30th Rhythm ♪ (A): What Happened?

71 1 1
                                    

Chapter 30: What Happened?

[CLARIZZE’s POV]

Sasali ba kami o hindi?

Sheez. Almost one week ko na yatang pinag-iisipan ang bagay na ‘yan at hanggang ngayon ay wala pa rin akong sagot. Kalat na ngayon sa buong school ang tungkol  sa Battle of the Best Bands  dahil nga sa mga posters na nakadikit sa bawat bulletin board dito. Katulad ‘yon ng ibinigay sa akin ni Gabriel noong isang araw na ipinapabigay niya kay Clarizze... not knowing that he already gave it himself.

Honestly, ayoko naman talagang manloko ng tao tungkol sa disguise ko or kung ano mang tawag dito sa ginagawa kong transformation. Wala lang talaga akong sapat na dahilan para sabihin sa kanila... para malaman nila ang tungkol dito. Isa ‘yon sa dahilan kung bakit hindi pa ako makapagdecide kung sasali ba kami sa competition o hindi.

Since dito na kami nag-aaral, may malaking possibility na maging complicated ang sitwasyon kung ipapakita ko ang pagdidisguise ko dito. Ayoko sanang manyari iyon pero... ayoko namang maging makasarili. It’s obvious that my friends really want to join in this contest. I don’t want to be unfair to them just because of my issues.

“Pano, Sali na tayo?” Amie asked while we’re walking at the corridor. We’re heading to the cafeteria (as usual).

“I’ll bet this competition will be fun! Imagine it’s open for all high school students.” Leanne said while hopping joyously. “Naku, nakakaexcite naman talaga kasi! Madami na naman tayong makikilalang bagong banda for sure.” She added.

“That’ll be a great experience for us! A challenging one too if I may add.” said Ericka. “Gora na, Sali na tayo diyan. Watcha think?”  She asked pointing at me while cocking his head to one side.

Like I said, I don’t want to be selfish and unfair to them. Pagkakita kasi nila ng mga posters about sa battle kanina sa isang bulletin board na nadaanan namin, they became excited and all. What can I say? “If you want to, then we will.” I told them.

Just to be honest here, kahit na sinabi ko sa kanilang sasali kami, there’s a part of me that’s still reluctant in joining. ‘Yung bang hindi buo yung desisyon ko sa pagsali dito. Kaso ano pa nga bang magagawa ko? Nakapag-oo na ako sa kanila. I don’t want to spoil my friends’ excitement and turn it to disappointment.

“Yey! Thanks, leader. Ganda mo talaga!” sabay yakap naman ni Leanne sa’kin.

“Anong connect, Leanne? Aha. Basta, thanks Ri—I mean Joyce. Galingan natin ah? Wala ng makakalimot ng back-up guitar ah?” biro ni Ericka at nagtawanan naman kami. Haaay~ Naalala ko bigla ‘yung gabing ‘yon. First time akong naputulan ng guitar string at... at pinahiram ako ni Gabriel na kalaban namin noon. Hindi pa kami magkakilala non... at hindi ko rin alam non na siya pala ang nasukan ko. Buhay nga naman. Unpredictable.

Bigla namang huminto si Amie sa pagtawa at naging seryoso ang mukha, “LACE Generation, FIgthing~! But please... let’s eat first. I’m starving, girls. And you,” turo naman sa’kin ni Amie, “there’s someone waiting for you, remember? Pakidalian lang, Joyce. Baka naiinip na ‘yon ikaw rin.” She added while grinning at me. >3>

Shoot! Oo nga pala! Muntik ko na namang makalimutan ang Tsonggo na ‘yon. Grabe naman kasi siya. Ginawa na niya akong delivery girl. Inaraw-araw ba naman ang pagpapabili ng lunch sa’kin. =.= Banas lang. Porket nasa kanya ang kwintas ko. Grrr! Abuso siya masyado!

***

“Oh eto na pinabili mo.” Tawag ko sa Tsonggong nakaakyat na naman sa puno. “Bakit ang hilig mong umakyat diyan?” tanong ko bigla habang nakatingala sa kanya. Medyo mataas kasi ang pwesto niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rhythm of Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon