26th Rhythm ♪ (E): The Mission

66 2 0
                                    

Dedicated sayo~ sana magustuhan mo. (^U^)V

Enjoy reading guys~! : )

Chapter 26 (E): The Mission

[JOEM’s POV]

“You’re here. Have a seat.” nakangiti nyang sabi sakin at naupo naman ako sa kaharap ng upuan nya.

Nandito kami ngayon sa Coffee Academy na malapit lang sa school namin. Dapat talaga pupunta ako kina Leanne ngayon pero bigla nya akong tinawagan para makipagkita. May pa-uusapan daw kasi kami. Ngayon na nya siguro ipapaliwanag ang sinabi nya sa akin noong nakaraang araw.

“Kanina pa po ba kayo? Pasensya na po kung medyo natagalan ako.” sabi ko.

Umiling naman sya at ngumiti, “No it’s okay. Halos kadarating ko lang naman. Nauna lang ako ng konte.” sagot nya. Sa ayos ng pakikipag-usap nya sa akin ngayon, parang hindi na sya yung dati kong kakilala.

Hindi ko alam pero parang ang seryoso ng dating nya ngayon. Ang pormal. Malayong-malayo sa pakikitungo nya sa akin dati sa tuwing magkikita kami. Hindi ko tuloy maiwasang hindi manibago.  =__=

“Ano po ba ang pag-uusapan natin Ma---” hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang tinaas ang kamay niya para pahintuin ako.

“You don’t have to call me like that. It’s too formal. Just call me, Tita starting today.” Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Tita? Bakit kailangang Tita ang itawag ko sa kaniya kung---

“Don’t worry; you just have to call me by that name for the sake of my identity. It’ll lessen complications.” Dagdag naman niya ng nakangiti.

“Sige po, kung iyon ang gusto niyo.” Agad kong tugon.

Malamang nga naman na kung sikreto lang itong pinapagawa niya sa akin, kakailanganin niya iyon. Lalo na kung kausap ko man siya sa telepono.

“Good. Now that you’re already here, o-order na  muna ako bago natin pag-usapan ang kailangan mong gawin. Anong sa’yo? My treat.” Nakatayo na siya ngayon habang nakaharap sa akin.

“Coffee jelly na lang po ‘yung akin.” Teka, bakit parang pambabaeng inumin naman yata ‘yung inorder ko?  =__=a

“Sure ka ‘yun lang?” tumango naman ako bilang sagot.  Hindi naman siguro pambabae yon.  =_=a

“Ok .I’ll be back in a bit.” Pagkatapos ay tumalikod na siya papuntang counter.

Mukhang mahaba-habang usapan ito.

Ilang saglit pa ay bumalik na siya sa table namin dala ang isang tray.

Iniabot na muna niya sa akin ang order at pagkatapos ay umupo na siya katapat ko. Nagpathank you naman ako sa kanya.

“Ano po palang pag-uusapan natin?” tanong ko kahit alam ko naman kung anong pag-uusapan namin. Gusto ko na kasing malaman ito mula sa kaniya. Gusto ko ng malaman kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari.

“Kailangan ko ang tulong mo sa plano ko. As far as I know, you’re the only one capable of helping me with that. So, are you in?” direstong tanong niya habang iniinom ang hawak niyang kape.

Bakit naman kaya niya nasabing ako lang ang may kaya non? Ano bang kaya ko? =_=

“Ano po bang plano ang sinasabi niyo? Saka bakit po ba kailangang ako pa?” tanong ko habang alam kong bakas sa mukha ko ngayon ang pagtataka.

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon