Chapter 31

23K 268 9
                                    


I cried alone. Mag-isa akong umiyak magdamag. Napapangiti na lang din nang mapait.

Paanong nagawang magloko ni daddy? Nagloko nga ba siya o nauna naman si tita sa kanya? Pero hindi ko ata kaya kapag nalaman na nagloko siya.

Pero isa lang ang gusto kong malaman.... kung binuo ba nila ako nang may pagmamahal. Kung mahal ba nila ang isa't-isa habang nagtatalik silang dalawa ni tita... and hindi ko rin alam ang mararamdaman ko kay tita. Kung magagalit ba ako dahil hindi man lang niya sinabi sa akin na siya ang tunay kong ina. Dahil maglalapit lang kaming dalawa, e.

Bakit hindi niya man lang nagawang sabihin? Natatakot ba siya? But why? Kung natatakot siya ay bakit? At paanong kay daddy ako napunta at hindi sa kanya?

I'm fucking doomed! Gulong-gulo na ako. Akala ko ay okay na ang lahat. Ayos na sa akin na hindi na magbalik ang dating samahan namin ni mommy, pero ang malaman na hindi pala siya ang tunay kong ina. Parang sinasaksak lang ako nang ilang beses.

"I just want to be happy... pero bakit hindi pa binibigay sa akin? Ayaw mo ba akong tuluyang maging masaya, Lord? Ganito ba ang parusa mo sa akin sa pagiging masama nang ugali ko? Kaya ko naman magbago, ah. Pero bakit naman ginawa mong ganito...." nanghihinang saad ko at tinungga ang beer na hawak.

Kaya naman pala gano'n na lang si mommy. Na parang wala na lang ako sa kanya simula nang nagkaroon ako ng sungay sa kanya. Hindi niya pala ako totoong anak. Anak pala ako ni daddy sa ibang babae... sa tita kong naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ina.

Tapos... tapos malalaman kong siya pala talaga.

"Hindi naman palaging matapang ako, Lord. May kahinaan rin naman ako. Umiiyak rin naman ako kapag nasasaktan ako. Tao rin naman kasi ako, Lord. Ginawa mo rin ako kaya alam mong nasasaktan rin ako. Pero bakit naman ganitong sakit ang pinaramdam mo sa akin? Pinapatay kasi ako, e...." I said again.

Kung may makakakita lang sa akin ay baka sabihan akong tanga dahil nagsasalita mag-isa at kinakausap ang sarili.

"Gano'n ba ka hirap na gawin akong masaya, Lord? Na hayaan mo na lang akong maging masaya? Sobrang saya ko na nang makilala ko si Yiem, Lord. Sobrang saya ko na... tapos ganito pala. Sakit mo naman magbigay nang parusa, Lord. Pinatay mo na lang sana ako..." I said again and chuckled.

My tears rolled down to my cheeks. Napahikbi na rin ako at napasubsob sa lamesa. Pilit kong pinipigilan ang pagluha, pero hindi ko pala kaya.

Ang sakit sakit sa dibdib.

"Ang tanging hiling ko lang naman ay ang maging masaya na. Wala na akong hiling pa... pero hindi mo man lang binigay sa akin 'yon. Ay mali, binigay mo sa akin pero agad mo ring binawi. Mas lamang 'yong sakit kaysa sa saya. Ang unfair mo naman, Lord...." I sobbed again.

Mukha akong miserable sa itsura ko.

"Honey..." someone whispered.

"Gusto ko lang naman maging masaya. Ang mahalin ako. 'Yon lang naman ang gusto ko. Mahalin ako at tanggap ako kung sino ako..." I said and sobbed.

"Shh, I love you so much, Honey. At tanggap kita. Tanggap na tanggap kita at mas gusto ko 'yong attitude mo. Stop crying, nasasaktan ako..." he whispered again.

"Yiem... is that you? Or I'm just hallucinating?" I asked.

Walang sumagot kaya napangiti na lang ako nang mapait. Mukha nga.

Naramdaman kong may bumuhat sa akin. Nanlalabo ang aking mga mata dahil na rin sa tama ng beer sa katawan ko. Naka anim ba naman akong bote. Sadyang malalasing na ako kahit na mataas ang tolerance ko sa alak.

Lumambitin ako sa leeg niya at siniksik ang sarili sa kanya na parang bata.

Nang maramdaman ko ang malambot na kama sa aking likod ay hindi pa rin ako bumitaw sa kanya.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now