Chapter 35

24.4K 285 7
                                    


Kakapanganak ko lang at hindi naging madali ang panganganak ko. Halos mawalan na ako ng malay sa pangalawa. Mabuti na lang at nakayanan ko. Pero delikado na kapag nagbuntis pa ako dahil baka may mangyaring hindi na maganda sa akin kapag nanganak ulit ako.

"Kiel..." I called him.

"Yes, Ate? May kailangan ka ba? Gustong kainin?" he asked softly.

"'Yong mga babies ko? Nasaan na sila? I want to see them..." mahinang sabi ko.

"Dadalhin daw rito mamaya, Ate," he answered.

Marahan na lamang akong napatango. Nanghihina ako maging ang aking katawan kaya nahihirapan ako. Maging ang pagtayo at hirap ako. Kunting kilos ko lang ay hirap na ako.

"Ayos ka lang ba, Ate?" nag-aalalang tanong niya.

I smiled a bit. "Ayos naman. Thank you so much Kiel hah. Thank you dahil hindi mo ako iniwanan hanggang sa manganak ako..." I said.

Lumapit siya sa akin. He carresed my hair. Hinalikan niya rin ang tuktok ng ulo ko.

"I'm so happy... but at the same time. Nakakaramdam ako ng sakit at lungkot," pag-amin ko sa kanya.

Si Kiel ang kasama ko simula nang hindi malaki ang tiyan ko. Siya na ang nag-alaga sa akin at nag-asikaso. Lahat ng mga gusto kong kaininin ay hinahanap niya talaga kung saan. Hindi siya pumapayag na hindi ko makakain 'yon. Hindi siya umalis sa tabi ko kahit na anong mangyari.

Kapag nagigising ako sa hating gabi at naghahanap ng pagkain at gigisingin siya ay talagang gigising siya. Wala rin siyang pakialam kung gabi na. Basta ang importante ay makain ko ang cravings ko.

Alam kong nahirapan siya sa akin. Napagod at napuyat siya dahil may times talaga na magdamag niya akong binabantayan. Hindi siya nagkaroon ng tulog na maayos dahil sa akin kaya sobrang thankful ako sa kanya dahil nandiyan siya.

"H'wag ka na muna mag-isip ng kung ano ate. Ang tanging isipin mo na muna ay ang mga anak mo. Nandito lang din ako. Tutulungan kita sa pagpapalaki at pag-aaalaga sa kanila," aniya.

Napatango ako habang may maliit na ngiti sa labi. Hindi man si Yiem ang nandito, atleast nandito si Kiel.

"Kiel..." tawag ko.

"Bakit, Ate?" he asked softly.

"Hindi pa rin ba talaga natigil si Yiem sa paghahanap sa akin?" I asked.

Umiling siya. "Hindi pa rin, Ate. Mukhang walang balak tumigil hangga't hindi ka nakikita," he answered.

Napahinga ako nang mahina at napatingin sa kung saan. Talagang hindi titigil si Yiem hangga't hindi talaga ako nakikita. Pero wala kasi akong balak na magpakita muna sa kanya. Hindi ko pa siya kayang harapin.

Hind ko pa kaya at ayaw ko pa.

"Basta 'yon pinapagawa ko sa 'yo. H'wag mo sanang hayaan na mahanap niya ako at ang malaman na may mga anak kami," I said.

He shook his head. "Bakit ayaw mong malaman niya? Hindi naman sa kinakampihan ko siya, pero dahil nakikita ko kung gaano niya talaga gustong mahanap ka. Mukhang mahal na mahal ka niya," aniya.

I smiled a bit  I know about that, pero may kasalanan ang pamilya ko sa pamilya niya. Hindi ko pa kayang humarap sa kanya.

"Hindi ko pa kayang humarap Kiel, kaya sana ay h'wag niyang malaman kung nasaan ako at ang may mga anak kami," pakiusap ko.

"Kailan mo balak ipaalam sa kanya?" he asked.

I sighed. "Hindi ko pa alam. Gusto ko na lang munang pagtuunan ng pansin ang mga anak namin. Magulo pa rin ang isip ko ngayon," I asnwered.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now