Enjoy reading~ :))
Chapter 5 (A): Joyce Rendon
[CLARIZZE’s POV]
Dumating na pala ang araw na pinakaayaw ko.
Pasukan -__-
Ayaw ko pang pumasok. Lalo na’t nagtransfer ako sa ibang school ngayong taon. Haay.
Sina Mom & Dad naman kasi kung kelan naman graduating na ako ng H.S doon pa nila ako naisipang ilipat. Tsk! Buti na lang pati si Amie nagtransfer na din sa school na’to. Kaso sina Ericka at Leanne naman, hindi daw sila pinayagan magtransfer. Sayang (_ _)
Nandito na ako ngayon sa harap ng bago naming school. Sabi kasi ni Amie, magkita na lang daw kami sa harap ng gate. Kanina pa nga ako naghihintay sa loob ng kotse pero ni anino ng sasakyan nya hindi ko makita. Pati tuloy si manong Danny naiinip na yata.
“Miss Clarizze, nandito na po yung sasakyan ng kaibigan nyo.” – Manong Danny
“Talaga po? Nasaan po?”
“Ayun po. Nasa kabilang daan po.” tinuro ni manong yung black Chrysler. Kay Amie na nga yon.
“Sige po manong Danny, bababa na po ako. Salamat po sa paghatid.Tatawagan ko na lang po kayo mamaya kapag magpapasundo na’ko.”
“Sige po. Mag-iingat po kayo.” lumabas na ako ng kotse.
Nang makalapit na ako sa kotse ni Amie, bigla na lang may lumabas na dalawang babae sa kotse nya na nakasuot ng uniform na tulad namin.
(O_O) – ako
(^__^)V – silang dalawa
“T-teka, b-bakit kayo nandito? At bakit kayo nakauniform ng katulad sa school namin? Akala ko ba----” hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil niyakap na nila ako.
“Whaaaah. Rizze, anu ka ba! Tanung ka ng tanung dyan. Syempre hindi ka namin iiwan no. Hindi mabubuo ang LACE Gen kung wala kami di ba?” sabi ni Ericka at humiwalay na sila sa pagkakayakap sakin.
“Oo nga. Nasurprise ka ba? Ay teka, bagay ba samin ang bagong uniform natin? Ha? Bagay ba?” tanong ni Leanne habang paikot-ikot sya sa harap ko. Kung ikukumpara ang uniform namin noon sa uniform namin ngayon, mas maigsi ang palda ngayon. Above the knee na checkered, tapos high socks. Aaminin ko, mas maganda nga yung uniform namin ngayon, kaso di ko gaanong feel. Mas gusto ko pa rin yung dati naming uniform.
Hindi naman ako nakapagsalita sa tanong nya. Masyado pa akong nabigla kasi dito na rin pala sila mag-aaral.
“Haha. Mukhang nashocked pa rin si Rizze girls. ‘Di makapagsalita oh. Nauto ka ng dalawa Rizze. Ang galing nilang umarte na hindi sila papayagan no?" – Amie
Tsk!!
Niloloko lang pala ako ng dalawang ito. Ang akala ko talaga hindi sila pinayagang magtransfer dito. Napag-usapan kasi namin yun noong summer. May paiyak-iyak pa silang nalalaman noon. Kainis. Pero, masaya pa rin ako at makakasama ko sila dito.
“Pinagkaisahan nyo ako. Kainis kayo!” kunyareng tampo ko.
“Asus! ‘Wag ka na ngang magtampo Rizze, ‘di bagay sayo. Haha. Saka nandito na kami oh, kaya dapat masaya ka na ^__^” – Ericka
“Tama! Dahil nandito na naman ang Trio na gugulo sa buhay senior mo. Hahaha ^__^V” – Leanne. sinasabi ko na nga ba (_ _)
“Mga adik kayo, isinali nyo pa talaga ako. Kayong dalawa lang ang magulo. Tara na nga’t pumasok na tayo sa school. Late na tayo, unang araw pa naman natin dito.” – Amie
BINABASA MO ANG
The Rhythm of Love (On-Going)
Teen FictionA story about the NGSB named Gabriel who met this broken hearted girl, Clarizze. Their first meeting was chaotic. Until they made an agreement that will benefit them both. The guy for his Vengeance while the girl for her Necklace. Will they get...