Enjoy reading :)
Chapter 1: Disgusting -___- +++
Phone conversation:
“Yes Mom…. Nakabili na po ako…… Yeah, I’m on my way……. Malapit nalang p------ Sh*t!!!!” inend ko agad agad ang call.
SSCCRRRRRREEEAAACCCHHHH!!!
“Gago yung babaeng yun ah! Magpapakamatay ba sya?!!” Bumaba ako sa kotse at pinuntahan ko yung babaeng kamuntik ko ng masagasaan.
“Hoy Miss!! Magpapakamatay ka ba?!! Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa daan?! Hindi ka ba marunong tumingin muna sa kalsada kung may sasakyang dumadaan ha?!! Pasalamat ka nga at-----"
Napatigil ako sa pagsigaw ko. Lasing ata ‘tong kausap ko. Amoy na amoy yung alak e. Tsk! Gumegewang- gewang pa kahit nakatayo lang habang nakatungo -___-
“Oy miss!! Nakikinig ka ba?! Lasing ka pa naman at bigla bigla ka na lang tumatawid dyan, kamuntik na tuloy kitang masaga---- ”
Ay bubwit! ‘Di ko na naman natapos ang sasabihin ko -__- E pano ba naman umiyak ‘tong isang ‘to. Tsk!
“……*hikbi*……*hikbi*…..” – sya
“Uy miss. ‘wag kang umiyak ano ba. Pasensya na kung nasigawan kita. Kasalanan mo naman e. Sa susunod kasi---- ”
O__O
Takte! Anong problema ng babaeng ‘to?! Bigla-bigla na lang nangyayakap! Ang sakit tuloy ng dibdib ko dahil sa eyeglasses nya. Dikit na dikit yung mukha nya kaya parang bumabaon yung eyeglasses sakin. Sakit ah!
“Lawrence, alam mo bang *hikbi* first anniversary na sana natin ngayon *hikbi* kung hindi mo ako iniwan? *hikbi*” sabi nya habang nakayakap parin ng mahigpit sakin. Basa na tuloy damit ko =___=
“Miss teka lang. Lasing ka lang oy! Saka anong pinagsasasabi mo dyan? Hindi ako si Lawrence miss, bitaw! ” pinipilit ko syang bumitaw sa pagkakayakap nya pero lalo lang nyang hinihigpitan. Nako naman!
“Bakit mo kasi ako iniwan ha? *hikbi* Ang daya mo naman * hikbi* Alam mo namang mahal na mahal kita Lawrence diba? *hikbi* *hikbi* Ang sakit sakit pa rin kasi e *hikbi*” sya habang walang tigil ang pag-iyak.
Broken hearted pa ata ‘tong nerd na ’to. Basang-basa na nga yung damit ko, ang sakit pa ng dibdib ko. Tsk!
“Miss ano ba! Hindi nga ako yung Lawrence na sinasabi mo. Kaya pwede bang bumitaw ka----”
“RIZZE!!!!” sigaw nung tatlong babae habang tumatakbo papunta sa direksyon namin. Kasama nya siguro mga ‘to.
Nang makalapit na sila “Rizze ano ba! Mahiya ka nga kay mister. Hali ka na.” sabi nung isang babae na mukhang koreana. Tapos hinihila nya si nerd. Napakapormal naman ng mister. Ang pangit pakinggan. -__-
“Naglasing na naman sya. Nako! ‘Yang babaeng ‘yan talaga, ang tigas ng ulo!” sabi naman nung isa na maiksi ang buhok.
Ayaw parin talagang bumitaw ng nerd na ‘to kahit hinihila na sya ng mga kasama nya. Tsss!
“Hoy Rizze! Kung makayakap ka naman dyan. Mahiya ka nga. At pwede ba bumitaw ka na?!” sabi naman nung babaeng mahaba yung buhok. Nakihila narin sya.
“Oy miss! Ayan na mga kasama mo oh. Kaya kung pwede lang bumi----”
O___O #@!%@#$^%&^*&@$#%#$^$&^*&
BINABASA MO ANG
The Rhythm of Love (On-Going)
Teen FictionA story about the NGSB named Gabriel who met this broken hearted girl, Clarizze. Their first meeting was chaotic. Until they made an agreement that will benefit them both. The guy for his Vengeance while the girl for her Necklace. Will they get...