ulit nanligaw. tsk,tsk!” sabi nya habang pailing-iling pa. Galing mang-inis. -_-

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon