4th Rhythm ♪ (B) : Si Gabriel?! For real?!

310 11 9
                                    

Enjoy reading ~ (^__^)/

Chapter 4 (B): Si Gabriel?! For real?!

[CLARIZZE’s POV]

Ahhhh!! Nakakainis! Bakit ngayon pa naputol ‘to?! First time pa naman naming lumaban sa lugar na’to, tapos ganito pa ang nangyare. (>.<) Hindi kaya dahil hindi ko suot yung kwintas? Para kasing “lucky charm” ko na ‘yon. Nakakainis! Hindi ko kasi alam kung saan ko nalagay ‘yon. Hanggang ngayon hindi ko pa nahahanap. Importante pa naman sakin ‘yon.  Haay, pero mamaya ko na lang iisipin yon. Meron pa kaming problema dito.

Bakit kasi nakalimutan ko pang dalhin yung back-up guitar ko? Stupid Clarizze. Pano na ngayon? Lagot ako nito sa mga kasama ko.

“Pano nayan naputol yung string ng gitara ko?” naghihimutok na ang mga manunuod. Nakakapraning!

“Ewan ko >_< Whaahh. Bakit ngayon mo pa kasi nakalimutang dalhin yung isa mong gitara Rizze? T__T” – Ericka

“Anong gagawin natin? Nagrereklamo na ang mga tao dito (>_<)” – Amie

“Whaahh.. Ang panget ng unang laban natin sa lugar na’to. T__T” – Leanne

Bakit ngayon pa kasi naisipang umepal ng gitara ko? Natataranta na mga kasama ko, lalo naman ako.

“Sorry talaga guys. Hindi ko naman inexpect na mangyayari ito. Pasensya na talaga.” nahihiya tuloy ako sa mga kasama ko. Tama nga sila, “expect the unexpected”. Ngayon lang nangyari ‘to. Sa lahat ng sinalinan naming contests, ito ang unang beses na nasira ang performance namin.At ako pa ang may kasalanan. Nakakahiya. Ako pa naman din ang leader ng banda namin.

“Oy ano na?! Bakit tumigil kayo?”

“Kung hindi nyo na itutuloy yan, bumaba na kayo dyan.”

Nagagalit na yung mga tao samin. Pano nayan? Anong gagawin kooo? *Panic mode*

Napatigil kami sa paghyhysterical namin ng biglang tumahimik ang mga tao. May isang lalaki kasi ang umakyat sa stage dala-dala ang kanyang gitara. Sya yung lalaking nagmamay-ari ng gitarang katulad nung sakin.

Ang Leader ng CD Lads.

Si Gabriel.

Nagkatinginan kaming apat na parang may mga question marks sa mga ulo namin. Papalapit nasa direksyon namin si Gabriel.

“Miss, pahiram na kita ng gitara ko, tutal pareho lang naman tayo. Isa pa mukhang wala kang ibang dala.” sabi nya habang inaabot nya ang gitara nya sakin.

Seryoso ba sya? Ipapahiram nya talaga gitara nya?

“…………”  –ako. Nakakahiya kasi, kaya hindi tuloy ako nakapagsalita man lang. Pati mga kasama ko tulala lang. Para silang nakakita ng multo sa mga itsura nila ngayon  -_-

“Miss bingi ka ba? Sabi ko pahihiramin muna kita ng gitara ko kaysa naman sa mapahiya pa kayo dito.” – sya. Tanungin ba kung bingi ako? Pitikin ko kaya tenga nya. Ay ‘wag nalang, baka hindi na ako pahiramin ng gitara e.

“Ah…Eh…Ano…”—ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Ayaw mo ba? Edi ‘wag! Madali lang naman akong kausap e.” – sya. Aba, ang sungit ah. May dalaw yata to e  -__-

Tinalikuran na nya kami at pababa na sya ng stage dala-dala ang gitara nya. Kaso bigla namang tumakbo si Ericka para pigilan sya.

“Mister,wait lang!” hinawakan nya sa braso si Gabriel. “Sige, amin na yang gitara mo. Hihiramin namin. Ibabalik na lang po namin mamaya ha?  ^__^” – Ericka.

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon