17th Ryhthm ♪ (D) : His Sister, 'Gurang'

205 6 2
                                    

Enjoy reading~~ :))

Chapter 17 (D): His Sister, ‘Gurang’

 [GAB’s POV]

Nang makarating ako sa tapat ng unit ni Gurang, hingal na hingal talaga ako. Pambihira! Ang bigat ba naman ng dala ko. Akala ko nga luluwa na ang dila ko sa pagod sa pagbitbit ng mga ‘to.

*ding*dong*

*ding*dong*

*ding*dong*

Ang tagal namang buksan ni Gurang ang pinto!

Malas! Baka wala na naman sya sa loob. Lakwatsera talaga. Tsk!

Tulad ng inaasahan ko, hindi nga nakalock ang pintuan. Napakapabaya talaga ng Gurang na ‘yon. Paano na lang kung may magnanakaw dito?  Tsss.

Agad ko namang nilapag sa lamesa na nasa kusina ang mga dala ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa may ref para maghanap ng makakain. Gutom na talaga ako! Mabuti na lang at mahilig magstore ng pagkain si Gurang.

May nakita naman akong carbonara na nakalagay sa isang Tupperware. Kinuha ko ito at inamoy.

Mukhang kagabi lang naman ito. Pwedi na ‘to.

Nilagay ko yung carbonara sa isang lalagyan at ipinainit ko muna sa microwave.

*ting* (tunog ng microwave)

Alright! Kainan na!

Kinuha ko agad yung lalagyan gamit ang potholder at umupo na ako sa upuan. Susubo na sana ako, kaya lang…

*ding*dong*

*ding*dong*

*ding*dong*

*ding*dong*

*ding*dong*

*ding*dong*

Sino pa ba ang magdodorbell ng ganon karami kundi ang may-ari ng unit na ‘to. Tsss. Kahit kailan talaga pambitin ang Gurang na ‘yon.

Sa gutom ko, tinungo ko ang pintuan na may nakasubong kutsara sa bibig ko. Pagbukas ko ng pinto…

O________________O

“Bakit kasama mo yang nerd na ‘yan, Gurang?!!” tanong ko sa ate ko matapos kong ialis ang kutsara sa bibig ko. Pambihira muntik ko ng mahulog!

Bakit ba kasi magkasama ang dalawang ‘to?!

“Aba. Anong problema don? Tumabi ka nga dyan sa dinaraanan Bubwit, may bisita ako.” sabay kabig nya sa’kin at hinila nya papasaok si Nerdy Girl. “Upo ka muna dyan, miss.” sabi nya pagkapasok nila.

Ano na naman bang balak ng Gurang na ‘to at kailangan pa nyang isama ang nerd na ‘to dito?

Pagkatapos kong isara ang pinto, napatingin ako kay Nerdy Girl na nakaupo sa sofa at ngayo’y nakatingin ng masama sa’kin. Problema ng nerd na ‘to? Akala ba nya sya lang ang marunong tumingin ng masama? Tsss.

Pagkatapos naming magsagutan ng masamang tingin ng nerd na ‘yon, dumiretso agad ako sa kusina kung nasaan si Gurang.

“Bakit sinama mo dito ang nerd na ‘yon, Gurang?” tanong ko na medyo pabulong. Baka kasi marinig kami ng babaeng nerd na ‘yon.

“Anong bakit? Akin naman ang condo na ‘to kaya pweding kong dalhin ang kung sino mang gusto ko. Ikaw ang dapat kong tanungin, Bubwit. Bakit basta-basta mo na lang sya iniwan doon sa ibaba ha?” tanong nya matapos nyang ibaba ang basong pinag-inuman nya.

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon