25th Rhythm ♪ (D) : Assurance

143 6 2
                                    

Enjoy reading guys~! :)

Chapter 25 (D): Assurance

[GAB’s POV]

Akala ko pa naman pupunta dito si Nerdy Girl. Sya na nga lang pinunta ko dito, ‘di pa pumunta. Langya. Wala tuloy akong mapagtripan ngayon. Kung bakit naman kasi hindi pumunta ang isang ‘yon. Tsss.

Nakalimutan ko nga palang bandmate nila si Clarizze kaya malamang na inimbitahan din syang pumunta dito ni Leanne. Nabigla tuloy ako nung nakita ko syang kakapasok lang sa bahay. Tsss. Mukhang sya rin naman kasi kita naman sa mukha nya kanina. Ang nakakainis lang, dahil sa nandito na naman ang babaeng ‘to, nararamdaman ko na naman yung pakiramdam na parang natatae na ewan. Tsss. Lagi na lang. Parang baliw lang ‘tong pakiramdam na ‘to e.

“Paps, mukhang swerte ka ngayon ah. Nandito si Soulmate oh. Haha.” Bulong sakin ni Josh matapos sabihin ni Clarizze samin na hindi nga daw makakarating si Nerdy Girl. Muntanga lang ‘tong ABnormal na ‘to e.

“Tumahimik ka nga. Babangasin na kita dyan sa kakasoulmate mo.” sabi ko habang nakatingin ako sa kanya ng masama. Puro sya soulmate-soulmate. Tsss. Medyo mahina nga lang ang pag-uusap naming dahil halos nagbubulungan lang kami.

“Haha. Si Paps talaga, tiger-look agad. Maglion-look ka naman paminsan-minsan. Mas effective daw na panakot ‘yun e. Ahaha~!” sinabi ‘yan ni ABnormal ng malakas kaya napatingin tuloy sila sa bandang lugar namin. Gunggong talaga ang isang ‘to. -__-

“Hoy, anong lion-look ang sinasabi mo dyan?” tanong ni BHD matapos syang makaupo sa tabi ni Abnormal.

“Wala. Ang sama kasi ng tingin sa akin ni Paps. Parang lalapain ako ng buhay e. Sayang naman ang magiging future-angkan ko kung mangyayari ‘yon. Mababawasan na ang mga gwapong nilalang sa mundo.” – ABnormal

“Mukha mo.” -__-

Sabay na sabi namin BHD. Pinuri na naman ni ABnormal ang sarili nya. Hindi na talaga magbabago ang isang ‘to. -__-

“Mukha kong gwapo. Ahaha~~” wala na talagang pag-asa ang isang ‘to.

Bigla naman nyang inakbayan si BHD, “So kamusta naman ang ‘sorry-agenda’ mo, BHD?” tanong nya dito. Ano naman kaya ang tinutukoy ng isang ‘to?

“Ayun, ayos na. Buti na nga lang at hindi naman pala sya galit, inis lang daw. Edi ayun, tagumpay.” sagot naman ni BHD sa kanya. Aba loko ‘tong mga ‘to ah. Bakit wala akong kaide-ideya kung anong pinag-uusapan nila?

“Yown! Ayos! Congrats BHD! Pasalamat ka nalang at mabait ‘yang si Koreanang-chikababe. Oh ano, nakapag-second move ka na ba?” tanong ni ABnormal matapos nyang suntukin ng bahagya sa balikat si BHD.

Teka, tama ba ang dinig ko? Koreanang-chikababe daw? Koreana? Si Amie lang ang kilala kong may dugong Korean dito e. Sya ba ang tinutukoy ni ABnormal?

“Sira. Anong second-move, second-move ang sinasabi mo dyan? Walang ganong nangyare gunggong. ‘Wag mo nga akong itulad sa’yo.” – BHD. Natatanga talaga ako sa dalawang ‘to ah. Wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi nila. Tsss.

 Itatanong ko na sana sa kanila kung ano ang pinag-usapan nila kaso hindi ko na nagawa dahil inaya na kaming kumain ni Leanne tutal kumpleto na daw kami at wala ng ibang hinihintay. Sabi ko na nga ba at hindi talaga pumupunta sa mga ganito si Dakila. Tsss.

“Ayown! Kainan na~~” sino pa nga ba ang magsasabi nyan kundi ang nag-iisang ABnormal dito? Tsss. Parang ngayon na lang ulit kakain e. ‘Di na nahiya. -__-

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon