Chapter 4

39.5K 581 9
                                    


Hindi ako nakaimik. Nagpatuloy ang mga luha ko. Nasasaktan sa mga sinasabi niya. Mas lalong nagsisisi sa pang-iiwan sa kanya.

"Galit na galit ako, Lexia. Galit na galit ako..."

"Tangga-"

"Pakiramdam ko ay andali dali lang akong bitawan kasi nagawa mo..."

Marahan kong hinaplos ang mga pisnge niya.

"H-hindi... Hindi, Yiem... Don't say that,"

Mapait siyang ngumiti. "B-bakit mo ako iniwan? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Limang taon... limang taon akong naghintay sa'yo..."

Lumuha siya. Pinilit kong abutin ang mukha niya. Hinalikan ko ang mga mata niya at hinaplos ang kanyang buhok. I heard his sobbed.

"I'm sorry, Hon... I'm really sorry..."

Nagpatuloy lang siya sa paghikbi. Yumakap ito sa baywang ko at siniksik ang ulo sa aking leeg. I bite my lips. Pinigilan kong h'wag kumawala ang hikbi.

"I was too emotional that time..." saglit akong tumigil. "Hindi ako makapag-isip ng maayos kaya ko nagawa ko 'yun..."

"Not a valid reason..." mahinang aniya.

Hinaplos ko ang buhok niya. Dumiin ang kagat ko sa labi at handa ng sabihin ang tunay na pakay ko.

"That time... I'm pregnant..."

Natigilan siya. Halos hindi siya gumalaw. Lumalim ang hininga niya sa leeg ko. Nagsimula na naman ang kaba sa dibdib ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Walang emosyon ang kanyang mukha.

"What did you say?" mariing tanong niya.

"Yiem..." kinakabahang pagbanggit ko sa pangalan niya.

"Ulitin mo ang sinabi mo, Lexia," Napaiyak ako lalo.

"May anak tayo, Yiem..." Kagat labing pag-amin ko.

Umawang ang labi niya. Nalaglag ang panga niya. Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin.

"Kaya ako nagpakita-"

"Nasaan siya? Nasaan ang anak natin? How old is she, he? Naging maayos ba ang-"

"Yiem..." Kinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko.

Natataranta siya. Wala sa sarili at hindi pa din makapaniwala.

"Calm down, Hon... Please, calm down,"

"Oh, Lord... We have a child... We have a child..." ilang beses niyang inulit ang salitang 'yun.

Mas lalo lamang bumuhos ang mga luha ko.

"I want to see her,"

"Them," pagtatama ko.

Nagtama ang mga mata namin. Namumungay ang mga mata nito at may bakas pa din ng mga luha.

"I want see them.. Please," he begged.

Hinalikan ko ang ilong niya. "Kaya nga ako nandito... kasi nangako akong dala na kita pag-uwi," I whispered.

Nawalan na siya ng imik. Inayos niya ang sarili niya. Hindi ko mapaliwanag ang mukha niya habang naglalakad kami palabas. Ang tanging nararamdaman ko ay saya sa puso ko.

Hindi gano'ng reaksyon ang nais kong makita mula sa kanya. Akala ko ay magagalit siya. Nakita kong nanginginig ang kamay niya habang nakahawak sa manibela. Gusto ko mang hawakan ito ay pinigilan ko ang sarili ko.

Alam kong hindi pa din siya makapaniwala lalo na at biglaan...

Kung gano'n ang reaksyon niya... ano kaya ang reaksyon ng tatlo? Kung si Khalil ay paniguradong matutuwa. Ano naman kaya sina Klaus at Klent?

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now