15th Rhythm ♪ (B) : The More You Hate The More You Love

248 10 11
                                    

Enjoy reading~~ :))

Chapter 15 (B) : The More You Hate The More You Love                         

[CLARIZZE’s POV]

Grabe! Akala ko kung sino na, si “Baby B” lang pala.

Namiss ko na talaga sya. Matagal-tagal na rin nung huli ko syang nakita.

“Uy Baby S, ikaw pala yan! Namiss kita. Kamusta na? Nagtransfer ka daw sa ibang school?” tanong nya sa’kin pagkatapos nya akong yakapin.

Namiss na nya rin pala ako. c: Naging busy na siguro sya sa studies nya. College student na kasi sya ngayon, kaya hindi na nya siguro ako napapasyalan tulad ng dati.

“Ah oo Baby B. I just transferred this school year. Ask Mom & Dad why, ‘coz I don’t have any idea. -_-” sagot ko sa kanya.

Ewan ko nga ba kina Mama kung bakit pa nila ako naisipang itransfer ng school. Ngayon pa talagang graduating na’ko.

“Hmm.. They have their reasons Baby S. I’m sure it’s for your own good.” sagot nya tapos inakbayan nya ako.

“Siguro nga couz. ” sabi ko

Yep! Cousin ko sya. He’s my first cousin. My closest cousin among my cousins. Para ngang magkapatid na ang turingan naming dalawa. Ang tawag nya sa’kin ay “Baby S”, short for “Baby Sister.” Tapos ang tawag ko naman sa kanya ay “Baby B”, short for “Baby Bubut.”

[E/N: Sa mga hindi po nakakaalam, ang “Baby Bubut” po ay parang idiomatic expression which means ”Matandang nagkikilos bata.” c:]

Sya pala si Kuya Dowby. Close talaga kaming dalawa nyan. Mas close ko pa nga sya sa older sister nya na si ate Elle. Medyo may pagkaserious-type kasi ‘yon. Unlike si Kuya Dowby na palabiro at kalog.

Minsan nga nung magkasama kaming dalawa ni kuya, may nagtanong  sa amin kung magbf-gf daw ba kami? Natawa pa nga kaming dalawa nung time na ‘yon. Pero dahil sa likas na may pagkaloko-loko si Baby B, sinakyan na lang nya yung tanong nung babae. Sales lady pa naman ‘yon at type nya ata si Baby B. Mukha kasi syang nalugi noong nalaman nyang “kami” ni kuya. c:

“Gwapo kasi ako Baby S kaya alam ko yon. ^_^V  So ano, kamusta ka na?” nakalimutan kong sabihin, medyo may pagkaconceited nga pala sya. -_- Pero ok lang, totoo naman kasi.

“Ok naman ako Baby B. * smile* Ikaw? Namiss na kita! Ang tagal mong hindi nagpakita sa’kin.” sabi ko sa kanya.

“Oo nga e. Busy ka ba ngayon? Yayayain sana kitang kumain para naman makapagkwentuhan tayo. Namiss na rin kasi kita Baby S. Ok lang ba? Kumain tayo ngayon? Please? Payag kana oh?” tapos nagpuppy-eyes sya. Kaya nga love ko ‘tong insang kong ‘to e. Ang cute-cute nya. *O*

“Asus! ‘Di mo na kailangang magpacute sa’kin no, Baby B talaga. Sasama naman ako sa’yo kahit hindi mo na gamitin yang tantalizing eyes mo.” natatawa kong sabi sa kanya. Para kasi syang batang nagmamakaawa e. May kasama pang hawak-kamay. Ang kyoot. >.<

Bigla na lang parang may nagsigawan at nagtilian sa bandang likuran namin pero hindi ko naman makita kung sinong pinagkakaguluhan nila. Artista kaya?  Tapos puro sigaw lang naririnig namin e, tilian ng mga babae.

Hindi na lang namin pinansin ni Baby B yung kaguluhan doon sa Hypermarket at niyaya ko na lang syang  umalis doon. Ang ingay na kasi doon. Sikat nga yata yung pinagkakaguluhan nila. Sayang hindi ko makita kung sino.

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon