Chapter 14

29.7K 369 19
                                    


Nakasweatpants siya na kulay gray habang walang suot pang-itaas.

Likod pa lang ay halata ng guwapo.

Pinagmasdan ko ang galaw niya sa pagluluto. Chill lang siya dahil ngumingisi ito.

Nakakamangha talaga sa isang lalaki kapag marunong magluto. Marunong sa mga gawaing bahay. Hindi 'yung babae lang ang dapat marunong.

"Good morning..." his husky voice.

Napatikhim ako.

"Good morning too. Bakit ikaw ang nagluto? Sana ginising mo na lang ako," I said.

Nilapitan ko siya. Agad akong nakatanggap ng halik sa kanya sa gilid ng ulo ko.

"Nah, ayokong gisingin ang misis ko lalo na kapag mahimbing ang tulog..."

Inabot niya sa akin ang isang basong may lamang gatas. I can't stop smiling.

"How's your sleep, Honey?" he asked.

Umupo na muna ako at pinagmasdan ang kanyang likuran. Inaasikaso niya ang kanyang prinitong tocino.

My favorite kaya karamihan ng nasa ref ko ay tocino, pero kahit na gano'n ay kailangan pa din ng health diet.

Ayokong tumaba.

"Good. Ikaw? Hindi naman sumakit ang likod mo sa sofa kasi malaki ka, e."

"I know..."

Natigilan ako. Iba ang paraan ng pagkakasabi niya ng salitang 'yun.

What the heck. Iba ang ibig sabihin niya.

"Nagkasya ka naman?"

Ngumisi siya. Hindi ko maiwasan na bumaba ang tingin ko sa abs niya.

Yes, meron siya no'n.

"You want to try?"

"Huh?" tangang tanong ko.

He chuckled. Namula ako ng marealized ang sinabi niya.

Tangina, sinasabi ko na nga bang iba ang ibig sabihin niya.

As if naman na gusto kong makapasok siya sa akin. Pero, ayaw ko ba?

"Why are you blushing?" he teased.

I glared at him. Sinisimulan niya talaga ako.

"I'm not. Kumain na lang tayo,"

Narinig ko muna ang paghalakhak niya. Parang tuwang-tuwa samantalang ako ay hiyang-hiya habang namumula ang ng bahagya ang mga pisnge.

Napakabastos talaga ng utak niya kahit kailan.

"What do you want to eat first?"

"Yiem!" saway ko.

He chuckled. "What? I'm just asking honey kung ano ang gusto mong unahin na kainin. Anong mali sa tanong ko?"

Napatikhim ako dahil sa hiya. Iba kasi ang tuno ng pananalita niya kaya gano'n na lang ang naging reaksyon ko!

Alam kong may iba pa kasi siyang ibig sabihin.

"Paabot ng hotdog,"

"Hotdog ko?"

"Yiem Mathew!" sigaw ko.

Masama ang tingin na ginawad ko sa kanya, pero imbes na matakot siya ay ngumisi ito.

"Hindi na ako natutuwa, Yiem Mathew Sollano," diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko sa buong pangalan niya.

Nakita ko naman ang pagkataranta niya para mapangisi ako.

Akala niya huh. Hindi uubra sa akin ngayon ang mga style niya. Masyado siyang hyper ngayong umaga.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now