13th Rhythm ♪ (C) : Man of His Words

227 10 1
                                    

Enjoy reading~~ :))

Chapter 13 (C) : Man of his words

[CLARIZZE’s POV]

“Ok class, get your notebook and copy this.” utos sa’min ng teacher namin. Maglelecture kasi kami.

Kanina pang konti nagstart ang class namin at hanggang ngayon wala pa rin si Gabriel. Nasaan kaya ang mokong na ‘yon? Magcucutting yata talaga sya.

“Josh anon a? Nagtexy na ba si Paps sayo?” dinig kong tanong ni Stephen kay Josh. Malapit lang kasi kami sa kanila. Kahit saan naman kasi pwedi kang umupo. Wala kasi kaming seating arrangement.

“Hindi pa. Tinatawagan ko rin sya pero nakapatay naman ata cellphone nya.” sagot ni  naman Josh na halatang hinihinaan nya ang boses nya. Nasa malapit lang kasi ang teacher namin.

“Lagot nyan tayo kay ate Maggie kapag nalaman nyang nagcutting si Paps.” sabi ni Stephen.

Ate Maggie? Kapatid siguro ni Gabriel ‘yon?

“Bakit hindi nyo tanungin yung kasama nya kanina?” comment naman ni Joem. Napalingon tuloy ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya sa’kin.

Liningon na din ako nina Josh at Stephen na parang nagtatanong na ‘Alam-mo-ba-kung-nasaan-si-Paps?’

Umiling naman ako bilang sagot. Hindi ko naman kasi alam kung nasaan sya ngayon. Ang alam ko lang, iniwan ko sya kanina doon sa puno ng mangga dahil inutusan ako ng Don Pakundo na yon. -__-

Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagsulat.

“Uy Joyce, hindi mo ba talaga alam kung nasaan sya? Tingnan mo hinahanap na sya ng mga kasama nya oh.” sabay turo ni Ericka sa tatlo. Nakita ko naman sila na hindi mapakali  sa kapipindot ng mga cellphones nila….....maliban lang kay Joem na pachill-chill lang.

“Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi mo pa naman binilhan ng lunch. Ikaw rin, baka hindi na nya ibalik yung necklace mo.”  sabi n Leanne habang nilalaro ang ballpen nya.

‘Gusto ko ikaw ang bumili para sa’kin. At isa pa, tinatamad akong maglakad. Kaya bilis na, ‘wag kang babagal-bagal, tatamaan ka talaga sa’kin. Dali na! Hihintayin kita dito.’

Naalala ko bigla yung sinbi nya. Naghihintay pa nga kaya sya don?

Pero malabo, napakaimpatient non e. -__-

Nakita ko na lang si Amie na nakatingin sa’kin at tumango na parang sinsabi nyang ‘Sige na, alis na’.

Kapag sya pa naman ang nag-utos hindi pweding hindi ka sumunod. Katakot kaya yang magalit. Nagsasalita ng mga Alien words.  =__=

Sa takot ko kay Amie, nagpa-excuse ako para magCR. Pinayagan naman ako ni Ma’am.

Pagkalabas ko ng room, tumakbo ako agad papunta don sa pinag-iwanan ko sa kanya. Hindi ako sigurado kung nandon pa sya pero ‘yun ang naisip kong unang puntahan.

Pagdating ko doon, hindi ko sya nakita. Aalis n asana ako kaso naalala ko na may pagka-tsonggo nga pala ang isang ‘yon.

Tumingala ako sa puno ng mangga para alamin kung nadoon sya sa taas.

Hindi naman ako nagkamali dahil nandoon nga sya. Nakaupo habang nakasandal yung likod nya sa puno. Parang tulog ata sya? Buti hindi ‘to nahulog?

“Gabriel! Hoy!” sigaw ko mula sa baba. Natutulog talaga sya? Medyo mataas din kasi itong puno kaya baka hindi nya ako narinig.

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon