Chapter 32

22.1K 254 4
                                    


I'm confidently walking with fierce. Napatingin sa akin ang lahat ng mga empleyado niya. I'm wearing a sunglasses. Naagaw ko talaga ang atensyon nilang lahat.

I'm here in my mother's company, not my real mom. I want to know everything. At gusto kong mang-galing sa kanya ang lahat. Marami akong katanungan sa kanya na dapat niyang ayusin ang isasagot dahil talagang baka hindi ko na siya matansya.

"Oh-" she stopped when she saw me. She smiled sweetly. "Himala at pumunta rito ang magaling kung anak," she said.

"I'm not your daughter. Tita Lexi is my mother and not you," diretsyang saad ko na ikinatigil niya.

Tumawa siya na akala mo may nakakatawa sa sinabi ko.

"Hindi na ako magpapaligoy pa. Tell me everything," mariing utos ko.

"Bakit naman agad-agad, anak?" she asked.

Inis at masama ko siyang tiningnan dahil sa pagtawag niya sa aking anak. Gusto ko na lang masuka dahil sa pagiging plastic niya.

"H'wag na natin patagalin pa 'to. Gustong malaman mismo sa bibig ninyo kung anak ninyo ba talaga ako o anak ako nina Tita Lexi at ni daddy," I said confidently.

Biglang naging seryoso ang kanyang mukha at parang galit siya.

"H'wag na h'wag mong babanggitin ang pangalan ng tita mong malandi rito," mariing aniya.

I glared at her. Matalim na tingin ang binato ko.

"Wala kang karapatan na sabihan nang malandi ang tunay kong ina. Baka nga ikaw pa ang malandi. Baka nilandi mo si daddy habang sila ni tita," mariing saad ko.

Galit ang bumalantay sa kanyang mukha. Matinding galit. Mukhang alam ko na agad. Hindi ko pa narinig sa kanya ang buong storya ay alam ko na.

"Oh, I'm right? Mukhang ikaw ang malandi sainyong dalawa. Inagaw mo siguro si daddy kay tita," nanunuyang saad ko.

"Bastos at wala ka talagang modo! Nagsisisi na ako na ako na hinayaan ang ama mo na kupkupin ka," galit na aniya.

"Edi sana hindi na lang. Sana sinabi mo na lang kay daddy na ayaw mo sa akin. Hindi 'yong inalagaan at inaruga mo ako na ganito."

Napatayo na siya. Galit pa rin ang mukha. Mabilis siyang lumapit sa akin kaya napatayo ako.

"Wala kang utang na loob. Gusto mong marinig ang kuwento, hah? Talagang gusto mo pang madagdagan ang sakit na nararamdaman mo? Talaga hah. Sige, pagbibigyan kita!" malakas na aniya.

Nagsimulang sumibol ang kaba sa dibdib ko. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa mga susunod niyang sasabihin.

"You're right. Inagaw ko ang daddy mo sa tunay mong ina dahil 'yang nanay mo ay may ibang lalaki. Ako 'yong nando'n. Mga panahong umiiyak ang daddy mo. Umiinom at miserable dahil sa nanay mong malandi," panimula niya.

Unang sinabi niya pa lang ay halos hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"Nalaman naming buntis ang nanay mo at sinabi niyang hindi ang daddy mo ang ama! Kaya inalok ko ang daddy mo na pakasalan ako para mapaghigantihan niya ang nanay mo! Masaya na kami nang daddy mo nang nang-gulo na naman siya! She ruin our life! She fucking ruin your dad again! Sinabi niyang ang daddy mo talaga ang tunay na ama ng pinagbubuntis niya. At ito namang tangang daddy mo ay naniwala!" galit na sigaw niya.

May kung anong kirot sa dibdib ko nang makitang tumulo ang isang butil ng kanyang mga luha.

"Gustong balikan ng daddy mo ang nanay mo dahil nagmakaawa siya sa daddy mo na bumalik ang daddy mo sa kanya at buuin ang pamilya nila! Bumalik ang daddy mo sa kanya kahit na kasal na kaming dalawa. Kahit na mag-asawa na kami. Hinayaan ko lang. Hanggang sa bumalik ulit ang daddy mo sa akin habang karga ka. Iniwan ka ng 'yong ina!" sigaw niya.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now