21st Rhythm ♪ (C) : Secret Mission...s?

154 8 2
                                    

Enjoy reading~~ c:

Chapter 21: Secret Mission...s?

[ERICKA’s POV]

“Kawawa naman si Joyce no? Lagi na lang syang napag-uutusan.” sabi ni Leanne matapos umalis ni Rizze--- este ni Joyce pala. Hay, hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong tawagin syang ‘Joyce’. Hindi talaga kasi ako sanay. >.<

Simula kasi first year kami, ‘Rizze’ na ang tawag namin sa kanya. Ngayon lang talaga naging Joyce dahil nga kailangan. Alam nyo na, hindi alam ng iba na iisa lang si Clarizze at Joyce. Nagmukha tuloy syang may dalawang identity. Ang hirap ng ganon diba?

“What if subukan nating kunin ang kwintas nya mula kay Gabriel? What do you think? ‘Yun lang naman kasi ang dahilan kung bakit pumapayag si Joyce sa mga utos nya, diba?” sabi naman ni Amie ng makaupo na kami. ‘Yung pang-10 seats yung inupuan namin. Everyday naman dito na kami naupo.

“Uy ‘wag ganon.” sabat ko naman. “Malay nyo may dahilan kung bakit sa kanya napunta ang kwintas diba? Baka may dahilan kung bakit sya ang nakakita. You know, everything has a purpose.”  pagdedepende ko.

Honestly, I already thought of that idea once, but I dismissed it afterwards. Kung iisipin kasi, ang dami namang pweding makakita sa necklace ni Joyce, bakit si Gabriel pa? Bakit kailangan pang si Gabriel na leader ng bandang kalaban namin? Well, we’re enemies on stage but not personally naman.

“So anong ibig sabihin mo don, Rics?” tanong sakin ni Amie na medyo nakataas pa ang isa nyang kilay.

Oh, Amie. She’s always like this, ‘the-oh-so-protective-bestfriend.’ Well, I cannot blame her naman. Afterall, mas matagal ang pinagsamahan nilang dalawa ni Joyce. And we all know na gusto nya lang protektahan si Joyce. Syempre kami din naman. Like hello? LACE Generation nga kami diba? We all want Joyce to be happy… again, after what happened to her.

So…  I have this ‘mission’ in my mind now. Pero…. hidi ko muna ito sasabihin sa kanilang dalawa ang lahat ng binabalak ko. I need to have many informations as many as I can, before pursuing this ‘mission’ I’m planning to. Kaya for now, sasarilinin ko na muna. :)

“None. I don’t mean anything. Ang akin lang naman, bakit hindi na lang natin hayaan ang nangyayari ngayon? Hindi naman dahil sa gusto kong mahirapan si Joyce or what, but you see, ngayon na lang ulit nagkaroon ng ibang emosyon si Joyce magmula nung nangyari sa kanya. Sa kanila ni Lawrence. Marunong na ulit syang tumawa ngayon… ‘yung tawang mababakas mo talaga ang saya nya. At idagdag mo pa don… naiinis na rin sya ngayon which is hindi nya man talaga ginagawa dati. Lahat ng ‘yon ay dahil kay Gabriel. Don’t you think sya na ang makakatulong kay Joyce para bumalik sa dati?” sabi ko sa kanilang dalawa na may kasama pang hand gestures.

“Kung sabagay may point ka din naman.” pagsang-ayon naman ni Leanne na may kasama pang tango. “Napapansin ko nga kay Joyce na may nagbabago sa kanya. I mean, hindi na sya tulad ng dati na laging matamlay at palaging malalim ang iniisip, diba?” sabay tingin nya kay Amie.

Nanahimik muna kami ni Leanne habang pareho naming tinitingnan si Amie. Hindi man lang ba sya magrereact?

“Okay, sige. Hahayaan na muna natin ang nangyayare… for now.” sa sinabi ni Amie na ‘yon, sabay kaming napabuntong hininga ni Leanne. Mabuti naman at pumayag sya. “But… sa oras na malaman kong sumosobra na talaga ang ginagawa ni Gabriel kay Joyce, I’m sorry but I cannot tolerate that anymore. Kukunin ko na talaga ang kwintas sa kanya in any ways I can, arasseo?” ayan na nag-alien language na sya sa amin.  -___-  Ganyan kasi talaga si Amie kapag may pinopoint-out sya. Sya lang ang nakakaintindi sa mga sinasabi nya, kaya masanay na din kayo.

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon