Chapter 3

39.3K 533 1
                                    


"Where are you going?" Napatalon ako sa gulat.

Lumingon ako kay Klaus na seryoso ang mukha. Maging ako ay natatakot sa anak ko.

"I'm going to meet your father, Klaus,"  mas lalong sumeryoso ang mukha nito.

Naglagay ako ng lipstick sa labi. Sinuot ko din ang silver necklace ko and my earrings too. He just watching me.

"Si Tito Vando n'yo muna ang bahala sainyo,"

Mapagkakatiwalaan si Vando. Mabuti na lang at hindi siya busy ngayon. Nung mag-usap kami kahapon ay napaisip ako bigla. Hindi ko na kailangang patagalin pa na magkita ang mag-aama.

Yiem deserve to know about our children's. Five years is enough to us.

I kissed his forehead. Hindi siya nagpabuhat sa'kin ng akmang bubuhatin ko siya. I just laughed in my mind.

"Khalil, Klent," pag-agaw ko sa atensyon niya.

Pinasadahan ni Khalil ang buong suot ko. Nanliit pa ang mga mata nito.

"Where are you going, Mom?" he asked.

Agad siyang tumakbo palapit sa'kin. Lumuhod naman ako para pantayan siya. Hinalikan ko ang noo nito.

"Pupuntahan ko ang Daddy n'yo," Nagningning ang mga mata nito.

Gustong-gusto niya na talaga makita ang Daddy niya. Nangako din ako sa kanila kaya kailangan ko ng tuparin.

"Si Tito Vando n'yo na muna ang bahala sainyo," I added.

"Love you, Mommy..."

"Mommy, promise po na kasama mo na si Daddy pag-uwi." Sumilay ang ngiti sa labi niya.

Ngumiti ako. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo nito.

"Promise, baby... Pag-uwi ko kasama ko na ang Daddy n'yo," mas lumapas ang ngiti nito.

Nilapitan ko din si Klent at hinalikan dito ito doon. Nilingon ko si Vando pagkatapos.

"Papatayin kita kapag may nangyaring hindi maganda sa mga anak ko." Humalakhak lang ito.

"Baka mas unahin akong patayin ni Yiem." Umiling ito. I just rolled my eyes.

Nang makasakay ako kotse ay kumaway ako sa kanilang tatlo. Si Khalil ang kumaway sa'kin pabalik na may malapad na ngiti. Seryoso pa din ang mukha ng dalawa.

As usual. Mapagkakamalaman mo tuloy itong mga suplado.

Nagmaneho ako ng mabilis pero wala naman nilalabag sa batas trapiko. Agad akong nakarating sa Sollano Building, at halos gusto kong umatras ng nasa tapat na ako.

Nakaramdam ako ng kaba na kanina ay wala naman. I sighed. I can do this.

Nagpakita lang ako ng ID sa guard na agad naman akong pinapasok. Hindi na ako nagtanong sa deck kung saan ang floor ni Yiem dahil alam ko pa naman 'yun hanggang ngayon pero hindi ako sigurado kung do'n pa din.

Ramdam ko ang matinding kaba sa aking katawan. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya... kung magagalit siya ay tatanggapin ko dahil deserve ko naman 'yun.

Ilan taon akong nawala at pinutol ko talaga ang koneksyon naming dalawa. Ginawa ko talaga ang lahat para hindi niya ako mahanap... at alam kong hanggang ngayon ay hinahanap niya pa din ako.

Pinakalma ko ang sarili ko dahil nagsimulang manginig ang mga kamay ko. Ghod... hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may tinago ako sa kanya.

Damn! Ngayon ko lang naisip na antagal pala ng limang taon! Limang taon din siyang nababaliw para lang mahanap ako! Ilang mga private investigator na ang binayaran niya para lang sa akin. Kung bakit ko alam 'yun ay dahil... pinaglalayo ko ang landas naming dalawa.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now