Enjoy reading~~ :))
Chapter 18 (E): First Step (The Other Side)
[JOSH's POV]
Alright! It's Saturday baby! Malaya ako ngayon dahil walang pasok! Whoohoo~~! Mabuti na lang at mukhang tinamad si Paps ngayon na magpractice, kaya naman makakapglaro ako ngayon. ^___^V Basketball baby~!
Kung hindi nyo naitatanong, maliban kasi sa pagbabanda, itong pagbabasketball ang kinahiligan ko. Alam ko kasing dagdag 'pogi points' 'yun sa mga chikababes 'pag alam nilang magaling kang maglaro ng basketball. ^__^V Ibig sabihin... may dagdag 'pogi points' nga ako. Haha.
"Mi, laro lang po ako." paalam ko kay mommy Elsa.
"Sige iho. Dito ka na mananghalian ah? Kare-kare ang ulam ngayon." sagot naman nya habang nasa kusina.
"Yes! My peyborit! Sige Mi, dito na ako kakain mamaya." sabi ko pagkatapos ay tumakbo na ako palabas ng bahay.
'Yun nga pala ang kasambahay namin. Dito na sya nagtatrabaho simula nung bata pa lang ako. 'Mi' ang tawag ko sa kanya dahil sya na ang tumayong nanay ko sa tuwing aalis papuntang ibang bansa ang mga parents ko. Ganon na ang set-up ko simula nung bata pa ako... lagi na lang akong iniiwan ng mga magulang ko kay Mi para sa trabaho. Minsan nga....
... anak ng litsong manok! Hindi bagay sa'kin. Pwe! 'Wag nyo na lang pansinin ang pinagsasasabi ko ha? Baka maturn-off pa kayo sa kadramahan ko. Hehe (^__^)7
Nandito na ako ngayon sa court at palinga-linga. Nasaan na ba yung mga kalaro ko? Lokong mga 'yon! Napag-usapan 10 ng umaga e. Hindi naman kasi ganon kainit sa court na 'to. Napapaligiran naman kasi sa ng mga malalaking halaman kaya ayos lang maglaro dito ng ganitong oras.
Tuwing Sabado kasi kapag walang practice ang banda, lagi akong naglalaro dito sa court nakatabi lang ng bahay namin dito sa village. 'Yung mga lagi kong kalaro ay sina Ontok at Bokong. Magpinsan ang dalawang 'yon. Si Ontok, matabang pandak 'yun, tapos si Bokong naman ang kabaligtaran nya. Payatot na matangkad kasi si Bokong. Perfect combination diba? Parang number 10 lang kapag pinagtabi sila. Haha!
Sila ang hinihintay ko ngayon at hanggang ngayon, wala pa rin sila. Mukhang hindi na yata sila darating dahil 10:30 a.m. na. Baka wala na silang ulam na ipapakain sa akin kaya hindi na nila ako sinipot. Hindi kasi nila ako matalo-talo e. Unbeatable talaga ako. *taas ng muscle*
May pustahan kasi kami kapag naglalaro. Paramihan lang naman ng puntos. Silang dalawa laban sa'kin. Ang premyo? Kakain ng lunch ang nanalo sa bahay ng talunan. At syempre dahil gwapo ako... ako ang laging panalo! Bwahaha! Lagi akong nalilibre ng tanghalian sa dalawang 'yon. Nasa iisang bahay lang kasi sila nakatira. Gustong-gusto nga ako ng mga magulang nila na doon ako sa kanila mananghalian dahil nagwagwapuhan daw sila sa akin. O diba? Ang lakas talaga ng charisma ko at pati matatanda naaakit ko. *wink*
Sayang nga lang at hindi ako sinipot ng dalawang pagong na 'yon. Buti na lang at kare-kare ang niluto ni Mi ngayon sa bahay. Mukhang mapapasarap na naman ang kain ko nito. c:
"Leanne~~ Saan ko dadalhin ang mga 'to?" napatigil ako sa pagshoshoot ng bola ng marinig ko 'yon.
"Pakipasok na lang sa kwarto. Susunod na rin ako nyan. May kukunin lang ako sa kotse mo." lumapit ako kung saan nanggagaling ang mga boses na naririnig ko.
Tama ba ang nakikita ko? (O__O)?
Si 'Kras' nga ba 'to?
Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Naku Lord! Napakabait nyo po talaga sa akin. Ma-mehn! Pagkakataon ko na 'to! ^O^
BINABASA MO ANG
The Rhythm of Love (On-Going)
Roman pour AdolescentsA story about the NGSB named Gabriel who met this broken hearted girl, Clarizze. Their first meeting was chaotic. Until they made an agreement that will benefit them both. The guy for his Vengeance while the girl for her Necklace. Will they get...