27th Rhythm ♪ (A) : Blackmail

68 2 0
                                    

Dedicated sa’yo~!

Enjoy reading guys~! ;’)

Chapter 27: Blackmail

[CLARIZZE’s POV]

“Ok, supposed that the value of x is 5 and the value of y is 8 then---”

“Excuse me, Sir. Pinapatawag po kasi lahat ng mga teachers sa office niya. Urgent meeting daw po.” Sabi ng lalaking student na sa tingin ko ay 3rd year student.

“Ok, susunod na lang ako.” Sagot naman ni Sir Cruz pagkatapos ay tumingin siya muli sa amin. “Alright, since I cannot finish our discussion for today it will just serve as your assignment to be passed tomorrow. Do the activity 2 page 83, numbers 1-10. You already have the solution so it will just be an easy task. Class dismissed. Good day class.”

“Good day, Sir~” we all said in chorus.

Inayos na ni Sir Cruz ang kanyang mga gamit at tuluyan ng umalis. Kasunod naman niyo ang pag-iingay ng klase. Normal naman ang ganito sa tuwing wala ang teacher sa loob ng room.

Naramdaman ko namang bahagya akong siniko ni Ericka, “Anong balak natin? Tingnan niyo oh, nag-aalisan na ang mga mates natin.” Sabay nguso naman niya paturo sa pinto ng room namin. At oo nga, halos lahat na ng mga classmates namin dala na ang mga gamit nila at papalabas na ng room.

“Nako, ‘pag ganyang urgent meeting hanggang hapon na ‘yan which only means half-day tayo today! Let’s go malling!” dinig naming sabi ni Anne sabay hila naman niya sa mga kasama niya. Kahit papano naman ay namememorize ko na ang mga pangalan nila.

“Totoo kaya ‘yon?” tanong ni Amie.

“Siguro. Baka laging ganon ang nangyayari kapag inannounced na urgent meeting.” Sagot naman ni Leanne saka siya tomayo. “Uwi na tayo? Half-day lang daw tayo eh.”

Sasagot na sana ako ng bigla namang may nanghila sakin patayo.

“May pupuntahan tayo.” Walang tingin-tingin at tuluyan na niya akong hinila palabas ng room namin.  Kahit kalian talaga. =.=

“Huy teka lang, uuwi na kami eh.” Habol ni Ericka. Nilingon ko naman siya at tinanguan para iparating sa kaniya na ayos lang.

“Paps mang-iiwanan ka na naman? Usapan sa tambayan tayo ngayon eh.” Dinig kong habol din ni Josh bago kami tuluyang nakalayo sa room.

“Pwedi mo na ba akong bitawan? ‘Wag kang mag-alala sasama naman ako sa’yo.” Huminto naman siya sa paglalakad at tinanggal ang pagkakahawak sa’kin. Bigla naman siyang tumingin sa’kin at ang sama ng tingin niya.

Kaninang umaga ko pa siya napapansing ganyan eh. Parang badtrip at wala sa mood. Sabagay eh halos araw-araw namang ganyan ang mukha niyan. “Oh bakit ganyan ka kung makatingin?” tanong ko. Para naman kasing may kasalanan na naman akong ginawa.

“Tss. Ang ingay mo.” Tinalikuran niya ako at nagsimula na ulit siyang maglakad.

Grabe naman ang lalaking ‘to. Nagtanong lang maingay na? Ibang klase talaga ang tsonggo na’to. =.=

Sumunod na lang ako sa kaniya. Habang nasa bandang likuran niya ako, kinuha ko ang phone ko at tinext sina Amie.

Una na ka’yo. Ok lang ako. Bye~ 

Ibinalik ko na ang phone ko at napatingin ako sa mga rooms na dinaraanan namin. Ilang minutes pa lang ang nakakalipas pero halos wala ng estudyante ang mga rooms. Mga cleaners na lang ang naiwan.

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon